Wednesday, February 1, 2012

I ♥ Teleseryes Forever and Ever.

Oo. Forever fan at addict na ako ng teleseryes. Wala nang makakabago non.

Sino ba namang hindi matutulad sa akin na simula pagkapanganak ko, Mara Clara na ang bumungad sa akin. Yan ang Ina ng Pinoy Soap Opera diba?! :) At nasundan pa yan ng Mula Sa Puso at Esperanza! HAHA! :))

Laking Teleserye kasi ako. Pero 2009 nang talagang maadik ako sa mga teleserye na as in nagresearch ako and all, plus the following year until now ako nagstart ng collectibles. Although nangongolekta na naman talaga ako kahit before, 2010 talaga naging committed ako. :)

May iba kasi na jinujudge na ang character ko at naiinis na saken dahil sa pagiging addicted ko sa mga teleserye. Well ang masasabi ko lang naman sa kanila, hindi naman ako ang nag-iisang addict sa mundo. Buti nga sa teleserye lang ako naaddict at hindi sa kung ano anong mga bagay. Lahat naman ng tao may kinakaadikan. Nagkataon lang na nabunot ng anghel ko sa langit eh mga teleserye. Diba? :)

Basta ako, ipagpapatuloy ko lang kung ano ang nasimulan ko. Yun na ang nakasanayan ko at for 16 years, nabuhay ako ng may mga teleserye sa paligid ko. Maybe I was raised up this way. And nobody can question how I was brought up. Haha. :)

Maybe I became so obsessed with my addiction that others think that sobra na. Alam ko naman na minsan sobra na ako, kasi sobrang naimpluwensyahan na ako ng mga napapanuod ko. Mga linya nila, mga tawa nila, pang araw-araw ko nang gamit. Haha. At ngayon, pati pangarap ko. 2009 nang maaddict ako at mapagdesisyunan kong mag Mass Communication. Pero come to think of it, kung hindi ako naaddict dito, siguro hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Baka ibang lugar ang nilakaran ko and I am not happy. At least now, with what I am doing, I am happy. :)

At the end of the day, yun pa din naman yun eh, kung masaya ba ako sa ginagawa ko hindi ba. Wala nang pakialam ang ibang tao kung hindi ako masaya o gaano ako kasaya na ako ay nahuhumaling sa panunuod ng teleserye. Sabihin ng selfish but still, you have the last say with all your decisions. At desisyon kong maging masaya, mag-enjoy sa teleserye, at matupad ang pangarap ko. :)

Ang masasabi ko lang, yung teleseryeng tutukan ko sana na ALTA eh nashelved. :( Pero manuod pa din kayo ng Mundo Man Ay Magunaw at 11:30 am, Angelito at 3:15 pm, Kung Aagawin Mo Ang Langit at 4:15 pm, Lumayo Ka Man Sa Akin at 5:00 pm, Maria La Del Barrio at 5:45 pm, at ang sunod sunod  at magkakatapat na E-boy, Munting Heredera, Legacy, Glamorosa, Budoy at Walang Hanggan. :)

Basta if you have any queries about soap operas, I am so much ready to answer. Hahaha! :)

And as for my final say, I STILL, I WILL ALWAYS, AND I LOVE TELESERYES FOREVER AND EVER. :')

-->PIPAY♥ 2/1/12
Chapter 2 of 12 (Pilot).
Page 32 of 366.
"LOVE FOR TELESERYES"

No comments:

Post a Comment