To refresh your memories, IKA premiered October 8 of last year and ended June 14, 2013. So kung bibilangin natin, 36 weeks umere ang IKA. Nagpremiere ito at 9:00 PM after Walang Hanggan sa Primetime Bida. This is directed by Direk Don Cuaresma (100 Days To Heaven, Rubi, Agua Bendita, Sabel, some episodes of Maria La Del Barrio) and Direk Jojo Saguin (100 Days To Heaven, May Bukas Pa, Agua Bendita, Idol) and written by Miss Danica Domingo (writer: Mara Clara, Momay, Agua Bendita, Kambal sa Uma; headwriter: Kung Ako'y Iiwan Mo and this show), with co-writers Sir David Diuco (almost same with Miss Danica's) and Miss Mariami Tanangco-Domingo (Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Katorse, Dahil sa Pag-ibig).
THE CAST:
Enchong Dee as Ethan Castillo
Xian Lim as Liam Lagdameo
and
Kim Chiu as Celyn Buenaventura/Marasigan
Janice de Belen as Beatrice Marasigan
Ariel Rivera as Julio Marasigan
John Regala as Mio Buenaventura
Cherry Pie Picache as Teresa Apolinario
Eddie Gutierrez as Lucas Elizalde
Pilar Pilapil as Yolanda Elizalde
Ronaldo Valdez as Zacharias Apolinario
Jason Gainza as Oscar
Alex Castro as Diego
Mickey Ferriols as Lulu
Francine Prieto as Martina
Christian Vasquez as Antonio
Mike Austria as Aurelio
Rufami as Aliyah
Clarence Delgado as Ivan
Since hindi naman ito Teleserye Throwback Segment at chenelyn cheber, hindi ko na ikekwento kung ano ang Ina Kapatid Anak and everything dahil pampahaba ba to. Haha. :) Pero irerecall natin ang ilan sa mga hindi malilimutang moments (o baka ako lang dahil point of view ko to. Haha!) sa Ina Kapatid Anak.
- Si Celyn nung umpisa, nakita niya ang napakagandang sapatos na sigurado siyang Memorata ang may gawa, sinundan niya ito hanggang sa makita niya si Margaux...sabay silang hawi ng hair. Unang manifestations na may pagkakatulad sa kanila.
- Celyn and Liam's war encounters. Ang di ko makakalimutan dito, yung akala ni Celyn, building ang TBA, yun pala: To Be Announced. :)
- Yung linya ni Margaux na "You just know my name, not my story." sa pag-aakalang si Celyn ang humusga sa kanya.
- Nag-hire si Beatrice ng tutor for Margaux, tapos sinabihan ng tutor si Margaux na ang laki laki na niya, collge na siya, narinig siya ni Beatrice, sinampal ang tutor. Boom!
- Ang gulong-gulo tayo kung bakit kailangang guluhin ni Oscar ang bahay nila Teresa para kunyari may magnanakaw...dito pa lang pala. :)
- Siyempre, ang pagbubunyag ng katotohanan. Marami pang nagalit nun kasi di alam ni Celyn yung 'surrogate', porket UP Manila siya and chenelyn cheber. Ako rin nagalit, sa mga nagalit! Parang ang alam ko kasi Business Administration ang course niya, hindi Medicine, Genetics or kung anong medical course!
- Ang mga "How Dare You"s nila Beatrice at Margaux. Hahaha!
- Siyempre, ang CeLiam Moments lalo na nung mga days na magkaaway pa lang sila. Haha! Cute nilang dalawa.
- Ang pagpasok ni Mio. Ang kanyang horrific prosthetics, ang kanyang tawa.
- Ang bashing of words ni Celyn at Margaux, ang palitan ng plastic na flowers, at ang piece of advice ni Celyn kay Margaux na mas magpakulot pa. Haha!
- M vs. Suenos. Saan ka? [Infairness, kahit sa Celine, alam kung ano ang pang M at Suenos, pero ang presyo? hehehe!]
- Ang pagkidnap kay Celyn...na yun pala eh proposal lang ni Ethan! Akala ng lahat, kidnapan na naman, yun pala, pampakilig!
- Ang airport admission ng love ni Celyn kay Liam. Kilig din yun, "Mahal kita, Liam Lagdameo!"
- Ang pagbabati ni Celyn at Margaux....my most favorite episode.
- Ang Gabi ng Rebelasyon, Pagbubunyag, Pagpapakilala...kaso bakit sa pagbabati at pagtatapos hindi ganun. Haha. :)
- Ang paghila ni Mio kay Celyn sa kama...scary!
- At siyempre isama ang torture kay Celyn!
- At ang makabagdamdaming finale!
- P.S. Ang magagandang pabago-bago nilang logo. :)
Honestly, marami pang memories ang IKA. At mas maganda kung magco-comment kayo ng sarili niyong memories! :) Pero hindi pa dito nagtatapos ang tribute natin. Hehe.
Hanga rin ako sa seryeng ito dahil despite sa pagtakbo nila ng 9 months, hindi nasira ang kuwento at naipasok lahat ng naipangakong plot points at elements - ang Memorata, ang Surrogacy, at ang characterization. Walang nabago ang ugali ng bigla bigla, napanatiling smooth at hindi nagdrag. Usually kasi pag humahaba ang kwento diba, dragging na. Pero IKA had a great run. Even the finale, despite sa sinasabi ng ibang common plus the police chuba chenes, maganda siya. [Regarding that: may explanation kasi ang bawat galaw ng mga characters kahit ang mga extra. May dahilan bakit late ang mga police, may dahilan bakit kailangang mabuhay uli ni Mio kahit nabaril na ng ilang libong beses, and everything. Sa scriptwriting and direction, may meaning yun...may dahilan...pero siyempre secret yon! Bakit ko sasabihin. Haha!]
Bongga rin ang promotions ng IKA dahil imagine, bukod sa OST, nagkaroon pa ng Memorata line sa Celine na available beyond finale. Kaya bongga diba. At nakailang palit rin ito ng logos. Sa katunayan may bago ako sa collection ko, IKA notebooks! Galing! Haha! :)
Sa totoo lang, hindi ko rin naman masabi na binago ng IKA ang landscape ng Philippine TV (since its not the show's aim after all), pero ibinalik nito ang mga common plot points ng mga teleserye, na nilagyan ng mga ibang twists.
I would like to commend din the professionalism shown in this serye. Ayoko ng banggitin kung ano pero siguro alam naman nating lahat yon kung sino ang mga tunay na professionals sa serye na ito. Maaaring matatagalan at malabo pa kung makikita natin silang uli na magsasama, pero siyempre, hindi tayo dapat magsara ng mga pintuan. Pero kaya ko nasabing very professional ang dalawang bida ng serye na ito because they were able to deliver their roles very well, na kahit ang eksena ng pagbabati ay naging sobrang convincing.
The acting of the senior casts are of course, very commendable talaga. Best actress for me would be Janice and Cherry Pie. Magkaiba ang atake nila sa roles nila dahil iba din naman talaga. I can understand why Janice is always hysterical, dahil sa character niya. It may be irritating, but if you look at the technical aspect talaga, magaling si Janice. And Cherry Pie is always a best actress, mapabida o kontrabida, yakang-yaka ni Ate Pie! And the best actor, is of course, none other than Mr. John Regala. Talagang nakakatakot siya, nakakainis, nakakabwisit, kaya masasabi mong convincing talaga. :)
I would like to congratulate all the people in front and behind Ina Kapatid Anak. For making this show a great success. The writers Miss Danica, Sir David and Miss Yam (hehe, feeling close ako! Kaloka!) sa napakagandang storyline at mga linya. Direk Don and Direk Jojo for the very glossy and powerful direction. Sa cast, dahil walang patapon na acting, pag di ka marunong dito mapapahiya ka. Sa totoo lang. :)
Mamimiss ko itong show na to. Noong finale nito, hindi lang ako sa mga kaganapan natetense pero naiiyak din ako kasi, mawawalan na naman ako ng guilty pleasure. :( Buti na lang may HKLM na! Hehe!
Goodbye, Ina Kapatid Anak, you are another show that left a mark to all the audiences na talagang tumutok. :) DON'T FORGET NA I-COMMENT ANG INYONG FAVORITE IKA MEMORY! :)
INA KAPATID ANAK
All Rights Reserved
October 2012 - June 2013.
Images Courtesy of Google, ABS-CBN
That was a really great drama ever...... :-)
ReplyDeleteTotally agree with this! Bukas, mamimiss to. :))
Delete