Sunday, July 14, 2013

Birthday Chronicles 2013 3-part Finale special: Jimpy's Birthday Special Part 3

Pictures uli ang makikita niyo dito ha. Haha.


And para sa last part ng Birthday Chronicles finale special, nandito naman ang huli kong birthday celebration na pinakabongga sa lahat, dahil nagsama-sama na dito lahat: saya, pangarap, at ganda! Haha! :>

Siguro, lahat naman ng mga readers ko (mga manash!) alam kung ano talagang pangarap ko. :) Hahaha! And dream ko talaga na makapagtrabaho sa ABS-CBN, maging writer ng mga Teleserye at lahat lahat na. Haha. :) And noong birthday ko, naging another step to my dreams na naman ang nangyari sa akin, dahil I celebrated my birthday with none other than the Creative Team of the recently-concluded (na hindi umabot sa birthday ko haha) Apoy sa Dagat! - with headwriter Sir Arden Rod Condez, and writers Sir Sonny Calvento, Miss Edeline Romero and Sir Lester Pedroso. :)





Ayoko nang ikuwento ng buo kung paano ako nakarating sa ganito at nakipag-celebrate ng birthday with them pero basta itong blog na ito na naman ang dahilan ng lahat (kaya di ko to maiwan e, hahaha!). :)

Okay, so ayon, sinamahan ako ni Ate Flery all the way to ABS. Then met with Sir Arden and ate at Whistlestop sa may ABS (first time ko) na treat ni Sir Arden, actually nahihiya nga ako di ko lang talaga masabi haha. :) Nagdatingan na din ang mga writers na sina Sir Lester, Miss Eds and Sir Sonny. Pinipilit kong i-contain yung saya, kaba, at excitement ko pero ewan ko kung na-contain ko dahil halos kurut-kurutin ko na si Ate Flery. Hahaha! :)


The Blueberry Cheesecake I've been craving for. :'>


Here I am blowing my candle. Pinost ito ni Sir Arden
sa Instagram niya. Haha. :)
After eating, kinuha ni Sir Arden ang isang Aristocrat na paper bag (nahalata ko nang dala niya yun, I thought it was just something siguro for the writers) then naglabas siya ng Blueberry Cheesecake, and telling me that it's for me. As in O-M-G. Oh My Gee! Haha! Then I remembered that he told me na yung wish #5 (Apron ni Maya) and #11 (Blueberry Cheesecake) sa 18 Wishes ko this birthday ko ay tutuparin niya. :'> So ayan natupad na yung #11 bilang wala na daw ata available na Apron. Then I was made to blow a candle, nanghingi pa kami sa Whistlestop na ang cute ng candle coz it's a big one! Hahaha! Tapos kinantahan nila ako ng Happy Birthday. :'> Saya saya. Hahaha!


Posters ng Teleseryes sa Office. :) Raymond Dizon unit
ang shows na ito. :)
Fastforward na ang mga events, dinala kami ni Sir Arden sa TV Production Office na napakabongga. Jusko, habang naglalakad, manghang-mangha ako, at sinasabi ko sa sarili ko, "Shet, malapit na tayong magtuos, kahit gaano kadaming wing meron ka at ang laki laki mo, lilibutin kita araw araw pag dito nako nagtatarabaho!" Hahaha! :) Nakita ko pa sina Direk Dado Lumibao, Sir Henry Quitain, ang mga office nila Miss Ginny Ocampo at ng iba pang Unit Heads, PMs and EPs. :) Plus may mga framed posters ng Teleseryes! Kaya namiss ko. Hahaha! :D Tapos dinala pa kami ni Sir Arden sa rooftop. Bonggels. :'>

Isa sa mga cubicles. haha. Sorry for invading your privacy! :)
Pagbaba namin, namili muna ako sa ABS-CBN Store. Haha. :) Then nakita ni Sir Arden yung apron ni Maya, may available pa, so he bought me one! :))) Saya saya talaga! Hahaha. Tapos non, nagkachikahan kami ng saglit sa Whistlestop and we said our thanks and goodbyes. :))

Sir Arden giving me Maya's Apron. Napakagaling ni Ate Flery't nakuhanan niya to! :)
Di pa ako nakuntento sa mga kaganapan, after that, dumaan muna kami ng GMA at bumili ako ng konting merchandise. Hahaha. :)

Pagbalik ko naman ng school, binigyan ako ni Nobe ng bouquet of roses na bigay nila ni Ate YM and Ate Jem. Nagkita rin kami ni Kath and gave me a birthday card and a personalized pen. Tapos kumain kami sa CO2 and they gave me a free Yakisoba. Cute! :)

Masasabi ko lang, yun yung araw na ayoko nang matapos sa sobrang perfect. Ni nakalimutan ko nga na birthday ko sa sobrang saya! :)


With Miss Clarissa and Miss Noreen!
Thankyou po sa posters! :D
Sumunod pa nung July 9, sinurprise ako ng Tropa ko ng birthday cake. Then kahapon lang, nagmeet kami nila Miss Noreen Capili and Miss Clarissa Estuar sa may ABS dahil may birthday gift sila sa akin, posters ng teleseryes! :) Tapos naglibot kami ni Ate Ina sa may ABS-CBN, nakita pa namin si Miss Marnie Lapus, ang unang unang media person/artista talaga na nagtreat saken dahil last year trineat niya ako sa Empanada Nation. :)

To Sir Arden, super thank you po talaga sa lahat lahat lahat lahat. Di bale po pag may work na, promise babawi ako! :)) Also to Sir Sonny, Sir Lester and Miss Eds, and Miss Noreen and Miss Clarissa! Grabe, love ko kayong lahat! :)))

To Ate Ina and Ate Flery most especially, thank you for being there with me guys! :) Plus tropa for the surprise cake! :) Sweet! :D

And that ends my Birthday Celebrations, jan din nagwawakas ang Birthday Chronicles 2013. Next year, let's see kung meron pa. Hopefully. :'> Salamat sa lahat ng bumati, nakaalala, nagbigay ng gifts. Di ko kayo makakalimutan! Most especially dun sa pinaka natuwa akong greeting sa text. Napakasimple pero grabe. Di ko kinaya. Wag na nating bangitin kung sino, akin na lang yun. Hahaha! :)))

At lagi kong sinasabi pag tutungtong ako sa bagong taon ng aking buhay, "HERE I COME, 18TH YEAR!" :D

Visitor's pass. :)

With Sir Arden, sobrang thankful ako sa kanya. Thank you so much Sir Arden. :)




My gifts!


Yesterday with Miss Marnie. :)
Images courtesy of Flery Ann Robles

1 comment:

  1. Aww. Nakakatuwa ka talaga Jimpy! Kaka-inspire ka! =)

    God Bless You!

    ReplyDelete