Anyway, nag-manifest na naman dito yung madalas nagaganap saken pag may nangyayaring maganda. Yung may sakit muna ako. Hahaha, a night before this kasi nakakaexperience ako ng usual sakit ko sa tiyan na hindi ko na sasabihin dahil too much information na. Hahaha. Pero siyempre, di yun nakahadlang para di ako matuloy noh! Excuse me. Hahaha! So natuloy ako. The taping was somewhere in Fairview. Thanks to the Executive Producer of the show Miss Kat Juban for helping us na makapasok. :)
So eto na yung mga preliminaries. Miss Tin (one of the Prod Assistants) toured us around the set. Dun kami sa bahay nila Annaliza nagpunta. Ang sequences na nakatakdang i-tape ay ang sabunutan nila Arlene at Annaliza with Stella na in-air two Wednesdays ago yata. :) So anyway, eto ang mansion nila Annaliza. :)







