Monday, November 4, 2013

Fangirl Stories: Jimpy Anarcon meets Diego Loyzaga Part 2


Last Saturday, nagkaroon na naman ako ng chance para makabond ang celebrity na pinagfafangirlan ko talaga ng matindi, e sino pa nga ba, si Diego Loyzaga. :) Hihi. Thanks to the fansclub that I belong, Digsters. Sobrang love ko sila. Hahaha. :)

Actually, medyo biglaan ito (though matagal nang pinaplano) kasi di pa namin alam kung matutuloy pa dahil yung ibang members ay nasa bakasyon rin. Pero fortunately and hopefully, nangyari naman siya. :) At siyempre nanghila rin ako ng friend - si Eva. Haha.

So bago ko ikwento, ito ang summary ng mga naganap sa araw na yun through pictures. Hahaha. :)


The meeting place was at SM North Edsa, sa Starbucks. Nakakatawa kasi sakto nakumpleto na kami tas sasalubungin na lang namin dapat si Diego sakto, nakita ko siya. E syempre alangan namang sigawan ko diba. Haha. Kaya tinawag ko si Ate Jofe at pinakita ko si Diego. Hahaha. :)

Then after that, sama sama na kaming naglakad, pumasok sa mall, then pagpasok nagkausap kami slight ni Diego, he asked me if kamusta na ko, sabi ko I'm fine. Hahaha. Di na naman ako makapagsalita. Jusko. Okay so fast forward sa mga naganap, we went to Big Better Burgers, ang inorder na lang namin ni Eva, Wedges chaka Iced Tea kase kakakain lang namin bago pumunta (Lesson Learned: Pumunta ng gutom. Haha.) Pero either way, di rin ako makakakain kasi andun na si Diego. Haha. Parang last time lang actually gutom kami ni Abby nun, di kami naglunch, pero nabusog kami. Haha. E ang nakakaloka pa pala, si Diego ng order ng 5 wedges and iced tea for us, ang lagay e anim na wedges pa tuloy ang naibigay. Haha. :)

So ayun, chikahan na and everything, chenelyn chuba, tas biglang ewan ko pano naging kami magkausap, bigla niyang nasabi that he has also a shirt katulad nung suot ko. :) Ermehgerd. E di nako magdedeny, alam kong may ganun siyang shirt, PERO naalala ko lang yun nung suot ko na yung damit, so di ko sinasadya. Haha. Nakita ko yun sa picture way back. Anyway. So ayon. E si Diego nag-CR! Kaya naisip ni Ate Jofe na kunin na yung bill then kami na mag-ambag ambag. Kaso ako medyo small amount lang nabigay ko kasi wala na akong cash. Hehe. Sorry na. Lol. Kaya ayun, pagbalik namin, nagulat si Diego nasa labas na kami.

After that, we went sa Bowling Center and played games. Bago yun, nagkapicturan muna kami. Jusko. Ang lakas na ng loob ko. Ako si Last e. Puro last na lang ha. Last na. Haha. Si Diego naman super bait, sabi niya sige okay lang! And ang favorite ko "Go lang ng go!" Alam ko siya nagsabi nun e. Haha. E favorite ko yung expression na yun dahil sa Paraiso diba? Haha! :) Ang happiest ako, nagawa namin at least yung "ok" sign niya, na namiss namin last time. Pinilit ko talaga i-initiate yun na gawin namin kaya ako last ng last! Haha! :D

Tapos e di ayun na, we played games. Nagbilliards sila ni Russel, isa sa mga kasama namin. :) Tapos Diego bought tokens for us, kaya ayun, naglaro laro kami, nagbasketball ako. OMG. Hahaha. Sabi nila Irah, ang arte ko raw magbasketball. Lol. Tas si Shaine nakakatuwa buti na lang sumunod siya. Haha. Kaso nga lang dumating siya paalis na si Diego buti naabutan niya! :D

And after we parted, nakita namin uli si Diego sa may carousel kaya nagpicture picture kasi ganda ng view. Haha. :)

Ay nako, ako super looking forward ako sa next. Promise sa third na pagkikita namin, babawasan ko na yung hiya ko! Para masulit na talaga diba! :))

Thank you so much kay Ate Jofe sa pagtupad sa dreams ko, kay Eva sa pagsama saken, kay Irah na finally nagkita na tayo! Kasi magkakilala na kami niyan ni Ayay sa Twitter pa lang dahil nga Digsters kami. Haha. Sa mom din ni Irah, kay Russel na new found friend sa Digsters, kay Shaine of course, then kay ate Rachelle and kay Christine, and of course kay Diego, for being so accommodating, so kind, and everything!! :))

O eto na ang pictures:


Diego playing billiards. :) Maloka loka ako, kasi di ko talaga mawari papano to nilalaro. Haha.
With Irah and Diego. Sa wakas nag-meet na kami ni Irah, at pinangarap namin itong picture na ito. Haha.
Group picture with Digsters while dining. :)
With Ate Jofe. Ang panget ko rito. Haha.
Another groupie with Digsters!
Diego and I and his 'Ok' sign! :)))
Next time uli Diego and Digsters! :)

At sa mga nagsasabing isama ko daw sila next time, mas maganda kung lagi kayong kasama at marami pang iba! To join Digsters, eto! :D


Some Images Courtesy of Irah Bernabe and Digsters

No comments:

Post a Comment