Showing posts with label ABMC. Show all posts
Showing posts with label ABMC. Show all posts

Sunday, September 8, 2013

MassComm Adventures: Tao Isang Tagulaylay The Play

Finally, last August 30, natuloy na ang aming production (as COMM 3 and EDUC 3) for our Theatre course, ang Tao: Isang Tagulaylay!

Hebigat ang naging preparations namin sa play na ito, sa totoo lang. Sleepless nights, late na uwi, mga tipong pagod-pagod na and everything but it was all worth it. :)

If you are curious kung ano ang naging role ko sa palabas namin, I was the Production Manager (along with Cariz) and I also played the role of Gluttony, isa sa 7 deadly sins. :) Pero mamaya na tayo diyan. Haha. :D

Na-ikuwento ko na ata sa inyo kung ano ang gist ng story ng Tao sa promo entry ko. So di ko na siya ikukuwento uli. Pero eto ang pictures sa mga naganap nung play. :)

Singer: Mahiwaga
(that's Macee - ang suki ng JimpyTV)
Overture Dance
Si Tao.

Sunday, June 10, 2012

College Bites: Second Year First Sem


Eto ang schedule ko for Second Semester.

Excited ako na hindi. Excited kasi something opened up my mind para mag-aral at naeexcite akong gawin yun. As in. Pero hindi rin kase ang panget ng schedule ko. Imagine, masasayang ang isang araw ko sa 4 hour break na yan. HAHA!

Pero I am really excited kasi grabe I waited long for this, MAJOR SUBJECTS! :) As in suuuuwearrr! I am so looking forward na in studying my craft, my interest and all! :)

I promise this semester that I will really do my best. I just have this goal...maging Dean's Lister. Mataas pangarap ko but with the effort that I am about to give, I'm sure kakayanin ko. :)

BE HAPPY THIS SECOND YEAR SECOND SEM! Welcome Intro to Mass Comm and Interpersonal Comm! :)


--.JimpyA.♥
June 10, 2012. 11:42 PM
College Bites: Second Year First Sem
Follow me on Twitter: @iloveJimpyA
Follow me on Tumblr: @ilovejimpyness
Follow me on Instagram: @ilovejimpyness

Saturday, May 26, 2012

College Bites: Why Mass Comm?

That was in the year 2006 when I started deciding what course I should take for College. Dapat pag isipan to ng mabuti kasi of course yan ang magiging future ko diba. :) And actually, my first choice was HRM. And that time, it was the height of Nursing being the best course. And my Tito wants me to take the course since he was from the States. Here was the conversation:

Tito: Anong course ba itatake mo?
Jimpy: Gusto ko po HRM.
Tito: Baket?
Jimpy: Dun po ako madaling makakapasa.

I had the most pathetic answer ever. Well, I was like in 6th grade. I don't know what to answer, or even what to do! :) All I know was at that time, I love cooking. :)

In the last quarter of 2008, I started having interests - as in TOO MUCH INTEREST - with soap operas. I even had a clearbook (which is still alive til now, yun nga lang not complete na) na puro teleseryes. And then in 2009, since I am also into creating a lot of stories for TV, napag-isipan ko na talaga kung anong gusto ko. At yun ang maging writer. And when I learned that may course palang Creative Writing, yon ang gusto ko.

Pero sooner, naisip ko ayoko na writer lang. Kase parang lahat ng trabaho sa TV, gusto kong masubukan. Kaya I thought of taking up Mass Comm. :) But something hinders me, the trend! My mom wants me to take up IT! It's one of the most popular courses now, and siyempre they want me on the safer side. And since I'm a good kid, hindi ko ipinaglaban ang gusto ko. :) Pero eto na, my cousin! :) I love her so much, talagang sinabe niya na I should take up the course that I like, I deserve, and I am fitted to. And that's MassComm. :)

And ngayon, I am happily taking the course I love, pero di ko pa feel ngayon kasi wala pang major subjects. But I am looking forward to it! :)) Kaya wag niyong sabihin na ang MassComm ay MassCommportable sa bahay. Dahil mahal ko ang course at pangarap ko. :)


-->JimpyA.♥
May 26, 2012 12:40 AM.
College Bites I: Why Mass Comm?
Follow me on Twitter: @iloveJimpyA
Follow me on Tumblr: @ilovejimpyness
Follow me on Instagram: @ilovejimpyness

Friday, March 16, 2012

High School OR College?


Ang laki laki ng pinagkaiba ng High School at College, lalo na kung di ka nagcollege dun sa high school mo. Sobrang daming differences. :) Ako, ang dami kong realizations at ang dami kong natutunan I swear. :) ENUMERATE NATEN AH.


  • Sa High School, petiks lang dahil ang lapit lang ng school ko, at nakaschool bus pa, whereas sa College, commute commute din! At kailangan mo nang i-anticipate ang baha pag may bagyo. Mahal ang pamasahe, lalo na ang cab. HS Php 5 lang, College, Php 20-30. WOW! At di ako tensed nung HS pag ginagabi. Sa College kasi, 1 1/2 hour ang byahe!
  • Never akong ipinadala sa seminar noong HS ako at mahiyain ako ng konti nun, I don't like participating, and wala din naman offers, and sa credentials ko nun, imposible din. HAHA! :) Pero sa College, ayan, given the opportunity na! Naipadala sa seminar sa Benilde, nakapagsulat ng ilang article sa school paper (na mairerelease na soon), naging part ng malalaking play productions, nasabihan ng magiging STAR ng Masscomm. OMYG. :)
  • Sa College, wag masyadong magtitiwala at matutong mamimili ng kaibigan. May nagsabi nga saken, kaibigan mo ngayon, pero sa third year, hindi mo pa alam kung friends pa din kayo. At hilahan pababa, siyempre college na eh, pagalingan na. Pag naungusan, magtatampo.
  • Sa College ko lang naexperience ang matsismis ng walang kwenta. WTF. Hahaha. :)
  • I feel welcome sa College, but not that with my classmates. Noong HS, kahit binubully bully ako o inaaway away ako, alam ko mahal nila ako. Pero sa College, mabibilang ko sa daliri yung alam kong totoo sa akin.
  • Mas mahal ako ng Orgmates ko, mapaTSP or TP, kesa ng mga kaklase ko except yung iba. Hahaha. :)
  • Ang daming issue sa college! Simpleng bagay, pinalalaki. Haha. :)
  • Mas mataas grades ko nung ngayon kesa HS! :)
In short, better ang acad, pero ang mga taong nasa paligid, not that well. And natapos na ang freshmen life ko. Actually, di pa, kasi may summer class kami. Pero Pre-sophomore na rin yun eh. Kaya salamat sa TSP and TP Family ko, plus some of my F4 and COM-1 Classmates. :) Sana kayo pa din til 4th year and forever. And sa mga nakaclash ko. Sorry. :))

Basta, I need to make my Sophomore, Junior and Senior life fruitful. Wag muna masyado on the social side. Focus more sa studies, singit ang teleseryes at pagsulat sulat. Yun. HAHA. :)


-->PIPAY♥ 3/15/12 11:58PM
Chapter 3 of 12.
Page 74 of 366.
"HS VS. COLLEGE"

Wednesday, February 1, 2012

I ♥ Teleseryes Forever and Ever.

Oo. Forever fan at addict na ako ng teleseryes. Wala nang makakabago non.

Sino ba namang hindi matutulad sa akin na simula pagkapanganak ko, Mara Clara na ang bumungad sa akin. Yan ang Ina ng Pinoy Soap Opera diba?! :) At nasundan pa yan ng Mula Sa Puso at Esperanza! HAHA! :))

Laking Teleserye kasi ako. Pero 2009 nang talagang maadik ako sa mga teleserye na as in nagresearch ako and all, plus the following year until now ako nagstart ng collectibles. Although nangongolekta na naman talaga ako kahit before, 2010 talaga naging committed ako. :)

May iba kasi na jinujudge na ang character ko at naiinis na saken dahil sa pagiging addicted ko sa mga teleserye. Well ang masasabi ko lang naman sa kanila, hindi naman ako ang nag-iisang addict sa mundo. Buti nga sa teleserye lang ako naaddict at hindi sa kung ano anong mga bagay. Lahat naman ng tao may kinakaadikan. Nagkataon lang na nabunot ng anghel ko sa langit eh mga teleserye. Diba? :)

Basta ako, ipagpapatuloy ko lang kung ano ang nasimulan ko. Yun na ang nakasanayan ko at for 16 years, nabuhay ako ng may mga teleserye sa paligid ko. Maybe I was raised up this way. And nobody can question how I was brought up. Haha. :)

Maybe I became so obsessed with my addiction that others think that sobra na. Alam ko naman na minsan sobra na ako, kasi sobrang naimpluwensyahan na ako ng mga napapanuod ko. Mga linya nila, mga tawa nila, pang araw-araw ko nang gamit. Haha. At ngayon, pati pangarap ko. 2009 nang maaddict ako at mapagdesisyunan kong mag Mass Communication. Pero come to think of it, kung hindi ako naaddict dito, siguro hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Baka ibang lugar ang nilakaran ko and I am not happy. At least now, with what I am doing, I am happy. :)

At the end of the day, yun pa din naman yun eh, kung masaya ba ako sa ginagawa ko hindi ba. Wala nang pakialam ang ibang tao kung hindi ako masaya o gaano ako kasaya na ako ay nahuhumaling sa panunuod ng teleserye. Sabihin ng selfish but still, you have the last say with all your decisions. At desisyon kong maging masaya, mag-enjoy sa teleserye, at matupad ang pangarap ko. :)

Ang masasabi ko lang, yung teleseryeng tutukan ko sana na ALTA eh nashelved. :( Pero manuod pa din kayo ng Mundo Man Ay Magunaw at 11:30 am, Angelito at 3:15 pm, Kung Aagawin Mo Ang Langit at 4:15 pm, Lumayo Ka Man Sa Akin at 5:00 pm, Maria La Del Barrio at 5:45 pm, at ang sunod sunod  at magkakatapat na E-boy, Munting Heredera, Legacy, Glamorosa, Budoy at Walang Hanggan. :)

Basta if you have any queries about soap operas, I am so much ready to answer. Hahaha! :)

And as for my final say, I STILL, I WILL ALWAYS, AND I LOVE TELESERYES FOREVER AND EVER. :')

-->PIPAY♥ 2/1/12
Chapter 2 of 12 (Pilot).
Page 32 of 366.
"LOVE FOR TELESERYES"

Thursday, January 12, 2012

Bad Vibes.

Sheez. 2012 is not really my year. I don't know why I am given all of these shits.

Sabi ko 2012 magbabago na ko. :'( well i am doing it. Kaso I just believe that We Cannot Really Please Everybody. Hindi naman natin choice na di sila maplease eh, choice nila na hindi maplease sa mga ginagawa naten..

Ako, ang ayoko lang binabadmouth at binabackstab ako. And OO ngayon I am actually being honest. Plastic ako. That's how people see it eh. But ako I believe that it's not being PLASTIC. I am just playing safe. Kasi ang issue daw I hide what I feel. Ako ayoko lang naman ng gulo, ng away. Ayoko ng may nagagalit sa akin. Kasi hindi ka makatulog ng maayos kung may kaaway ka. But I believe naman na it's not my choice if they don't like me right.

At ayoko din sa lahat na ginagawang issue yung leadership ko. Last Saturday kasi I got mad and someone made an issue ata. Nagreklamo on why do I need to get mad. Oh WTF. Nabastos ako. They kept on ranting about something and yet I'll keep my mouth shut? Wala na ba akong karapatang mairita? That is so bullshit.

Basta ako what I learned is that hindi totoo yung porket ayaw sayo nung tao meaning Insecure sayo. Maybe may kailangan ka talagang baguhin sa ugali mo. Kaya please enough reasoning out that You are hated because they are insecure with you? HA? ARE YOU CRAZY?! Ako i realized din talaga na may kailangan akong baguhin but always remember that CHANGE IS NOT DONE OVERNIGHT? Okay? Kung naaapura kayo sa pagbabago ng isang tao, you have no right because hindi naman ikaw ang nahihirapan.

Anyway, I just want to release my anger. I have nothing against dun sa nagsabi ng plastic ako. At least alam ko na yung mali ko. But the one who questioned my leadership. WTF diba. :(

Anyway, eto, keri lang to. Faith lang kay God, masosolve ko to!

WHOO!

--PIPAY. 10:43PM, 1/12/12
Chapter 1 of 12
Page 12 of 366
"BAD VIBES"

Sunday, December 18, 2011

College Life. :)

Ngayon ko lang naisipan na magblog about my college life kahit alam naman ng lahat na Second Semester na. Kasi iniipon ko talaga ang memories ko. HAHA! :))

College Life I think is really one of the hardest stages in life, pero you need to undergo this stage para ma-achieve ang goals mo. In my case, I really had a hard time adjusting and all. I thought I am done with that stage, pero til now, nangangapa pa ako. >:)

College Life thought me a lot of things. Una na diyan yung pagcocommute. Everybody knows that I really don't commute alone. Eh hello, I'm living in Las PiƱas and my school simula Grade School hanggang High School is at UPHSD, napakalapit. Pero ngayon, St. Paul University Manila, sa Pedro Gil pa! Nung una, lagi ako may kasabay kasi patanga tanga talaga ako sa mga ganyan, mga halos 2 months yun. Pero ngayon, kaya ko na magtravel mag-isa, and natuto akong magback ride sa tricycle! (Di na pwede ang Special Trip at antay antay ngayon!) Natuto din ako mag LRT! Ngayong nga nakakarating pako ng World Trade Center. HAHA! :) Mahirap lang talaga magtravel pag umuulan or baha.

Sa totoo lang, yun lang naman talaga yung hirap na hirap ako eh. Sa ibang bagay naman madali akong mag-adjust. That's what I like about myself. I can easily adapt things. :)) HAHA.

Ang pinaka natutunan ko lang sa College Life ko sa ngayon bukod sa focus na talaga sa pag-aaral (which is true, my number 1 priority now is my studies, no more love life, little TV and net :D) ay BAWAL ang MAARTE. As in. Kahit sabihin mong may kotse ka, pano pag nasira yan diba. Or hatid sundo ka, magsasawa din parents mo niyan. At totoo talaga yung sabi ng parents ko, na pag College ka, wala kang ibang aasahan kundi sarili mo. You should not rely on others, regardless if these are material things or other people.

Kaya ngayon, isa sa New Year's Resolution ko ang pagtigil na sa kaartihan at masanay sa totoong buhay, we should always get out of our comfort zone and do the things we are not used of doing dahil Life is really not exciting without hardships and challenges! :))

-->PIPAY♥ 12/18/11 11:18PM

Tuesday, November 1, 2011

Gone are the good days.

Last day na ng puyatan. November 2 bukas, kailangan matulog ng maaga kahit 10:30 pa pasok. Palagay ko mahihirapan akong mag-adjust sa schedule ko. Yung paggising ng maaga, madali na lang yan. Pero yung 10:30 pasok ko, HAHAHA! :D well, 8:00 naman na ako gigising, tapos mga 9:15 siguro ako aalis. :)) HAHA.

Subjects ko sa Thursday: Logic, Rizal, IT and Math. 5:30 uwian. Di ko na mapapanuod Pahiram ng Isang Ina, Ikaw Lang Ang Mamahalin, My Fair Lady, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Pinoy Big Brother Unlimited: The Audition Stories, REPUTASYON and Maria La Del Barrio. Idamay na natin ang Nasaan Ka Elisa, Pinoy Big Brother Unlimited at Bandila. Pinaka affected ako sa Reputasyon, sobrang favorite ko na siya eh, napakaganda ng story, deserve nga niya primetime slot eh! :)

Anyway, talagang Gone are the Good Days dahil ayoko na maging bara-bara lang ang performance ko ngayong Second Semester. Pumangit ng konti grades ko ng Fianls ng First Sem though tumaas. Nakulangan ako, kaya ngayon dapat talagang galingan ko na. :) ABMC na ako, di na ako CFP. :)

Mamimiss ko magblog ng ganitong oras, mamimiss ko maginternet habang nanunuod ng Nasaan ka, Elisa, Pure Love/PBB and Bandila. I need to devote my time studying. Di nga rin ako makapaniwala na talagang sobrang top priority ko na ang pag-aaral, which is dapat naman talaga. Yang love? Di naman ako papakainin niyan, nakakapaghintay naman yan,  at ang masaklap pa, wala naman din ako makita! HAHA! Ang TV, kahit papano, importante pa din yan, pangarap ko magtrabaho diyan eh.

By the way, isa pang ipprioritize ko ay ang pagsusulat. Kailangan ko man lang makatapos ng kahit isa this year. Either Teleplay or Romance Novel. At next year, kailangan malista ko na yan sa aking list. :) Speaking of list, gagawa na ako ng Christmas Wish List! HAHAHA! =))

Sana maurong ang pasukan, para malubos lubos ko. HAHA. :D

Anyway, Good night followers, readers, at sa mga simpleng napadaan lang. Walang heartbreak ngayon kaya magpakahappy tayong lahat! :)

-->JIMPY♥ 11/1/11 11:38 PM.