Finally, eto na ang Unang Episode ng Jimpy TV! After the Long Wait! (Pero baka ako lang nag-antay. Hahaha)
Well anyway, ituloy tuloy na natin to! This not just a blog, this is an experience!
This is JIMPY TV! :)
(Wala pa tayong OBB, antay antay rin! HAHA!)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SHOWBIZ NEWS:
- Teaser ng bagong ABS-CBN teleserye na Ina, Kapatid, Anak, nilaunch na.
- City Hunter Returns, magwawakas na. Kapalit, Asianovela rin!
--City Hunter Returns wraps up on its finale week this September 7 after 8 weeks sa Kapamilya Gold. Ang papalit naman rito ay ang 2012's Most Thrilling Korean Drama na The Equator Man na mag-uumpisa na on September 10 sa Kapamilya Gold pa rin. Here is the Full Trailer: The Equator Man.
- Kasalanan Bang Ibigin Ka?, papalitan na ng Sana Ay Ikaw Na Nga.
--Matapos ang 13-week run ng Kasalanan Bang Ibigin Ka, mapapanuod na ang remake ng 2002 GMA Teledrama na Sana Ay Ikaw Na Nga ngayong lunes, September 3. Ito ay unang pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia. Sina Mikael Daez at Andrea Torres naman ang magbibigay buhay sa kanila sa 2012 Version at ididirek ni Roderick A.P. Lindayag. Mapapanuod ito right after Hindi Ka Na Mag-iisa.
- Pia Guanio gives birth.
--Nanganak na si Pia Guanio kahapon, August 31. Ayon sa Pep.ph, 12:55 am nanganak si Pia at Scarlet Jenine ang ipinangalan nila ng kanyang asawa na si Steve Mago sa anak.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
THIS WEEK'S FEATURE: SELF-WORTH
So eto ang real topic natin tonight sa JimpyTV. Tutal, nakapangalan na rin naman sa akin ang blog kong ito, tara, let's talk about Self-Worth! At dahil pilot naman ito, hayaan niyo na akong i-feature ang sarili ko! Hahaha kalerks!
Anyway, naitry ko ring magsama ng ibang tao sa episode na ito pero di ako naging ganoon ka-successful. Pero may natanungan ako, and my question is "Ano sayo ang Self-Worth?" Well, their answer was "It's how you appreciate yourself."
So may mga na-ready sana akong questions para sa kung sino man ang i-interviewhin ko..pero dahil nawalan nga ako ng time, ako na sasagot! (SELF-WORTH na lang din naman ang pinag-uusapan!)
Q: Ano para sa'yo ang Self-Worth?
A: For me, ito yung kung paano mo pinapahalagahan yung sarili mo. Syempre kaya nga 'WORTH'. Hahaha! Pero siyempre, yung paraan talaga yung pinag-uusapan eh, kung paano mo maipapakita sa sarili mo yung self-worth mo.
Q: Paano mo naipapakita sa sarili mo ang Self-Worth mo?
A: Sa madaming paraan, siyempre! Haha! But it only capitalizes on one thing: KUNG ANO YUNG MAKAKAPAGPASAYA SA AKIN. Dun naman lahat tayo papunta eh, sa goal natin, na sumaya at makuntento sa buhay, kahit minsan bawal na. Pero sa ending, ang gagawin mo pa rin siyempre, yung TAMA.
Q: Sa anong paraan mo siya pinapakita?
A: Ay ako...well, sa panunuod ng Teleserye! Hahaha. And ako, as much as possible, ayoko ng napapagod yung sarili ko. Pero siyempre di naman maiiwasan yun, kaya I make sure na lahat ng pagod talaga, worth it. Kasi early this year, sobrang napagod ako sa sobrang dami kong ginawa. Hahaha. Sun ko nakita na kailangan ko rin pala ng time para sa sarili ko. And yun ang tunay na meaning para sa akin ng Self-Worth. Yung magbigay ka ng oras para sa sarili mo. Dahil it's so bongga! Hahaha!
A: Ay ako...well, sa panunuod ng Teleserye! Hahaha. And ako, as much as possible, ayoko ng napapagod yung sarili ko. Pero siyempre di naman maiiwasan yun, kaya I make sure na lahat ng pagod talaga, worth it. Kasi early this year, sobrang napagod ako sa sobrang dami kong ginawa. Hahaha. Sun ko nakita na kailangan ko rin pala ng time para sa sarili ko. And yun ang tunay na meaning para sa akin ng Self-Worth. Yung magbigay ka ng oras para sa sarili mo. Dahil it's so bongga! Hahaha!
Q: Ano ang mga plano mo in the coming days, weeks, months, years para mas mapahalagahan ang sarili mo?
A: Plinlano ko mag Eat, Pray, Love nung kelan. Kaso di natuloy. Pero gagawin ko siya sa sembreak! No Cellphone, Internet, stay sa Province siguro. Bahala na. Basta gusto ko after ng hardwork sa lahat ng bagay, kailangan may time ako sa sarili ko. At mag-sh-shopping din ako!
To end this feature, siguro let's end it by a quote by Elizabeth Gilbert... She said and I quote “Never forget that once upon a time, in an unguarded moment, you recognized yourself as a friend.” Ako, actually, lagi kong friend ang sarili ko. Kasi I believe na wala nang ibang makakaintindi sayo kundi ang sarili mo. Kaya dapat talaga itaas mo ang Self-wroth mo, mahalin mo sarili mo, dahil sa huli, yung family and friends and yung ibang tao sa buhay mo, gabay lang sila sa daan mo...pero it's still your decision kung anong landas ang iyong tatahakin. OMG Ang lalim!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
THIS WEEK'S LIFE LESSONS
Madaming nangyari sa akin this week...as in super. May mga masaya, may malungkot. But at the end, every moment in your life has its own lesson. At eto ang mga lessons na yon:
On what happened sa event last Friday:
Wala talagang perfect sa mundo. Minsan talaga kahit yung mga pinaghirapan mo, pwedeng ma-spoil sa isang iglap. But then, kailangan din natin maging positive sa lahat...madami pang ibang pagkakataon na magagawa natin ang mga bagay-bagay, at mas magiging successful pa, more than what we expected. And also, papasalamatan mo rin yung mga taong tumulong sa'yo sa lahat. And last but not the least, mas mabuti nang isipin na, nagawa mo siya ng maayos, may iba lang sumira. Kesa naman sa ikaw ang makasira diba. Haha. And my ABMC Peeps lalong lalo na si Yish, Lucs at si Ate Bea na sobrang naghirap sa event, love ko kayo! Sama sama tayo kaya natin to! KAPIT BISIG!
On my grades:
Infairness, matataas siya, although sumira sa record ang MATH. As usual. Pero ang lesson dun, dapat pagbutihan mo pa. Hindi pwedeng wala kang goal sa buhay. Kaya nga after my term sa TSP, hindi na ako mag-o-officer sa kahit saan. Plano sana naming mag ISMS (Mass Comm Org. namin) kaso hindi ko naman primary goal ang mag-serve sa co-students or worse yung magka-label. Pero ang gusto ko, maging academically-inclined. Siguro may Co-curricular pa rin dahil di ako mawawala sa Theater Org and School Paper, but my main priority is my studies.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AND THAT'S THE PILOT EPISODE! Sorry hindi siya gaanong promising but I promise, mas bobongga siya in the coming weeks. Mas maraming sections. May video, pictures, kwento ng ibang tao, at kwento ko.
Salamat sa pagbabasa kung meron (update ko next week ang HITS!) and I hope na tuloy-tuloy itech.
I would like to thank my sources sa info na Youtube, Philippine TV Ratings, Kapamilya Gold Page, and Philippine Entertainment Portal. Thank you thank you!
'TIL NEXT TIME! Maraming Salamat and patuloy tayong maglove love love!
This not just a blog, this is an experience (from KRIS TV)...Thuis is JIMPY TV! :)
*I hope di naman ako maCopyright Infringement ng Kris TV, Idol ko lang si Ate Kris...di naman tayo pareho ng format! HAHA! :)
No comments:
Post a Comment