Thursday, February 9, 2012

Teleserye Review: Mundo Man Ay Magunaw


This January, madaming shows ang nag premiere. Walang Hanggan, Legacy, Lumayo Ka Man Sa Akin, E-boy. Pero ang pinaka nakaagaw talaga ng attention ko was Mundo Man Ay Magunaw.

Nung napanuod ko yung teaser sa youtube, at sa mga nabasa ko sa forum, the soap really looks promising. This was actually a remake from the 1990 movie, starring Sheryl Cruz, Jennifer Sevilla and Romnick Sarmienta, with Leroy Salvador as director, and Salvador Royales as creator. Sa version na ito, Empress takes Sheryl's role, Nikki Gil takes Jennifer's and Ejay Falcon takes Romnick's. With Eula Valdes, Sylvia Sanchez, Allan Paule and Tessie Tomas. And now directed by Jeffrey Jeturian and Rechie del Carmen. If mapapansin ng mga nakanuod, based sa mga gumanap sa original version ang names ng mga characters ng 2012 version.

January 30 nagstart yung soap na to. Originally, this will be aired at 2:45 PM sa Kapamilya Gold kapalit ng Heartstrings, pero dahil mamaalam na ang Happy Yipee Yehey sa ere at mamahinga pansamantala ang showtime that week, nilagay to sa 11:30AM slot. Pero after a week, inilagay na ito sa 2:30 PM.

Well, the pilot episode was really promising, napakaglossy ng paggawa. Jodi playing the young Eula Valdes was really good, it seemed like hindi siya special participation kundi pag-aari niya talaga ang show. Katya Santos as young Sylvia Sanchez also did a great job, as well as James Blanco and Christopher Roxas. Dito din sa show na to nagustuhan ko si Empress. Napakacute ng role niya, very bubbly, humurous and driven. Nikki Gil is an effective maldita, and hindi siya basta maldita, marami siyang dahilan. And nakakatuwa ang pagkakasampal niya kay Empress and yung pagkakadeliver niya ng "WRONG! You will never be, one of US!" and yung isang scene, nakakatawa siya. "*sampal* That is for flirting with my boyfriend. *sampal ulit* That is for illegal possession of ugly shoes!" Grabe ang benta lang. Ejay Falcon in this soap looks so gwapo. Malayong malayo sa mga roles niya dating nakakairita at pa-cute. Ngayon mukha talaga siyang knight in shining armor. Affected din ako kay Eula Valdes dito, napakagaling niya, ramdam mo talaga yung pangungulila mo bilang isang ina! :)

Actually, ito yung teleseryeng never pa akong nakamiss ng episode. Yes I have classes, pero nagkataong wala akong pasok ng 30. At nalate ako nung February 1! 11:30 dapat ako umaalis pero nanuod muna ako nito. HAHA! :) At ang mga namiss ko, pinapanuod ko sa internet.

Sa totoo lang, ang kailangan lang iimprove ng palabas na to ay ang timeslot. Sa totoo lang deserve nito yung timeslot ng Maria La Del Barrio, or better yet Budoy! Napakaglossy! Basta Star Cinema may gawa, halatang pinaghandaan at hindi minadali. :)

Sana ituloy tuloy nitong soap na 'to ang kabonggahan niya. :) At sana di maapektuhan to ng ratings, kung mababa, as long as maganda, tuloy tuloy lang, wag sisibakin sa ere at madaliin ang pagtatapos. :))

--PIPAY'S REVIEW. February 9, 2011. 12:35 AM ♥

No comments:

Post a Comment