[Long Overdue na itong movie review na ito. Sa wakas at sinipag na ako. Sorry. Hahaha.]
Isa sa mga most-awaited films of 2013 ang balik tambalan nina Julia Montes at Coco Martin after ng phenomenal success ng teleseryeng Walang Hanggan - ang A Moment In Time. Pinagkagastusan ang pelikula na ito bilang nagpunta pa ang cast ng movie sa Amsterdam.
Ngayon, dapat talaga hindi ko na papanuorin ang movie [kahit gaano ko ka-gusto] dahil sa sobrang kangaragan sa News Program Final Exam namin. Pero blessing ang kagrupo kong si Krissa Abdon dahil may free tickets siya at nagbayad lang kami ng Php 60 para sa ticket ng kasama namin. Haha. :)
Okay, punta na tayo dun sa totoong pag ci-critique. Haha. :)
The story of A Moment In Time is about Patrick na isang artist at waiter. Nakasakay siya sa train (not sure kung LRT/MRT) ng may makita siyang babae, na natisod at napahawak sa poste na hinahawakan din niya. Tinamaan siya sa babae. Kaya pinaint nya sa isang public wall...and nakita iyon ng babae na nagngangalan pa lang Jillian. Di love at first sight kay Jillian...hanggang sa nagbonding sila, pininta ni Patrick si Jillian...hanggang sa nalaman ni Patrick ang isang sikreto ni Jillian...doon nagsimula ang falling out nila hanggang sa nakarating sila sa Amsterdam. Di ko na ikekwento ng buo. Haha. Bili na lang kayo ng DVD pag available na.
Anyway, eto na.
Coco Martin and Julia Montes has a very undeniable chemistry. Bagay sila. They don't look like na malaki ang agwat ng age nila. Coco Martin's Patrick is like the young Daniel. Nung mga umpisang parts pa lang ng Walang Hanggan...very jolly, playful. Kikiligin ka sa kanya. As in. Well, magaling naman kasi talaga si Coco Martin. :) Julia Montes naman is very convincing sa kanyang role. Her role is quite easy to portray pero I don't think may iba pang actress na babagayan ng role ni Jillian.
The supporting actors are of course, undeniably good. Gabby Concepcion and Cherie Gil yun e. Haha. :)
Let;s go naman to the technical aspects. Photography is maganda of course. But I would like to commend the musical scoring. Yes, this is the best part of the film for me. Knowing the musical scorer, Mr. Jessie Lasaten, iba ito sa musical scores na nagawa niya for Film & TV. :)
And of course, the story. Okay ang story, but then this is the love story that you will never wish na mangyari sa'yo. Ako kinilabutan talaga ako kasi I did not expect na ganoon ka-tragic. And the first part was nakakakilig but scary at the same time. Haha. Kasi parang ang labas kay Patrick was a stalker na e. Buti na lang e naging okay sila ni Jillian. Hahaha. Pero ang pinaka ayoko namang mangyari saken was the secret-tragic part. Nakakaloka siya. :)
Anyhow, it's still a good movie to watch. Maiiyak ka, matatawa ka. :)
No comments:
Post a Comment