Sunday, January 13, 2013

#BestMemoriesof2012 - A Jimpy Behind the TV Year-End Special

Masyado na yatang late itong Year-End special ko. ;) Pero bakit, nung 2011 din naman eh. January 2, 2012 din yun nung ginawa ko. Hahaha.

Anyway, my 2012 is a very good year. Yung first quarter, medyo stressful, emotionally and physically, Second Quarter, getting better na. Third Quarter, papunta na, and yung Fourth Quarter, medyo stressful, but it's the best! :)

Eto ang aking Best Memories of 2012!

1. TELESERYES. No doubt naman talaga, laging eto ang number 1 ko. Hahaha! :) Lagi siyang number 1 kasi ito ang hindi nawawala buong taon. Siyempre yung iba, events events, minsan minsan, itong mga teleserye, all-year round! Kaya eto na ang Bests and Favorites ko! :)

MOST FAVORITE SOAP OPERA of 2012: Mundo Man Ay Magunaw
MOST FAVORITE PRIMETIME SOAP OPERA of 2012: Kahit Puso'y Masugatan
MOST FAVORITE AFTERNOON SOAP OPERA of 2012: PHR: Paraiso
MOST FAVORITE 2012 KOREANOVELA: Two Wives

Most Favorite ABS-CBN Soap Opera: Be Careful With My Heart
Most Favorite ABS-CBN Afternoon Soap Opera: PHR: Lumayo Ka Man Sa Akin
Most Favorite ABS-CBN Primetime Soap Opera: Ina, Kapatid, Anak
Other Favorite ABS-CBN Soap Operas: Kung Ako'y Iiwan Mo, Princess and I, PHR: Hiyas, PHR: Pintada, Walang Hanggan, Aryana, Wako Wako, E-boy, Angelito: Bagong Yugto, A Beautiful Affair.

Most Favorite GMA Soap Opera: Legacy
Most Favorite GMA Afternoon Soap Opera: Faithfully
Most Favorite GMA Primetime Soap Opera: Pahiram ng Sandali
Other Favorite GMA Soap Operas: The Good Daughter, Broken Vow, Magdalena, Sana Ay Ikaw Na Nga, Yesterday's Bride, Temptation of Wife, Cielo de Angelina, One True Love, My Beloved




2. A SECRET AFFAIR - The Movie and The Mall Show. Ito ang sukli sa lahat ng hardwork na aking ibinigay sa First Semester. Dami ko kasing pinagtanungan if dapat bang pumunta ako sa Mall Show ng A Secret Affair, sabi nila YES dahil it's my time to unwind daw. :) At ayun, pumunta nga ako. :) And ang movie naman, first time kong nakanuod ng dalawang beses, at na-i-share ko pa kay Direk Nuel (Director ng movie) ang review ko and nag-enjoy siya, and I didn't know na shinare pala niya ito kay Miss Mel Del Rosario, ang scriptwriter ng movie. Nalaman ko na lang nung nag-e-mail siya sa akin! Bongga diba! :)





3. TANGHALANG ST. PAUL (Sister Act and Mini-Play) - Sila ang isa sa pinaka mahirap na nangyari sa akin sa 2012, at the same time isa sa pinaka masaya. :) Naranasan kong mag-Production Manager na yes, sobrang isinusumpa ko yung trabaho na yun. However, at least I was able to expose myself to a lot of people. Though I consider it na Fail kasi konti lang nakuha kong sponsors. At bilang ako uli ang PM namin sa play ngayon, dapat matuto na sa mga mistakes! Sa Mini-Play naman, I get to act...pero lalaking role. At bilang proud gay ako, sobrang hirap umarte ng lalaki. Sabi nila, nagawa ko naman daw, pero ewan ko if true. Siyempre hindi siya perfect, and kahit papaano proud ako sa sarili ko na I was able to do it, most especially when our Director (Kuya Nathan) and Stage Manager (who happens to be my Paulinian Bestfriend Yish!) told me that I can do it, improve na lang talaga siguro. Pero ang pinakamasaya sa lahat, yung makasama ang mga ka-miyembro mo sa bawat araw, na sobrang na-mi-miss mo sila after matapos ng bawat play. At ngayong January-February, haharap na naman kami sa bagong major play! :)





4. PRINCESS AND I TAPING. - Summer ito nangyari. First time makita si Kathryn Bernardo, Enrique Gil na nakatalikod, Daniel Padilla, at ang crush na crush kong si Mr. Khalil Ramos! :) And most of all, nakita ko how a taping for a teleserye goes, at masaya siya. Lalo akong na-excite magtrabaho!


















5. GIRLFRIENDS MEMORIES:
March 2012 - Sarahlyn Takahashi's return sa Philippines. Gulat na gulat naman silang lahat, dahil planado siyang surprise, lalo na si EVANGELYN AUSTRIA. Si Cher naman, napauwi bigla ng Maynila. Haha. At si Karol, napadiretso sa Max's after ng klase niya, biglaan din of course! Haha!
August 11, 2012 - Sa kauna-unahang pagkakataon, may nagdebut sa GFs, si Sarahlyn uli. Osige, ikaw na talaga! Hahaha! Kumpleto kami this time, pero wala ata kaming pic na kumpleto. Nakalimutan ko lang. Haha.
December 8, 2012 - JC's debut. Wala si Kathryn nito. Pero tuloy ang saya! Napakaiyakin mo JC sa totoo lang! At first time ko ring nag 18 Roses, first dance pa ako ng gaga! Hahaha!
December 22, 2012 - Wala kaming Christmas Party pero nag-surprise party kami for Eva. Di kami kumpleto neto, ang present lang, si Abby, Karol and Cher, at ako siyempre. At malamang, si Eva. Hahaha! At for the record, nangaroling kami nito! Hahaha! :) Wala lang kaming nakuha. :( Sad.





6. TROPA. - Madaming tawag sa tropa namin kaya Tropa na lang naiwan. Hahaha! Nabuo to Summer eh. Dahil sa mga exams sa Biology. Hahaha! And I don't regret having them as my Official College Barkada (parang TeenSerye ang peg) kahit ako lagi napagkakaisahan sa mga trip. Haha! Hello, nung nagkaroon ako ng kaaway, ay mas galit pa sila sa akin. Hahaha. Lalo na si Badet. Pero at least all is well at friendliness din namin si Luna ngayon and I love her na! :)) Ate Bea, Yish, Lucs, Badet, Jeeia, Nicole. Mwah! :D




7.  MOVIES. - Kung ano yung ikinonti ng panunuod ko ng sine noong 2011, yun naman ang ibinongga ko sa 2012. Corazon, Every Breath U Take, The Reunion, A Secret Affair, A Secret Affair, 24/7 in Love, Sosy Problems, One More Try, Sisterakas. Oo dalawa yung A Secret Affair kasi inulit ko eh. Hahaha. :) And dito ko masasabi na talagang dapat kong mahalin ang pelikulang Pilipino. :)





8. BIRTHDAY 2012. - Napakadaming mabait nung birthday ko, received the best material gifts, and most of all, the gift of life, family and friendship! I love my friends, they made me happy. Nalista ko lahat ng bumati sakin sa Twitter at Text, at ang mga gifts ko, at ang present nung birthday ko na for GFs lang. Next time, kasama na ang tropa. ;) And ang hindi ko makakalimutan, Miss Marnie Lapus treated me sa Empanada Nation! Too bad, she was not there. :( Pero Thank you po talaga Miss Marnie! And salamat sa inyong lahat!









9. TELESERYE COLLECTION. - Ever growing sila! Got all the Soundtracks released by Star Records except for The Reunion, nakakuha ng official posters ng ilang palabas like A Secret Affair, at nagkaroon pa sila ng pictorial at sariling shelves sa kwarto ko. At higit sa lahat, nabili ko dalawa kong target, ang Minsan Lang Kita Iibigin DVD at Walang Hanggan Infinity Ring! Talagang yang mga collection ko, mga baby ko kasi yan. Dapat ingatan! And I'm looking forward sa mas paglaki nila this year! :)







10. NOEL AND WORLD BAZAAR. - Bukod sa madami akong nabiling para sa mga collection ko, nakita ko pa uli si Miss Gladys Reyes, si Dimples Romana, si Nicole Anderson, si David Guison, si Chef Lau, si Joyce Ching at si Valerie Concepcion! Bongga! Pero actually mas type ko yung World Bazaar last year. Hahaha. Pero mas marami akong nakamit ngayon! :D







11. JIMPY TV. - The blog that changed my life. The blog that made me popular (chos!). The blog that opened more opportunities for me. The blog that showed me my true supporters, hindi fans ah, supporters sa endeavors na gagawin mo, etc. The blog that told me how to be patient. The blog that gave me more encouragement and dedication sa gusto kong tahakin sa buhay. Yan lang. :) Check out the new website at www.jimpytv.weebly.com! :)



12. PRECIOUS HEARTS ROMANCES presents PARAISO Press Conference. - Hindi naman siguro kayo magtataka bakit ito ang pang number 12? Like hello! This was the best! Unang pagkakataon na makaattend ng Press Conference. Nakita ang mga artista, nakita kung paano gumalaw ang industriyang gusto kong pasukin. Nagpapasalamat ako ng bongga kay Miss Ruby Leah 'Bing' Castro, ang nag-iisang headwriter ng PHR presents Paraiso dahil siya ang bonggang-bonggang nagbukas sa kin ng mga pintuan papunta sa pangarap ko. :))











In the end, I can say that 2012 really is a fruitful year for me. Lalo na't ito yung taon na talagang nag-excel ako sa buhay at sa nakaka-experience ako ng mga bagay about sa industriya kong gustong pasukin! :)

Hoping for a better 2013. :) Kahit masaya tayo sa 2012, siyempre dapat each year should be getting and getting better. ♥

Wishing you all a happy 2013 kahit late na. And always remember, you may not Be New, but Be Better. :)

--JimpyA.♥

Photo Credits belong to: Eunick Nobe, Cher Aguinaldo, Google. :) Thank you so much!

No comments:

Post a Comment