Sunday, December 30, 2012
Movie Review: Sisterakas
Since yung dalawang nakaraang MMFF Movie Reviews ko eh medyo iisa lang ang umpisa, sige ito na rin...
Isa rin sa mga inaabangang pelikula sa MMFF ang 'Sisterakas' bilang pinagsama-sama nito ang 3 malalaking tao sa showbiz - The Box-Office Star Vice Ganda, The Queen of All Media Kris Aquino, at ang Comedy Box-Office Queen Ai-Ai Delas Alas. At ang direktor ng movie na ito ay walang iba kung hindi ang Comedy Box Office Director na si Direk Wenn V. Deramas na fresh sa success ng This Guy's In Love With You Mare!
And medyo mahirap i-critique ang movie na ito dahil ito ang 3rd Best Picture ng MMFF. Kaya naman titignan natin sa critique ko kung pang-3rd Best Picture nga ba ito or pwedeng higher, pwedeng hindi dapat! So eto na. :)
Anyway, the story of Sisterakas is about Detty (Ai-Ai Delas Alas), Roselle (Kris Aquino) and Bernice (Vice Ganda). May back story si Bernice at Detty. Magkapatid sila sa ama, kabit ang nanay ni Bernice (Totoy pa ang name niya that time at mahirap lang sila) ng tatay ni Detty, at nang mahuli sila ng tunay na asawa, nahulog sa hagdan ang mommy ni Bernice at nalumpo. Kaya ng yumaman sila ay hinanap ni Bernice ang pamilya niya para paghigantihan. Nagkataon namang nawalan ng trabaho si Detty at nag-apply siya sa PonyTale - that happens to be Bernice's company, at Executive Assistant pa ni Bernice ang posisyong pag-a-applyan niya! Andito naman si Roselle na COO ng kumpanyang kalaban ni Bernice na laging kinokopya ang designs niya! At diyan iikot ang kuwento ng Sisterakas! Bawal ang spoiler, di pa tapos MMFF!
So eto na ang part na i-ci-critique! Haha! Maganda ang movie, like ko siya 'coz it was able to send its message and it was able to achieve its aim - ang patawanin ang audience nila. And the story has a substance, hindi ito yung comedy lang na basta na lang makapagpatawa, and it has a moral in the end - that love is unconditional, and no matter what happens in the past, as long as kadugo mo at alam mong mahal mo ang isang tao, mananaig yun kahit ano pang galit ang meron ka.
Though the movie has a lot of things na napakaganda, of course may movie ba na walang flaws? Okay, first time ko pong magsasabi ng flaws dahil apektado ang idol kong si Miss Kris Aquino dito. Sorry po, wag niyo pong sabihing unfair ako ha. Dito ako sinaniban ng tapang! HAHA! :D So eto mga napansin kong flaws.
Unang-una, wala masyadong eksena si Kris Aquino. Maybe because ni-revise na ang script (since I saw sa credits na 'Based from a script by Joel Mercado' - baka nung sila pa lang ni Vice, siya nagsulat, though I wasn't able to see sa opening credits who were the writers) and Miss Kris was sick din diba? Ewan ko lang. Pero super nakulangan ako sa scenes niya, hindi sa acting ha, sa number of scenes! Buti na lang, maganda ang mga scenes niya at di siya nagmukhang extra.
Pangalawa, nasa usapan na naman tayo ng kulang, sana hindi na inilagay si Xyriel Manabat sa poster at si DJ Durano na lang. I have nothing against Mr. Durano, in fact magaling siya, but then sana talaga siya na lang ang nasa poster dahil ang konti ng scenes ni Xyriel at wala pang masyadong kakulitan. Si Wilma DOesnt din. She deserves her award dahil okay naman ang mga scenes niya, pero pag naiisip ko, sorry talaga ha, sana si Carmina Villaroel din nanalo (I don't know if she is nominated or what) kasi okay din siya. TEKA, wag tayo magpasok ng iba! Haha! But honestly, di ko din masyadong naramdaman ang presensiya niya, THOUGH her acting here was truly remarkable, you know why, sa ibang pargraph explain ko. FLAWS to diba? HAHA. And KathNiel for that matter. Buti na lang nakakakilig sila! :) That's what I've noticed. Sorry if I am wrong. Haha.
Pangatlo, maganda ang ending pero di ko masyadong type ang medyo-ending scene (Warehouse scene). I think KathNiel and Xyriel were useless in that scene, parang nilagay na lang sila just to make the important characters be there. And medyo common siya. I'm so sorry talaga ha. Di ako nanlalait, nagsasabi lang ng napansin.
Anyway, for the good points, unang-una na diyan si DANIEL MATSUNAGA. He is the main spice of the movie, kung baga sa pagkain, vetsin, pampadagdag lasa! Dahil grabe, ang gwapo niya. Dati di ko siya type pero I learned to appreciate (and love him for that matter. Haha!) him more! :D Gwapo siya talaga. Next is the Bigtime Trio's characters. Bongga sila at nakakatuwa ang mga patalbugan nila! And the script is good in its entirety, of course, andun yung obvious na aim ng pagpapatawa, pero nagagawan ng paraan para maging natural at maging masaya. Dahil alam naman nating mahirap magpatawa hindi ba. At nagawa ng pelikulang ito iyon, kaya maganda ang movie na ito. And of course, the best supporting actress Miss Wilma Doesnt. Sabi ko kanina, deserving siya sa award pero parang meron pang may deserving rin, pero ngayon alam ko na why, it's because Miss Wilma Doesnt had a different attack in this movie. Dati hilarious ang characters niya, dito nagpapatawa pa din pero yung malumanay, and kahit malumanay, may substance ang mga sinasabi. Dito ko talaga napatunayan that a good script + great acting = AWARD. :) And I love you Miss Wilma Doesnt, sorry kung sana din si Miss Carmina eh sinabi ko, nabonggahan kasi talaga rin ako sa acting niya. May I also commend Mr. DJ Durano, yung sinasabi ko kasing sana siya na lang ang nasa poster eh hindi sarcasm but he deserves it dahil magaling siyang umarte!
My favorite scenes would be the Endorsement part, the Rubadabango part, and the multu-multuhan part! I love those three. They were executed perfectly. Nakakatawa talaga, panalo siya! Super! Haha! Natatawa na naman ako ngayon. Hahaha! Pero I love it talaga.
As usual, another VERY GOOD film from Viva Films and Star Cinema yan. It has a great story, with a great cast na may great combination kaya naman Congratulations sa MMFF 3rd Best Picture. You really deserve it. And pasensiya sa medyo ilang flaws na napansin ko. Anyway, naniniwala naman ako na all criticisms are for the better, and not meant na manlait hindi ba..unless may hidden motive! Well ako magpapaka-defensive na ako dahil totoo naman, wala akong hidden motive!
To Vice Ganda, panalo ka sa pagpapatawa forever! To Miss Ai-Ai, no doubt naman na Comedy Queen ka. And kay Miss Kris Aquino na idol ko, bilang idol ko siya habaan ko ha, congrats Miss Kris! Dahil una sa lahat, unang pagkakataon mo ito na ganitong role (kung hindi man, after years) and you did a great job. Siyempre may kulang pero bongga siya. And mas lalo kitang ina-idolize dahil sa iyong humility. By the way friends this is outside the review na so walang halong bias ito ha. True naman, Miss Kris is very humble, and sa mga nagsasabing binayaran niya ang mga sinehan. AY NAKO. Hello, daming fans ng KathNiel, Box-Office King si Vice, Box-Office Queen si Ai-Ai, and Miss Kris' horror films are top grossing. O pag nagsama sama yan, ano na? HAHA!
Anyway, nuod na ng Sisterakas ha! Kasi bongga talaga, di sayang ang gastos!
-->JimpyA♥.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment