Showing posts with label character. Show all posts
Showing posts with label character. Show all posts

Friday, March 22, 2013

Masarap sa Feeling...

Masarap sa feeling na...

Yun bang lahat ng hardwork mo sa buhay, nagpa-pay-off, at alam mong konting kembot na lang, tapos na to...

Yun bang may mga taong nakaka-appreciate sayo kahit napakadami mong pagkukulang...

Yun bang hindi ka nakaramdam ng insecurity sa iba, maaaring nainggit ka, pero hindi yung umabot sa point na umapak ka ng tao dahil sa inggit...

At yun bang kaya hindi ka nai-insecure o naiinggit sa buhay ng iba kasi alam mong may pinanghahawakan kang alam mong wala ang karamihan kaya proud na proud ka sa sarili mo...

Kasi ako, nararamdaman ko yan lahat, ngayon, lalo na yung last 2 parts...

Believe it or not, yes, I was never insecure. Alam mo naman kasi sa sarili mo yun diba. Maaaring ang iba, sabihin na insecure ka kay ganito kasi inaaway mo siya lagi dahil maganda siya or matalino siya. Ako pag nang-a-away ako ng maganda or matalino, inaamin ko naman I do that, pero trip lang yun, no INSECURITIES involved.

Pero bakit nga ba hindi ako naiinsecure? Kasi nga may pinanghahawakan ako. E ano yun?

Yun ay ang pagiging totoo ko sa sarili ko. PERO WAIT. Siyempre may disagree. Paano ka naman naging totoo sa sarili mo? Well, eto mga dahilan niyan, at sasabihin ko rin kung pano ko nalaman. :)

Lahat tayo, dumadaan sa stage na DENIAL STAGE. Yes, kailangan mo munang i-deny sa iba at sa sarili mo Ng mga bagay na alam mong meron ka pero nahihiya, or may humaharang para aminin mo. And ako, so far, 2 bagay yung naiisip ko na dumaan ako sa denial stage bago ko sinabi sa sarili kong, "Ah. Eto ako."

UNA. Na JOLOGS ako. Pero hindi jejemon ha. Haha. Jologs lang. Pero actually ewan ko ba kung Jologs tawag dun e. Anyway, sabi nung iba, jologs daw na mahilig ako sa Teleserye, na bakit daw hindi ako nanunuod ng mga English, chenes chenes and all. Actually dati, mahilig naman ako or gusto ko talaga. Pero dumating sa point na, yes inaamin ko, for 'pasikat' purposes lang siya dahil yun ang 'IN'. Pero na-realize ko na hindi pala dapat ganoon. Na hindi mo kailangan sumunod sa gusto ng society para sayo dahil unang-una, buhay mo yan e. Walang pakialamanan diba! At pangalawa, mahirap gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto. :) kaya eto ako ngayon, teleserye fan, local movie fan. At naniniwala ako na hindi ka Jologsan yan at hindi 'yuck' manuod ng local. I just called it Jologs kasi, that's how mosg people view it e. Wala akong magagawa. At least, wala akong colonial mentality, mahal ko ang gawa natin, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang magpanggap na sosyal ako or what. Yung iba kasi, makapagsabi lang, kala mo sinong sosyal, di naman bagay! Hahaha.

PANGALAWA. Ang aking sexual preference. Yes, tahasan kong inaamin, at hindi ko na kailangang itago pa, oo naman bading ako! Beki, gay, bakla, binabae, lahat na ng terms niyo! Hahaha. At oo siyempre talagang dumaan ako sa denial stage diyan! Pero hindi ko naramdaman sa sarili ko na ayaw ko ito at kailangang kong pigilan. Dinedeny ko lang for the sake of my self, para di na ako i-bully, di na ako asar-asarin. But then again I realized, mali. Hanggang sa nagising ako isang araw na let it out. Honestly di nga ako dumating sa point na nag-soul searching e. Basta na lang ako nagkaroon ng gwapong crush at isinigaw ko sa classroom. Yun na lahat. Idedeny ko pa ba? E bago ako mangolekta ng teleserye, paperdolls kinokolekta ko e. May toy cars nga ako, pero ang laro ko naman, teleserye. Binabangga ko yung mga kotse tapos kunyari sasabog. Yung comforter kunyari yung usok at apoy. At yang comforter na yan, ginawa ko pang gown yan. And yung white na towel/sapi/balabal, that used to be my wig! :) HAHAHA. Oo aminan na din naman, lubus-lubusin na natin! :) wala namang Rated SPG diyan diba? Hahaha.

Pero kahit naman bading ako, conservative ako noh. Nagkaka-crush, nagmamahal, pero never been touched at NBSB to! Haha. And may manners pa rin ako. And di rin ako nagco-cross dress. I don't have anything against with these people and in fact, I also love them for being real pero ako kasi, wala pa akong K sa mga ganyan dahil wala pa akong napapatunayan sa sarili ko at sa buong madla diba. I have to make my family, friends and myself proud of me before I do those. :)

Siguro maraming magsasabing, nakakahiya naman yang blog post mo, screaming faggot ka, di ka na nahiya or what, pero who cares?! This is me! And nobody can change it! Alam ko, kahit ganito ako, si Lord tanggap ako. Kasi kung hindi, bakit ang dami kong blessings na natatanggap na alam kong galing sa kanya dahil hindi lang materyal na bagay ang ibinibigay niya saken. In fact, eto nga, gift ito e, gift of Confidence. And gift of being true to yourself. :) I love You Lord and I will always do. Salamat Po dahil binigyan ninyo ako ng lakas ng loob para maging ganito, at gagamitin ko po ito sa mabuti. :)

Ang haba na nito. Hahaha. Piece of advice ko lang sa lahat, magpakatotoo tayo, wag tayo magpaka-plastic at maging mapagpanggap. Kasi hindi kapwa ang niloloko nyo, sarili niyo ang pinaka niloloko niyo. At kung hindi man kayo tatanggapin, ang pinaka mahalaga, tanggap niyo ang mga sarili niyo. :)

Wala na akong pakialam what others say and feel when they read this. Ikahiya man ako, tanggapin man ako, hangaan man ako, kainisan man ako, pero masarap sa feeling na ilabas to. Masarap sa feeling na umamin kung sino ka ba talaga. At pinakamasarap yung feeling ma totoo ka sa sarili mo. :) that's the best gift from God you will ever ever receive. :)

PS: Sorry sa haba. :) mga 30 minutes straight ko tong tinatype sa ipod. Hahaha! :)

--JimpyA with Love. :)

Monday, March 19, 2012

100 Day Picture Challenge: Day 3

Day 03 - A picture of the cast from your favorite show 


Eula Valdes, Empress and Nikki Gil for Mundo Man Ay Magunaw.

MUNDO MAN AY MAGUNAW 
Weekdays, 2:30 PM after It's Showtime sa Kapamilya Gold!

---
♥Jimpipay♥
"100 DAY PICTURE CHALLENGE"
"PICTURE OF THE CAST FROM FAVORITE SHOW"
March 19, 2012 - 12:59AM


100 Day Picture Challenge: Day 1

Day 01 - A picture of yourself with 5 facts.


1. I love teleseryes. Sobra. :) ♥
2. I love blogging. Mahal na mahal ko tong site na 'to,
3. I support Philippine Entertatinment - OPM, movies, shows, everything.
4. I will be a future media practitioner - taking up AB Mass Communication in SPUM.
5. I am GAY. And proud of it. :)

---
♥Jimpipay♥
"100 DAY PICTURE CHALLENGE"
"PICTURE OF YOURSELF WITH FACTS"
March 19, 2012 - 12:49AM

Wednesday, February 15, 2012

100th Post.

(This post can not be seen on Tumblr.)


I am so happy. Nakaka 100 posts na ako sa aking pinakamamahal na blog na kasama ko na simula February 7, 2010. I love it, naka one year na pala ako dito. :))


I am so happy that in two years, I had shared many experiences dito sa blog ko. As for now, I have 10 followers. Masaya na ako dun noh, di ako hype! HAHA! :) Pero pag tinignan mo yung meter ng views, ang dami. HAHA :D Diba, may anonymous followers din! (Echoserang froglet, ang feelingera ko. :D)


Well, medyo magiging mahaba to kasi Summary ito ng two years ng blog na ito. At ito ay pang-100th post remember. :) Kaya let's commemorate! 


1st Post: 2009 Memories of a Perfect Bitch!(http://ilovejimpyness.blogspot.com/2010/02/2009-memories-of-perfect-bitch.html) Posted: February 7, 2010. Galing yan sa FB notes ko. Haha. :D


Top 8 Favorite and Memorable Posts:


1. 2011 Memories :) (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2012/01/2011-memories.html) EFFORT YAN. Posted: January 2, 2011. Simula 11 ng gabi hanggang 1 AM kaya yan ang most favorite ko ngayon! HAHA! :D


2. Collge Life. :) (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/12/college-life.html) Posted: December 18, 2011. Yan ang post na ang dami kong lessons and realizations in life na talagang masarap ishare sa inyo. :D


3. A tie between Move on na. and Happy Again. (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/05/move-on-na.html) (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/05/happy-again.html) Posted May 21 and 22, 2011. Nakakatawa, parang kinagabihan lang nagdadrama ako, kinabukasan okay na. NAKAKATAWA TALAGA. Hahaha. :D


4. When will we see each other? (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/08/when-will-we-see-each-other.html) Posted August 29, 2011. Nakakatawa kasi umaga ko pinost yan at nagdadrama drama pa ko, yun pala makikita ko na yung anjan mamayang konti lang. HAHAHA :D


5. Focus: Positivity (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/09/focus-positivity.html) Posted September 10, 2011. Ang dami ko lang natutunan sa mga experiences ko dito. Haha. At grabe, iba ang feeling pag sa blog ka naglabas ng sama ng loob. Haha. :)


6. Crushniversary. :"> (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/09/crushniversary.html) Posted September 2, 2011. Celebrating 1 year of kagagahan, craziness, and falling in love! :)


7. I am inspired by a television writer :)), Dream, and Dream Part II (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/05/i-am-inspired-by-television-writer.html), (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2012/01/dream.html), (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2012/02/dream-part-ii.html) Posted: May 23, 2011, January 10 and February 9, 2012. Basahin ang mga comments. Alam na. :)


8. A Letter to Diego series (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/10/letter-for-diego.html), (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2011/12/letter-to-diego-part-ii.html), (http://ilovejimpyness.blogspot.com/2012/01/letter-to-diego-part-iii.html) Ang saya magsulat ng letter para sa mga artista, sana lang mabasa na to ni Diego. Haha. :)


Yan. Haha. At ngayon, I am so happy na ito na ang pang 100th post ko. Kaya dahil diyan, magooverhaul ako ng page. Sana gumanda lalo. :D


Sa mga followers at readers ng blog ko, thank you so much! :*


Tuloy tuloy pa din ang pagblog forever! :))


-->PIPAY♥ 2/15/12 12:24 AM
Chapter 2 of 12.
Page 46 of 366.
"100TH POST"

Thursday, February 9, 2012

Dream Part II.

Nakakaloka. After A Letter for Diego series, may sumunod naman na magkakaroon ng series, ang blog ko about my DREAM. :) Para alam niyo, eto part 1 http://ilovejimpyness.blogspot.com/2012/01/dream.html or http://ilovejimpyness.tumblr.com/post/15618952570/dream.

Anyway, nabanggit ko sa una kong blog na sobrang pangarap kong maging Writer. :) Talagang nabubuhayan ako ng loob kapag ka napag-uusapan yon eh! HAHA! Like last Saturday and last Tuesday, nakausap ko yung friend ko, dream naman daw niya maging director, tas nagpatulong siya for his storyline, ayun good thing I was able to help him and afterwards he told me that pwede na daw ako maging writer! :'> Ewan ko kung echos lang yon ha! (Jake, ineechos mo lang ba 'ko? HAHA LOLJK.)

Pero ako, I do believe that with my will, determination, talent and beauty (ay talagang kasama! KALOKA BABY! :D) eh maabot ko ang dream ko. I told you sa previous blog na I am making a story about stylists, pero napagtripan kong i-revise at ngayon, tungkol na siya sa mga sosyal. Hindi siya parang Alta ha, iba atake nito. 4 na klase ng tao. Isang totoong sosyal vs Gustong maging sosyal (mga bida sila) with Sosyal yun pala mahirap vs Jologs and their love teams and family in between. Chaka ko na i-e-elaborate pag nabuntis ko na ang plot. :)

Ang gusto kong iblog ngayon eh yung mga gusto kong makatrabaho in the future. :)Purely ABS! :) ETO!

If ever na sa Deo T. Endrinal unit ako (Kung Tayo'y Magkakalayo, Walang Hanggan business unit head) sila yon:

Directors: Ruel Bayani, Manny Palo, Don Cuaresma, Erick Salud, Malu Sevilla, Francis Pasion. :)
Ang headwriter ng shows ko either si Miss Reggie Amigo or Arlene Tamayo or Mari Lamasan.
Co-writers? Syempre ang inspirasyon kong si Miss Noreen Capili, pwede din si Mariami Tanangco, Honey Hidalgo or Danica Domingo.

Kung pwedeng makialam na din sa musical scorer siyempre ang napakabait na si Miss Carmina Cuya. :)

If ever naman sa Star Cinema unit (Malou Santos and Ginny M. Ocampo) ako (Mundo Man Ay Magunaw, Magkaribal, Maging Sino Ka Man) sila.

Directors: Nuel Naval, FM Reyes, Rory Quintos and my most favorite director, Mae Czarina Cruz.
Headwriter: Miss G3 San Diego, Denise O'Hara, Generiza Reyes or Jay Fernando.
Co-writers: Nikki Bunquin, Christine Novicio, Arden Rod Condez.

Sa musical scorer JESSE LUCAS na! :)

Sa Lauren Dyogi unit (PHR, Mula sa Puso)

Directors: Wenn Deramas, Cathy Garcia Molina or Theodore Boborol
Headwriters: Rose Colindres or Clarissa Estuar, or Ruel Montañez
Co-writers: Mel Abaygar, BING CASTRO (of course my inspiration din), Kay Brondial. :)

Scorer, si Jesse Lucas ulet. :))

Pero siyempre, kung san ako mapupunta, gora ako dun! :)) That's PROFESSIONALISM baby! :))

And may final title na pala yung teleplay, "Hiram na Langit". May hiraman, agawan at gamitan kasi sa kwento, hindi lang basta pasosyalan yun no! HAHA! :))

-->PIPAY♥ 2/9/12 1:04 AM
Chapter 2 of 12.
Page 40 of 366.
"KEEP ON DREAMING"

Teleserye Review: Mundo Man Ay Magunaw


This January, madaming shows ang nag premiere. Walang Hanggan, Legacy, Lumayo Ka Man Sa Akin, E-boy. Pero ang pinaka nakaagaw talaga ng attention ko was Mundo Man Ay Magunaw.

Nung napanuod ko yung teaser sa youtube, at sa mga nabasa ko sa forum, the soap really looks promising. This was actually a remake from the 1990 movie, starring Sheryl Cruz, Jennifer Sevilla and Romnick Sarmienta, with Leroy Salvador as director, and Salvador Royales as creator. Sa version na ito, Empress takes Sheryl's role, Nikki Gil takes Jennifer's and Ejay Falcon takes Romnick's. With Eula Valdes, Sylvia Sanchez, Allan Paule and Tessie Tomas. And now directed by Jeffrey Jeturian and Rechie del Carmen. If mapapansin ng mga nakanuod, based sa mga gumanap sa original version ang names ng mga characters ng 2012 version.

January 30 nagstart yung soap na to. Originally, this will be aired at 2:45 PM sa Kapamilya Gold kapalit ng Heartstrings, pero dahil mamaalam na ang Happy Yipee Yehey sa ere at mamahinga pansamantala ang showtime that week, nilagay to sa 11:30AM slot. Pero after a week, inilagay na ito sa 2:30 PM.

Well, the pilot episode was really promising, napakaglossy ng paggawa. Jodi playing the young Eula Valdes was really good, it seemed like hindi siya special participation kundi pag-aari niya talaga ang show. Katya Santos as young Sylvia Sanchez also did a great job, as well as James Blanco and Christopher Roxas. Dito din sa show na to nagustuhan ko si Empress. Napakacute ng role niya, very bubbly, humurous and driven. Nikki Gil is an effective maldita, and hindi siya basta maldita, marami siyang dahilan. And nakakatuwa ang pagkakasampal niya kay Empress and yung pagkakadeliver niya ng "WRONG! You will never be, one of US!" and yung isang scene, nakakatawa siya. "*sampal* That is for flirting with my boyfriend. *sampal ulit* That is for illegal possession of ugly shoes!" Grabe ang benta lang. Ejay Falcon in this soap looks so gwapo. Malayong malayo sa mga roles niya dating nakakairita at pa-cute. Ngayon mukha talaga siyang knight in shining armor. Affected din ako kay Eula Valdes dito, napakagaling niya, ramdam mo talaga yung pangungulila mo bilang isang ina! :)

Actually, ito yung teleseryeng never pa akong nakamiss ng episode. Yes I have classes, pero nagkataong wala akong pasok ng 30. At nalate ako nung February 1! 11:30 dapat ako umaalis pero nanuod muna ako nito. HAHA! :) At ang mga namiss ko, pinapanuod ko sa internet.

Sa totoo lang, ang kailangan lang iimprove ng palabas na to ay ang timeslot. Sa totoo lang deserve nito yung timeslot ng Maria La Del Barrio, or better yet Budoy! Napakaglossy! Basta Star Cinema may gawa, halatang pinaghandaan at hindi minadali. :)

Sana ituloy tuloy nitong soap na 'to ang kabonggahan niya. :) At sana di maapektuhan to ng ratings, kung mababa, as long as maganda, tuloy tuloy lang, wag sisibakin sa ere at madaliin ang pagtatapos. :))

--PIPAY'S REVIEW. February 9, 2011. 12:35 AM ♥

Wednesday, February 1, 2012

I ♥ Teleseryes Forever and Ever.

Oo. Forever fan at addict na ako ng teleseryes. Wala nang makakabago non.

Sino ba namang hindi matutulad sa akin na simula pagkapanganak ko, Mara Clara na ang bumungad sa akin. Yan ang Ina ng Pinoy Soap Opera diba?! :) At nasundan pa yan ng Mula Sa Puso at Esperanza! HAHA! :))

Laking Teleserye kasi ako. Pero 2009 nang talagang maadik ako sa mga teleserye na as in nagresearch ako and all, plus the following year until now ako nagstart ng collectibles. Although nangongolekta na naman talaga ako kahit before, 2010 talaga naging committed ako. :)

May iba kasi na jinujudge na ang character ko at naiinis na saken dahil sa pagiging addicted ko sa mga teleserye. Well ang masasabi ko lang naman sa kanila, hindi naman ako ang nag-iisang addict sa mundo. Buti nga sa teleserye lang ako naaddict at hindi sa kung ano anong mga bagay. Lahat naman ng tao may kinakaadikan. Nagkataon lang na nabunot ng anghel ko sa langit eh mga teleserye. Diba? :)

Basta ako, ipagpapatuloy ko lang kung ano ang nasimulan ko. Yun na ang nakasanayan ko at for 16 years, nabuhay ako ng may mga teleserye sa paligid ko. Maybe I was raised up this way. And nobody can question how I was brought up. Haha. :)

Maybe I became so obsessed with my addiction that others think that sobra na. Alam ko naman na minsan sobra na ako, kasi sobrang naimpluwensyahan na ako ng mga napapanuod ko. Mga linya nila, mga tawa nila, pang araw-araw ko nang gamit. Haha. At ngayon, pati pangarap ko. 2009 nang maaddict ako at mapagdesisyunan kong mag Mass Communication. Pero come to think of it, kung hindi ako naaddict dito, siguro hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Baka ibang lugar ang nilakaran ko and I am not happy. At least now, with what I am doing, I am happy. :)

At the end of the day, yun pa din naman yun eh, kung masaya ba ako sa ginagawa ko hindi ba. Wala nang pakialam ang ibang tao kung hindi ako masaya o gaano ako kasaya na ako ay nahuhumaling sa panunuod ng teleserye. Sabihin ng selfish but still, you have the last say with all your decisions. At desisyon kong maging masaya, mag-enjoy sa teleserye, at matupad ang pangarap ko. :)

Ang masasabi ko lang, yung teleseryeng tutukan ko sana na ALTA eh nashelved. :( Pero manuod pa din kayo ng Mundo Man Ay Magunaw at 11:30 am, Angelito at 3:15 pm, Kung Aagawin Mo Ang Langit at 4:15 pm, Lumayo Ka Man Sa Akin at 5:00 pm, Maria La Del Barrio at 5:45 pm, at ang sunod sunod  at magkakatapat na E-boy, Munting Heredera, Legacy, Glamorosa, Budoy at Walang Hanggan. :)

Basta if you have any queries about soap operas, I am so much ready to answer. Hahaha! :)

And as for my final say, I STILL, I WILL ALWAYS, AND I LOVE TELESERYES FOREVER AND EVER. :')

-->PIPAY♥ 2/1/12
Chapter 2 of 12 (Pilot).
Page 32 of 366.
"LOVE FOR TELESERYES"

Thursday, January 12, 2012

Bad Vibes.

Sheez. 2012 is not really my year. I don't know why I am given all of these shits.

Sabi ko 2012 magbabago na ko. :'( well i am doing it. Kaso I just believe that We Cannot Really Please Everybody. Hindi naman natin choice na di sila maplease eh, choice nila na hindi maplease sa mga ginagawa naten..

Ako, ang ayoko lang binabadmouth at binabackstab ako. And OO ngayon I am actually being honest. Plastic ako. That's how people see it eh. But ako I believe that it's not being PLASTIC. I am just playing safe. Kasi ang issue daw I hide what I feel. Ako ayoko lang naman ng gulo, ng away. Ayoko ng may nagagalit sa akin. Kasi hindi ka makatulog ng maayos kung may kaaway ka. But I believe naman na it's not my choice if they don't like me right.

At ayoko din sa lahat na ginagawang issue yung leadership ko. Last Saturday kasi I got mad and someone made an issue ata. Nagreklamo on why do I need to get mad. Oh WTF. Nabastos ako. They kept on ranting about something and yet I'll keep my mouth shut? Wala na ba akong karapatang mairita? That is so bullshit.

Basta ako what I learned is that hindi totoo yung porket ayaw sayo nung tao meaning Insecure sayo. Maybe may kailangan ka talagang baguhin sa ugali mo. Kaya please enough reasoning out that You are hated because they are insecure with you? HA? ARE YOU CRAZY?! Ako i realized din talaga na may kailangan akong baguhin but always remember that CHANGE IS NOT DONE OVERNIGHT? Okay? Kung naaapura kayo sa pagbabago ng isang tao, you have no right because hindi naman ikaw ang nahihirapan.

Anyway, I just want to release my anger. I have nothing against dun sa nagsabi ng plastic ako. At least alam ko na yung mali ko. But the one who questioned my leadership. WTF diba. :(

Anyway, eto, keri lang to. Faith lang kay God, masosolve ko to!

WHOO!

--PIPAY. 10:43PM, 1/12/12
Chapter 1 of 12
Page 12 of 366
"BAD VIBES"

Thursday, December 22, 2011

Countdown to 2012 Part 1: My New Year's Resolutions :)

The year 2011 is bound to end 9 days from now and I realized I had lots and lots of failures this year. That's why this 2012 I have a lot of resolutions to make up for my failures.

Well every year, I think that every person in the world has his/her own resolutions. And it's supposed to be kept. HAHA! :)) Well, every year I have mine, and unfortunately, it's too hard to really resolve everything, most especially if you are used of doing the things you need to change.

Now I am giving you the list of my resolutions. :))

1. EATING HABITS. Itigil na ang pagkain ng baboy at iimprove ang pagkain ng gulay at prutas. This year was really damnshit for me. I experienced a lot of aching-churvanesses most especially in thee stomach, and I am not sure I might have colon cancer. But just to make sure if ever I don't have, I will start eating healthy foods more often that the usual. :)

2. STUDIES. Iimprove ang grades, dalasan ang pag-aaral, magrecite sa Rizal. This year was a good start for my studies. I improved a lot on the last quarter of my 4th year high school and got high grades, I think (except for Physics as always) And I really prioritized my studies when I entered College (top priority!!). But I don't think my efforts aren't good enough, most especially this semester. I focused more on my org. Well next year, I need to balance everything, TV addiction, Tanghalang St. Paul and Studies. I will now make sure that I have read our lesson for Rizal so I can recite. :)

3. FRIENDS. Matutong mamili ng kakaibiganin, wag masyadong friendly, at i-maintain ang relationship sa dating friends. Itigil ang pangbabackstab. This year was also a challenging role for me and my friends and ---- friends. In Girlfriends, I had a problem with Cher. HAHA! But that was so okay now. :) And for the others, well, me, I trust so much easily, not knowing the real attitude of bitches around, so lesson learned, do not trust or befriend others whom you did not know very well yet. :))

4. BITCHY-NESS. Tigilan na ang pagpaparinig. Wag masyadong mataray at matutong lumugar. Wag na din pala-sagot sa nakakatanda. I also had a lot of problems regarding my "parinigs" and all. SO from now on, I promise and I swear not to bring up small things and if ever I will do that, maybe because of a very very big reason or whatever. :))

5. FINANCIAL ISSUES. Wag masyadong magastos. Matutong magtipid at magbudget. Bilhin lang ang kinakailangan. Mag-ipon kung may gustong bilhin at wag padalos dalos sa pagbili. Itago lahat ng resibo at computin. Wag nang papayag na nagogoyo sa pamasahe at wag hayaang kahit piso ay mawala. Every coin counts. From now on, I will be very keen on the things I will buy. This year was the hardest for me since I don't make "kupit" anymore which is good. I rely on my allowance. So I always ran out of budget in times of need. So I should be more thrifty now. I should not indulge myself on food. I should indulge myself on savings. I should eat outside maybe thrice a month, and go malling twice a month or just for a very important reason.

6. HYGIENE. Wag tatamarin mag hilamos! That's my only problem. I feel so lazy washing my face, and now I'm having pimples and it's not good! So I should be more keen on my face. :))

7. OBSESSION-COMPULSION. Maging OC sa lahat ng bagay, kailangan maayos ang gamit, at systematic sa lahat ng desisyon at gagawin. I am always unorganized, whether in my things or in my tasks. So now I need a planner and I should be organized with my things!

8.. RELATIONSHIP WITH GOD. Dalasan ang pagsisimba. Ibalik ang habit ng pagdaan sa Prayer Room sa school. Magdasal ng rosaryo, magdasal pagkagising, at magdasal bago kumain. I had a closer relationship with God this year but sometime in October, I think I stayed away from him again. So this year, I really want to bring back that closeness. :)

Those are my top 8 resolutions. I still have to think of other things. I have minor resolutions but these things are given priority. I hope my friends would help me doing these things and I hope that I could accomplish this!

-->♥PIPAY 12/22/11 at 1:01 AM


Sunday, December 18, 2011

College Life. :)

Ngayon ko lang naisipan na magblog about my college life kahit alam naman ng lahat na Second Semester na. Kasi iniipon ko talaga ang memories ko. HAHA! :))

College Life I think is really one of the hardest stages in life, pero you need to undergo this stage para ma-achieve ang goals mo. In my case, I really had a hard time adjusting and all. I thought I am done with that stage, pero til now, nangangapa pa ako. >:)

College Life thought me a lot of things. Una na diyan yung pagcocommute. Everybody knows that I really don't commute alone. Eh hello, I'm living in Las Piñas and my school simula Grade School hanggang High School is at UPHSD, napakalapit. Pero ngayon, St. Paul University Manila, sa Pedro Gil pa! Nung una, lagi ako may kasabay kasi patanga tanga talaga ako sa mga ganyan, mga halos 2 months yun. Pero ngayon, kaya ko na magtravel mag-isa, and natuto akong magback ride sa tricycle! (Di na pwede ang Special Trip at antay antay ngayon!) Natuto din ako mag LRT! Ngayong nga nakakarating pako ng World Trade Center. HAHA! :) Mahirap lang talaga magtravel pag umuulan or baha.

Sa totoo lang, yun lang naman talaga yung hirap na hirap ako eh. Sa ibang bagay naman madali akong mag-adjust. That's what I like about myself. I can easily adapt things. :)) HAHA.

Ang pinaka natutunan ko lang sa College Life ko sa ngayon bukod sa focus na talaga sa pag-aaral (which is true, my number 1 priority now is my studies, no more love life, little TV and net :D) ay BAWAL ang MAARTE. As in. Kahit sabihin mong may kotse ka, pano pag nasira yan diba. Or hatid sundo ka, magsasawa din parents mo niyan. At totoo talaga yung sabi ng parents ko, na pag College ka, wala kang ibang aasahan kundi sarili mo. You should not rely on others, regardless if these are material things or other people.

Kaya ngayon, isa sa New Year's Resolution ko ang pagtigil na sa kaartihan at masanay sa totoong buhay, we should always get out of our comfort zone and do the things we are not used of doing dahil Life is really not exciting without hardships and challenges! :))

-->PIPAY♥ 12/18/11 11:18PM

Tuesday, November 1, 2011

Gone are the good days.

Last day na ng puyatan. November 2 bukas, kailangan matulog ng maaga kahit 10:30 pa pasok. Palagay ko mahihirapan akong mag-adjust sa schedule ko. Yung paggising ng maaga, madali na lang yan. Pero yung 10:30 pasok ko, HAHAHA! :D well, 8:00 naman na ako gigising, tapos mga 9:15 siguro ako aalis. :)) HAHA.

Subjects ko sa Thursday: Logic, Rizal, IT and Math. 5:30 uwian. Di ko na mapapanuod Pahiram ng Isang Ina, Ikaw Lang Ang Mamahalin, My Fair Lady, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Pinoy Big Brother Unlimited: The Audition Stories, REPUTASYON and Maria La Del Barrio. Idamay na natin ang Nasaan Ka Elisa, Pinoy Big Brother Unlimited at Bandila. Pinaka affected ako sa Reputasyon, sobrang favorite ko na siya eh, napakaganda ng story, deserve nga niya primetime slot eh! :)

Anyway, talagang Gone are the Good Days dahil ayoko na maging bara-bara lang ang performance ko ngayong Second Semester. Pumangit ng konti grades ko ng Fianls ng First Sem though tumaas. Nakulangan ako, kaya ngayon dapat talagang galingan ko na. :) ABMC na ako, di na ako CFP. :)

Mamimiss ko magblog ng ganitong oras, mamimiss ko maginternet habang nanunuod ng Nasaan ka, Elisa, Pure Love/PBB and Bandila. I need to devote my time studying. Di nga rin ako makapaniwala na talagang sobrang top priority ko na ang pag-aaral, which is dapat naman talaga. Yang love? Di naman ako papakainin niyan, nakakapaghintay naman yan,  at ang masaklap pa, wala naman din ako makita! HAHA! Ang TV, kahit papano, importante pa din yan, pangarap ko magtrabaho diyan eh.

By the way, isa pang ipprioritize ko ay ang pagsusulat. Kailangan ko man lang makatapos ng kahit isa this year. Either Teleplay or Romance Novel. At next year, kailangan malista ko na yan sa aking list. :) Speaking of list, gagawa na ako ng Christmas Wish List! HAHAHA! =))

Sana maurong ang pasukan, para malubos lubos ko. HAHA. :D

Anyway, Good night followers, readers, at sa mga simpleng napadaan lang. Walang heartbreak ngayon kaya magpakahappy tayong lahat! :)

-->JIMPY♥ 11/1/11 11:38 PM.

Saturday, October 15, 2011

CHANGE is PERMANENT in this WORLD.

Change is one big thing the world couldn't live without. Change, if we're talking about the nation, is somewhat positive, because there would be developments. But then, as people, change is contrasting. There would be changes that may be for the better, or for the worse.

Most people think that when somebody changes, it's not good. For example, a friend who used to be a down-to-earth, very soft-spoken and very reserved became so noisy, irritating and boastful. That's how most people see it. But then we cannot only blame that person. His surroundings can be a factor to his sudden change, it might be the strangers around him, or worse, his friends.

But then, change depends on the person himself. It's up to him if he will adapt whatever surrounds him, or if he will be brought up by what we call "Peer Pressure". Unfortunately, most people change by this, it's either they don't want to be left alone, or worse, he just wants to be in the trend (magtwitter na lang para trending topic!).

Change is always present in our lives. So always expect it. Because you'll just be disappointed if you're clueless about it. Me, I am already expecting changes, within me, within my surroundings, and within my friends. Good thing my peers are NOT YET CHANGING! :) Or they did na? Not yet sure 'bout that! But I know, they haven't, and I hope they won't. :) Most especially my GIRLFRIENDS. They're still the people I knew from the start. We still do silly things like the "laway-laway thing" or we still get silly in public, like taking pictures around the mall without any disgust or embarrassment, we still shout on the top of our lungs! And that's what I live about them! :))

To my GIRLFRIENDS: Subukan nyong magbago, sasapakin ko kayo. Wag nating kakalimutan that hindi tayo mabubuo if not because of our Craziness! :)) I love you.

Piece of Advice: Always expect changes in this world. Because CHANGE is PERMANENT in this WORLD.

-->JIMPY ♥ 10/15/11

Saturday, September 10, 2011

Magsisimula na ang Paghahanap...

Marami na ang naghahanap sa kanya...

Sinesearch sa iba't ibang networking sites at online forums...

Hinahanap ng buong sambayanan...

Malapit nang magsimula ang paghahanap...


Nasaan Ka, Elisa? Ngayong Lunes Na. Pagkatapos ng My Binondo Girl.