Thursday, May 23, 2013

Teleserye Throwback: Lumayo Ka Man Sa Akin


2012 nang muling magbukas ang best-selling umbrella series ng ABS-CBN sa hapon na Precious Hearts Romances after a 9-month hiatus at inihandog sa atin ang TV Version ng isa sa mga obra ni Martha Cecilia, ang "Pangako". Pero sa TV, ang naging title nito ay "Lumayo Ka Man Sa Akin". Ito ay pinangunahan nina Jason Abalos bilang Jake Falcon, Patrick Garcia bilang Matthew de Vega, Ina Feleo bilang Karla, Ina Raymundo bilang Consuelo at Maja Salvador bilang Janine del Castillo.

Ang kwento ng Lumayo Ka Man Sa Akin ay tungkol kay Janine del Castillo at sa paghahanap niya sa kanyang pagkatao ng malaman niya sa kanyang amang si Morris na hindi niya tunay na ina ang nakilala niyang mommy na namayapa na, at ang tunay na ina niya ay nagngangalang Consuelo. Sa paghahanap niya nakilala niya ang isang lalakeng nagngangalang Jake Falcon. Madedevelop sila pero may mga kailangan silang harapin, si Matthew De Vega, ang fiancé ni Janine, at si Karla, ang kapatid sa ina ni Janine na naanakan ni Jake.

Tumakbo ang Lumayo Ka Man Sa Akin ng 15 linggo at inere sa 5PM timeslot kapalit ng top-rater sa Kapamilya Gold na Reputasyon. Nagumpisa ito noong January 23, 2012 at natapos noong May 6, 2012. Madalas na nananalo ang Lumayo sa kalaban pagdating sa ratings. Ito ay sa direksiyon ni Katski Flores (who helmed the last PHR before this na Mana Po) at Toto Natividad.

Ang mga eksenang di ko makakalimutan sa PHR presents Lumayo Ka Man Sa Akin ay nang magkabati bati si Janine, Karla at Consuelo. At nang malaman ni Consuelo na si Janine ang kanyang anak kay Morris. Nakakatouch ang mga eksenang ito at nakakaiyak. Siyempre isa rin sa mga unforgettable scenes ng palabas ay ang kasal ni Janine at ni Jake, dahil pagkatapos ng mga problema, nanaig ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Ito ang una sa mga sasariwain nating mga teleserye sa Teleserye Throwback, ang pinakabagong segment ng aking bagong blog, ang Jimpy Loves TV...and Life Too!

No comments:

Post a Comment