Monday, March 19, 2012

Vices.

Vices.

Yan ang uso ngayon, teenager, adult or whoever you are, pwede kang magkaroon ng vices. Ang vices, for me, kahit anong kinaadikan mo, pero generally, they are known as SMOKING, DRINKING and even DRUGS.

Ano nga bang pinaghuhugutan ko dito...Eh kasi naman! Nung pauwi kami ni Bea Restua galing sa Post-Prod ng TSP, nakatabi namin sa jeep, nagdudrugs. At halata naman, wag niyo sabihing OA ako ah. Haha. Eh nakita ko kasi siya kinukulit yung guy na katabi niya, tapos may inabot na maliit na plastic. She opened it through biting and tumingin tingin pa siya sa paligid, and napatingin pa nga siya saken, siyempre ako si deadma and umiwas. Tapos ayon tinuloy niya. Nakakaloka. And she was so aligaga, sabi nga ni Bea. Nakakatakot lang.

And then bago nun, yung nanay ko tinext ako baka daw umuwi ako ng lasing at uminom daw ako sa party...Eh una sa lahat, wala namang inuman masyado, yung ibang visitors lang kasi birthday party yun, pero kami, nananahimik and nag-iiyakan! Pangalawa, may inuman man, HINDI AKO IINOM, dahil sinumpa ko sa sarili ko, NEVER NA AKONG IINOM, unless Champagne, Sparkling or sobrang kailangan lang. Pero ayoko talagang umiinom na. Huli ko pa was March 31, 2011 ata. Hahaha. :D

Basta ako, ang kinaadikan ko nga lang, TELEBISYON and TELESERYE. Wala nang iba...at okay lang naman na kaadikan ko yan dahil diyan ko gusto magtrabaho at pangarap ko yan. And I promised to myself, I will never dare SMOKE, DRINK and LALONG LALO, MAGDRUGS. Grabe, pinapaaral ako ng parents ko, at nagsisikap ako sa future, tapos sisirain ko lang sa pagdudrugs..and nothing against sa mga drunkard and smokers, kaso kasi I'm concerned sa health ko. AND AYOKO SA SMOKERS SOBRA. Lalo na pag magso-smoke kayo. Shit naman, papakamatay kayo, wag niyo na kaming idamay diba. Hahaha. :))

Well anyway, sana walang ma-offend. Parang ito ang post ko na maraming ma-o-offend dahil marami akong friends na may ganito, pero di naman ako ini-impluwensiyahan at hindi ako magpapaimpluwensiya. :)


-->PIPAY♥ 3/19/12 11:44PM
Chapter 3 of 12.
Page 78 of 366.
"VICES"

No comments:

Post a Comment