Ang kuwento ng Honesto ay nagsimula ng umibig si Fina (Maricar Reyes) sa dayong si Diego (Paulo Avelino) at natutong magsinungaling sa kanyang ama. Everytime na magsisinungaling ang mga tao sa Sitio Katapatan, magkaka-allergy sila at mamamaga ang ilong everytime na magsisinungaling sila. Mabubuntis ni Diego si Fina at magkakahiwalay sila, kaya naman tatalikuran niya ang kanyang ama at aalis sa Sitio. Ipapanganak niya si Honesto.
Mapupunta naman si Honesto sa pangangalaga nila Lemuel (Eddie Garcia), Lourdes (Janice de Belen) at Elai (Joseph Marco). Lalaki si Honesto nang matapat at hindi sinungaling, at mamamana rin niya ang allergy ng ina.
Raikko Mateo as Honesto |
In terms of technical and everything, bukod sa napakagandang story ng Honesto at sa napakagaling na acting nina Paulo Avelino, Joel Torre at Nonie Buencamino noong pilot week, feeling ko pelikula ang pinapanuod ko dahil sa photography at scoring. Janice de Belen is also back after being Beatrice sa IKA, and of course, Mr. Eddie Garcia wala akong masabe, kahit sobrang soft, may affection. :) Melissa Ricks is so pretty! Favorite ko siya forever. :D And Joseph Marco, sa totoo lang sa sobrang hottie niya di siya bagay sa role niya, pero since nabibigyan niya ng hustisya, magaling siya! Hihi. :)
And of course, Raikko Mateo, sobrang cute ng bata, sobrang nakakatuwa siyang panuorin, ang sarap sarap sa mata. Ang cute cute gusto kong ampunin. Hahaha. :)
Sabi sa PEX, just like May Bukas Pa, this one is a Sulpot-Serye, yung biglang ay may ganito palang pinaplanong palabas tas eere na agad, pero tignan niyo nga, ang mga sulpotserye ang mga panalo sa ratings. At hindi halatang sulpot dahil sa malalaking stars at napakagandang story. :)
And to end this, isang picture ang ipapakita ko sa inyo na maloka loka ako ng makita ko. :)
Honest 'to, Promise! :))))
Images Courtesy of ABS-CBN
No comments:
Post a Comment