![]() |
Image Courtesy of: cinemarathon.blogspot.com |
So kahit medyo nagdalawang-isip ako na bilhin, binili ko pa rin dahil mukhang bongga. :) Hahaha! Yung movie is all about Adana De Guia (Snooky Serna), a big star na medyo palaos na, na laging sinisiraan sa papers ni Digna Sanchez (Ai-Ai Delas Alas), isang press sa tabloid. In a premiere night, nakilala niya ang isang fan na biglang nahimatay, si Eva Cristobal (Sharmaine Arnaiz). Kinuha ni Adana si Eva as her Personal Assistant, hanggang sa na-discover niya na may talent si Eva at isinama sa bago niyang movie. Nang mangyari yun, sinimulan nang gaguhin ni Eva si Adana, she even put sleeping pills na sangkatutak sa Scotch ni Adana. Kaya pina-rehab ni Daniel (Patrick Guzman), talent manager, si Adana. At pinalitan ni Eva si Adana sa movie...hanggang sa naging okay ulit si Adana at sumikat si Eva...pero mas masaya pa rin si Adana sa ending dahil nahanap niya ang tunay na happiness in the arms of Daniel! And ang ending, nung nagpakasal sila, nag-announce din si Eva na magpapakasal siya with Brando (Emilio Garcia), sikat na actor. Pero nilayasan siya ni Brando. Hahaha. Talk about desperate!
Anyway, sobrang nagandahan ako sa film, not only because mahilig ako sa mga kwentong artista, pero bongga kasi ang mga linya, and the story itself! Sayang lang at hindi ko kilala yung director (Jose Avellana) pero yung nagsulat ng screenplay, si Floy Quintos, yung judge sa Pinoy Pop Superstar. And ang ganda talaga, plus ang mga artista, walang patapon na acting! Although may mga eksena rin pala dito na Rated SPG-S. Hahaha! pero maganda ang execution. :)
Basta, masasabi ko lang bongga talaga siya. Hahaha! Eto yung movie na pwede kong ulit-ulitin. Good thing, anytime pwede ko siyang gawin dahil sa aking DVD! :)
-->JimpyA.♥
No comments:
Post a Comment