Isa rin sa mga inaabangang kalahok ng taunang Metro Manila Film Festival ang entry ng Star Cinema 'One More Try' na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo and Angel Locsin. Ito ay sa direksiyon ni Direk Ruel Santos Bayani (of No Other Woman, Iisa Pa Lamang and Tayong Dalawa). Of course, nakaplano ko na talaga itong panuorin, nagso-story con pa lang sila, dahil nga si Direk Ruel (who has been one of my favorite directors) and ang huli niyang movie na No Other Woman.
Of course, dahil nga fresh from the success of No Other Woman si Direk Ruel, marami rin ang nag-akala na puro sex, kabitan ang One More Try. Pero dito sa aking movie review, malalaman natin kung ito ay isa na namang Mistress/Sex Movie.
Ang kwento nito ay tungkol sa mag-asawang Jacq (Angelica Panganiban) at Edward (Dingdong Dantes). Masayang couple sila pero wala silang anak...until lalapit sa kanila si Grace (Angel Locsin). Nagkaroon pala ng anak si Grace at Edward dahil sa isang pagkakamaling nagawa nila noon, and the child needs a bone marrow transplant para siya ay gumaling. Hindi rin nag-match ang bone marrow ni Edward at Botchok. Kinakailangang magkaroon ng kapatid si Botchok para ma-donate-an siya ng bone marrow...and the problem starts when they had to do it the natural way...
Anyway, kilatisin na natin. HAHA. First is the acting.
The two lead actresses nailed it. Sila ang nagdala ng pelikulang ito. In the whole duration of the movie, I was thinking, who's a better actress, pero wala akong maisip na mas magaling sa isa dahil pareho silang may sariling mga eksena na nadala nila. :) Kung pwedeng mag-tie sa pagka best actress sa MMFF, silang dalawa na dapat!
The two guys are good as well...but I think Zanjoe Marudo as Tristan- Grace's boyfriend - nailed it more than Dingdong, maybe because we are used of seeing Dingdong na umaarte ng mabigat. Marami rin akong naririnig na hindi kagalingan si Zanjoe umarte but upon seeing this movie, Zanjoe really is a revelation. I give all my praises to him talaga.
Sa supporting cast naman, Agot Isidro as Marga - Jacq's bestfriend - is always good naman, though I like her more sa Sosy Problems (eto mahirap pag may isa pang pelikula sa MMFF e, comparison). Miss Gina Pareno is of course a really great actress, kaso hindi masyadong ramdam ang kanyang presensiya rito. Si Carmina Villaroel as OB-Gyne and friend of Grace is grabe, I love her! Kakaiba ito sa mga roles na na-i-portray niya dahil madalas softspoken ang mga roles niya pero dito, bungangera siya! Haha!
Cinematography lang ang medyo hindi ko nagustuhan dahil minsan malabo, at merong nagmomoist ang camera. They should have made something para hindi maging ganun. The musical scoring is okay as well, may No Other Woman feel dahil si Raul Mitra din ang musical scorer. At nakakadagdag ng intensity sa bawat eksena. :D The story is okay as well, very unpredictable, sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan siya matatapos, at kung anong mangayayari. The love scenes are well shot, most especially that of Angelica-Dingdong-Angel's. Oh! Gulat kayo, 3 sila, paano nangyari yun? WAHAHA.
Count that love/sex scene as one of my favorite scenes too. Not because of malibog ako ha or what. Pero yun ang pinaka magandang love/sex scene na napanuod ko. I have a "/sex" sa sinasabi ko because I don't consider it as a love scene...panuorin niyo why! :P Maganda rin ang scene ng small catfight ni Angel at Angelica, yes meron, dalawa pa. I want that more kasi yung bigger catfight, intense and I was shaking ng bongga, sa kaba. HAHA.
The ending is okay naman, kaya lang very usual. Yes the ending had been quite predictable, but you will not know na yun ang ending. It's not a surprise ending...pero kasi while watching the film, marami kang maiisip na possible endings, which made the story unpredictable, and good, 'cause a good story requires some thinking diba. :)
Anyway, maraming nagsasabi na hango ito sa In Love We Trust na movie...pero wala akong pakialam. Di ko pa napapanuod yun eh, kaya wala akong karapatang husgahan ang pagkakatulad ng dalawang pelikula. :)
Anyway, manuod kayo ng One More Try, because I tell you, sulit ang ticket, walang eksenang makakatulog ka, lahat intense at bongga. :)
No comments:
Post a Comment