Thursday, May 23, 2013

Dream Ko: Meeting Your Inspirations

Last October 25, 2012, alam naman nating lahat na naimbitahan ako para sa Press Conference ng teleseryeng Precious Hearts Romances presents Paraiso ng headwriter nito na si Miss Bing Castro. Doon na-meet ko ang creative team ng show which consists of, of course Miss Bing, then Sir Julius Villanueva (not in the pic), Miss Bianca Geli, Sir Mike Transfiguracion and Sir Jurey Mirafuentes. And of course, it's an honor meeting them dahil pangarap ko ring maging katulad nila. :)





Then last April 5, 2013, ininvite uli ako ni Miss Bing at her place for a Paraiso Finale Viewing Party. :) Dito nakasama ko uli  si Miss Bianca at Sir Julius, at mas in-depth at matagal ang naging bonding namin. Yes super bonding talaga kasi mula 3PM to 11 PM andun kami ng bestfriend kong si Cher. And oo, di nga ako mahilig magpa-gabi or bawal ako magpa-gabi pero siyempre, minsan ko lang naman sila makasama at sobrang saya. :D As in super, kahit habang iniisip ko pa rin ngayon nangingiti ako. Haha! :D Super dami kong natutunan from the experiences and lessons they shared at hanggang ngayon, nakainstill pa rin sa akin. :D


Pero last Sunday, ininvite ulit kami ni Miss Bing na manuod ng play na What Puring Wants, Coring Needs. I already posted my review sa isang link at kung tungkol saan ang play kaya di ko na isu-summarize. Haha. Nakakaloka yung araw na yun kase before the play, something happened sa akin, nahilo ako sa biyahe and I ended up throwing lahat ng kinain ko, sa MRT pa, buti na lang umabot sa CR. Haha. ;)

Pero sabi nga nila, "Hirap muna bago sarap", dahil bawing bawi ako. Una na diyan ay napakaganda ng napanood ko. Sobrang ganda. At habang nanunuod ako, nadisturb ako sa kabilang row dahil familiar ang nasa kabila...yun pala ay si Direk Ted Boborol of Angelito and upcoming Anna Liza! Haha. :) Sayang lang at di ko siya nabati kasi umalis na siya agad...bago naman kami lumabas ay nakausap ko rin si Sir Ruel Montanez (Lumayo Ka Man Sa Akin) na very accommodating and then paglabas namin after the play, Miss Bing introduced me to Miss Rose Colindres (of Mula sa Puso and Angelito), very kind niya kahit saglit lang kami nagka-encounter. :)

Tapos eto na, nag-uusap usap kami nila Miss/Ate Bianca (Geli), Inna, Cher, and Miss Bing about May Isang Pangarap...nang biglang lumabas sa elevator ang writer nito at idol na idol ko talaga na si Miss Noreen Capili. Jusko, napanganga na lang talaga ako nung makita ko siya. As in super. And siyempre I grabbed the chance na magpa-picture sa kanya! Grabe, ang bait bait niya, and ang bango ng perfume niya. :) Sabi ko, parang dati lang sa Formspring ko lang siya nakakausap [Remember my 2011 blog entry: http://jimpylovestv.blogspot.com/2011/05/i-am-inspired-by-television-writer.html] , ngayon nakita ko na siya, and as far as I remember, parang nakilala niya ako when I saw her. Grabe ang saya. :)

Then nakita ko rin sina: Miss Clarissa Estuar (Pintada), Miss Chie Floresca, Sir Jose Ruel Garcia (A Beautiful Affair) and had a chat with Miss Tanya Winona Bautista (Impostor, A Beautiful Affair) na very kind, humorous and pretty! :D

And after non, hang out pa kami kasama si Ate Bianca. Bongga diba? :)


With Miss Bing Castro, ang headwriter ng PHR: Paraiso + napakabait na nilalang sa mundo. ;)
Super thankyou po talaga :D

With Miss Noreen Capili. After the long wait, nameet ko na siya. Grabe panalong experience. :D


With Miss Tanya Winona Bautista, very pretty niya and humorous pa! Super bait! :D

Dinner at McDo with Ate Bianca, Inna and Cher. :)

Grabe. Ang babait nila. Di ako makapaniwalang ilan sa mga kinukulit ko lang noon sa Twitter, nameet ko na ngayon. :'> Super salamat talaga kay Miss Ruby Leah "Bing" Castro dahil kung hindi dahil sa kanya, di ko makikilala tong mga taong ito na talagang inspiration ko. :) Grabe super dami niyo na pong naitulong saken. :)) As in super duper! =))

Sana sa susunod, makita ko sila uli...most especially in the professional side. :) In short, sana makatrabaho ko sila, pag pinalad ako. :))

No comments:

Post a Comment