Showing posts with label Annaliza. Show all posts
Showing posts with label Annaliza. Show all posts

Thursday, January 9, 2014

Dream Ko: Finally

Finally. Finally. Finally.

January 3, 2013 - Finally, dumating na ang petsang ito sa buhay ko. Wala naman ako masyadong niloo-look forward sa araw na ito, until ma-confirm na magkakaroon ng Digsters' Get-Together.

Pero bago at after non. May mga iba pa palang paraan para masabi ko ang finally.

Una, finally ay nagkita na kami in person ng isa sa mga favorite writers ko. At headwriter siya ng favorite show ko ngayong Annaliza. Yun ay walang iba kundi si Miss Carmela Lipa Abayagar. :)


Tuesday, December 31, 2013

Teleserye Throwback: 13 Drama Shows that Made my 2013

So siyempre bilang medyo entertainment blog tayo, wag nating kakalimutan ang mga show na tumatak sa atin ngayong 2013. And this is my own only ha. Kasi baka magreklamo kayo bat wala yung gusto niyong show. Hahaha. Own opinion ito. And galing ito sa 4 networks: ABS-CBN, GMA, TV5 and Fox Filipino.

Anyway, kahit tumatak ang PHR: Paraiso, Ina Kapatid Anak, Kahit Puso'y Masugatan at Be Careful With My Heart sa akin ay hindi ko sila isinali sa listahan dahil nagpremiere sila ng 2012. :D

Tara, simulan na natin ito. :)) Simulan natin sa 13 para may bitin. Hahaha. :D

13. Bakekang (Fox Filipino) - ineere uli ang Bakekang sa Fox at 8PM. Sayang at di ko napanuod ang original run nito pero bongga pala talaga ito. Ang saya saya ng tarayang Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, ang baguhan then na si Lovi Poe, si Yasmien Kurdi and Nadine Samonte at ang showbiz millieu. Binuhay nito ang dugo ko weeknights kaya di ko pa rin masyado masubaybayan si Honesto at nalelate ako sa gaps ng Got to Believe. Haha.


12. Forever (GMA) - ang story ng walang hanggang pag-ibig with magic. Super na-inlove ako sa story nito at kinilabutan ako sa ending. Ang galing ni Heart Evangelista dito. Sayang lang fat si Geoff Eigenmann dito pero ang saya makita uli ang love team nila kasi favorite ko talaga ang tambalan nila e. Hehe. :) And exciting rin ang story, moving siya. One of the bests sa hapon. :)



I Share: 13 Highlights of 2013

Ayan, eto ang lagi kong ginagawa every year sa aking blog, ang aking year-ender post. Pero ang kaibahan nito sa mga ibang blog, I just choose kung ano ang mga tumatak talaga sa taon. And kung last year, 12 Best Memories of 2012 ang title, ngayon naman ay 13 HIGHLIGHTS OF 2013.

Ang difference nito sa ibang year-ender post ko, collective yung ibang memories ko the past two years pero eto talaga, events or series of events sa buhay ko dahil masyado talagang maraming nangyari sa taon ko, kaya naman huwag na nating pahabain ang mga ganap at simulan na natin ang run-down. from 13 to 1 eto ha. Para mas may excitement!

13. ISANG LINGGONG PILIPINAS - Ang isa sa nagpastress sa umpisa ng taon! Enero palang binubuo na ang show...ehem final exam na yan. At stressful siya at the same time masaya. Anyway, ILP is actually a news program parody or whatever that is called for our final examination in our Introduction to Broadcast Journalism class. We actually taped an almost-real news program kaya medyo hassle pero masaya siya kasi ang dami naming natutunan. Plus we were able to garner awards sa Awarding. Kaya masaya. Anyway, here is the fruit of our labor (that is, together with my Team Quarter 8). Go watch this video. :))

Unfortunately when I checked it sa Youtube, na-block na ang aming news program. Ewan ko kung bakit. Chenelyn Eklat sila! Hahaha. :)) So pictures na lang. :D Anyway, I was the headwriter and the entertainment news anchor. And dito ko lang masasabi na Thank you sa groupmates ko dahil napakatiyaga nila at the same time, mga happy moments namin, lalo na yung "Since 1994..." ni Krissa pag nagdadasal kami na talagang lahat napahinto at natawa. Haha. :))





Monday, December 23, 2013

MassComm Adventures: Annaliza Set Visit

At dahil nga hindi ako pinalad na makabunot sa Drama/Sitcom group, inampon...well actually nagpa-ampon ako sa group na nakabunot non! Haha! :) At ayon nga, sa pinakapaboritong teleserye ko ngayong taon kami nakapag-set visit. Thank God na lang na na-meet ko na ang Annaliza director na si Direk Ted Boborol (remember my blogpost sa first week ng season two? :D) and na-contact ko siya para makabisita kami for TV Prod requirement. :)

Anyway, nag-manifest na naman dito yung madalas nagaganap saken pag may nangyayaring maganda. Yung may sakit muna ako. Hahaha, a night before this kasi nakakaexperience ako ng usual sakit ko sa tiyan na hindi ko na sasabihin dahil too much information na. Hahaha. Pero siyempre, di yun nakahadlang para di ako matuloy noh! Excuse me. Hahaha! So natuloy ako. The taping was somewhere in Fairview. Thanks to the Executive Producer of the show Miss Kat Juban for helping us na makapasok. :)

So eto na yung mga preliminaries. Miss Tin (one of the Prod Assistants) toured us around the set. Dun kami sa bahay nila Annaliza nagpunta. Ang sequences na nakatakdang i-tape ay ang sabunutan nila Arlene at Annaliza with Stella na in-air two Wednesdays ago yata. :) So anyway, eto ang mansion nila Annaliza. :)




Monday, November 4, 2013

I Share: Anong nangyari sa sembreak mo?


October has been always a much-awaited month for students bukod sa December at ang pinakaexciting na March, most especially College Students, dahil ito na ang matagal na pahinga nila from the stressful school works they (or rather WE) had gone through. At ito ang pinaka inaabangang Semestral Break.

Most of the time, a typical student just stays at home, surfs the net, watches TV, pigs out and sleeps all day. Yun ang definition ng pahinga. Kahit ako, ang sarap sarap sa bahay (except matulog - kasi yun talaga ang never kong ginawa buong bakasyon, ni medyo kulang pa nga, although binawi ko naman dahil wala nang tulog last sem. Haha.). Nung first few days/nights nga ng bakasyon ko, nag-reminisce pa ako sa FB ng mga kagagahan ko nung High School. Hahaha.

Pero kahit gaano kasarap sa bahay, kahit gaano ko gustong i-catch up ang Galema, TGiS at Annaliza dahil minsan di ko na napapanuod dahil sa maagang timeslot, hindi ko pa rin mapigilang umalis ng bahay at magpunta kung saan saan. Lalo na kung mga tipong once-in-a-lifetime lang o kaya involved ang media. Haha.

Unang leg ng gala ko was really a productive and really one of a kind. Natupad ang mga pangarap ko. That was October 19, 2013. Shinare ko na yan sa Dream Ko last week. Haha. Kung ikekwento ko pa paulit ulit na kaya idaan sa picture. :D


Nagpa-autograph kay Miss Noreen Capili, na-meet si ultimate celebrity crush Diego Loyzaga, and nakausap and medyo nakipagbond with Annaliza Prod. Bongga diba? Haha. Salamat naman kay Abby Beato for joining me. Hehe. :)

Monday, October 28, 2013

Dream Ko: One Lucky Day


Nagbababalik ang  segment na ito ng Jimpy Loves TV and Life Too na isang beses lang nagamit sa Season One. And witness here how can one exciting day be a super lucky one. :))

October 19, 2013.

Ito na siguro ang pinakapaborito kong araw sa tana ng buhay ko - except of course sa birthday ko which will forever remain my favorite.

Nang nagsabog ata si Lord ng swerte, nasalo kong lahat. Paano ba naman, halos lahat ata ng pangarap ko, natupad.  Halos lahat ng ginusto ko, nangyari. This day seemed so fine, so okay, so great, so awesome.