Sunday, August 11, 2013

MassComm Adventures: OMB Visits AB-Program

Last Friday, Auagust 2, ay bumisita sa St. Paul Manila (my school!) ang Optical Media Board team para mag-hold ng Seminar about their campaign on Anti-Piracy. At siyempre, bongga dahil kasama ang chairman nilang former action star na si Mr. Ronnie Ricketts. :) Ang title ng program ay "Bawal Kumopya: Dapat Orig Ka!". Eto rin ang official name ng campaign/advocacy ng OMB.



Pinag-usapan sa Seminar ang kahalagahan ng Anti-Piracy campaign, plus ang mga nagawa ng OMB sa paglutas ng isa sa mga malalaking problema ng bayan. Dati kasi ay isa tayo sa mga bansang OA sa Piracy, pero bumaba ang Piracy rate natin, which is super nakakaproud. :) Nakakatuwa!

Nagkwento rin si Mr. Ricketts sa mga experiences nila, and guess what, Christmas na Christmas last year, may gumagawa nito. Ang technique daw pala ng mga namimirata ay part-by-part nila kukunan sa iba-ibang lugar para pag nahuli sila, sasabihin na hindi naman buo e. Ang galing noh! Haha!




Kasama ni Mr. Ronnie Ricketts ang comedian na si Dinky Doo, part din siya ng OMB Team. Anyway, siyempre, dahil makapal ang mukha ko, nagtanong ako pagdating ng open forum kasi may nagboboggle talaga sa isip ko e. Kung bakit ang mahal mahal ng original na mga DVD at VCD (600 nakakaloka!). Nasagot naman yung question ko, and kaya daw ganon kasi siyempre nga naman, mahal magproduce ng pelikula, mahal ang capital na kailangan. So para makabawi sila for their losses (in short, kita.), sa selling ng movie tickets and DVDs nila kinukuha. :)

And FTR, bukod sa nasagot ang katanungan ko, may picture pa kami ni Sir Ronnie and Dinky Doo! And wait, there's more! Siya ang nagsabi na kailangan namin ng picture! Hahaha! :)





After that, kumanta si Dinky Doo about Piracy, nagkaroon pa ng Shredding ng mga Pirated CDs. And finally, a photo opportunity ng bawat MassComm students with Sir Ronnie. Pinagawa niya samin ang X sign meaning, BAWAL KUMOPYA, DAPAT ORIG KA!




Ang natutunan ko about this seminar is that, maling mali talaga ang tumangkilik sa mga pirated. Wag tayong magmalinis dito, sino ba ang hindi bumili satin ng pirated CDs diba? Ako inaaamin ko I have a bunch. And you know naman my reason (yung tinanong ko.), but now I realized na mali ito dahil nadadamay ang industriya ng Pelikulang Pilipino. However, di ko pa rin sigurado kung di na ako bibili (but the last was nung December pa, and I own now mostly Original so di ako sobrang guilty! Hahaha.) but as much as possible, titigilan ko dahil magiging parte rin ako (at gusto ko) ng industriyang ito. So dapat diba, practice what you preach! Kaya kayo, lagi niyong tatandaan, BAWAL KUMOPYA, DAPAT ORIG KA! :)

Images Courtesy of: Ina Brodeth

No comments:

Post a Comment