10. Walang Hanggan Infinity Ring
Well, talagang ito yung bonggang-bonggang inantay ko ang lahat para makuha ko 'to. Una, inantay ko 'tong ilabas, and pangalawa, inantay kong magkaron ng pera para makabili. Luckily, nabili ko na siya ng June 4 dahil may good samaritang nagbigay sa akin. Siyempre eto yung isa sa mga favorites ko dahil so far, ito ang pinakamahal na purchase ko (Php 1050.00) kaloka! Haha! And ito yung isa sa hindi ko ginagamit. :) Siyempre baka may mangyari, mawala or whatever! Haha! :)
9. Minsan Lang Kita Iibigin DVD Set 1
Favorite ko 'to talaga dahil ito yung unang purchase ko above Php 500, and buong-buo ko tong nabili ng sarili kong pawis! Hahaha! Echos. Php 899 siya, and everytime na makikita ko siya, natutuwa ako kasi naaalala ko yung nakapag-ipon ako, plus I deserve it because I got high grades nung summer sem.
8. Love Songs from Princess And I
Ngayon ko pa lang siya nagugustuhan. Everybody knows na super hilig kong makinig ng CD ng teleserye na talagang dramatic ang feel pero pag pinatugtog ko siya, pampa-feel good talaga siya, Kinikilabutan ako pag pinapatugtog ko siya. :)
7. Precious Hearts Romances presents Pangako
Isa pa 'to sa mga matagal ko nang inaantay na magkaroon dahil super favorite ko ang teleseryeng 'Lumayo Ka Man Sa Akin', where the book, pinagbasehan siya nung palabas. Infairness, worth the wait naman siya dahil maganda yung story though medyo malaki yung difference nung TV Show at nung book.
6. Precious Hearts Romances presents Impostor
May 10, 2010 to ng binili ko...and that night too, binasa ko na siya, the day afterm tapos na siyang basahin ko! Hahaha! Bakit ganun parang lahat ng books na binabasa ko si Maja bida. Haha! Maganda din story kahit may ilang chjanges sa stroy pero ang ganda niya ng sobra talaga.
5. Mga Awit Kapuso Volume 3 and Darna Cover
Di ako kapuso, pero grabe, I love the songs. Maganda silang gumawa ng theme songs. My favorites are Mapagkunwari, All About, Pintig ng Puso, Agawin Mo Man Ang Lahat and Ikaw Ang Pag-ibig Ko. Hindi man ganoon kaganda ang mga teleserye nila, okay na okay naman ang theme songs nila. :)
4. Maging Sino Ka Man DVDs.
Lagi ko silang pinapanuod kapag wala akong magawa. Gandang ganda kasi talaga ako sa story ng MSKM. Hindi siya nakakasawang panuorin lalo na yung Anne-Sam part na iniwan ni Sam si Anne. And of course the pilot episode na 1 1/2 hour! Paulit-ulit ko na kasi siyang pinanuod talaga. Haha!
3. OPM 1's Volume 3
Eto yung CD na kakabili ko lang. 1 week siyang nasa CD Player. Andiyan kasi yung mga magagandang theme songs ng Teleseryes like Dahil Sa 'Yo, Ikaw Lamang, Patuloy Ang Pangarap, Saan Darating Ang Umaga and my ever favorite, Lumayo Ka Man Sa Akin. :)
2. Magkaribal DVDs
Eto sana yung number 1 pero I changed my mind. Anyway, eto talaga yung pag wala akong magawa eh pinanunuod ko. Naiinis na nga yung ate ko kasi paulit-ulit ko na lang daw eh memorize ko naman na! Hahaha! Seryoso memorize ko na mga scenes and lines. Favorite kong DVD 9, 2, 4, 5, 6, 7, 8, 3, 1 lahat! Not in order pero lahat! 9 volumes yun eh. Haha!
1. 60 Taon ng Musika at Soap Opera
Eto dapat ang number 2, pero narealize ko, eto ang pinakamahal ko sa mga koleksyon ko! This CD started it all! Kase nung sa books, etc, hindi naman ako ganun ka-faithful bumili. Pero eto, after nito, lahat lahat na nabili ko! Hahaha! And nung binili ko siya (June 2010) talagang yung 5 CD dun lalo na yung CD 5 nasa player lagi! Hahaha! Hanggang ngayon yan!
Pero kahit may Top 10 Favorites ako, lahat ng nasa collection ko, love ko, so keribels lang! Diba! :)
-->JimpyA.♥
No comments:
Post a Comment