Showing posts with label Anna Karenina. Show all posts
Showing posts with label Anna Karenina. Show all posts

Tuesday, December 31, 2013

Teleserye Throwback: 13 Drama Shows that Made my 2013

So siyempre bilang medyo entertainment blog tayo, wag nating kakalimutan ang mga show na tumatak sa atin ngayong 2013. And this is my own only ha. Kasi baka magreklamo kayo bat wala yung gusto niyong show. Hahaha. Own opinion ito. And galing ito sa 4 networks: ABS-CBN, GMA, TV5 and Fox Filipino.

Anyway, kahit tumatak ang PHR: Paraiso, Ina Kapatid Anak, Kahit Puso'y Masugatan at Be Careful With My Heart sa akin ay hindi ko sila isinali sa listahan dahil nagpremiere sila ng 2012. :D

Tara, simulan na natin ito. :)) Simulan natin sa 13 para may bitin. Hahaha. :D

13. Bakekang (Fox Filipino) - ineere uli ang Bakekang sa Fox at 8PM. Sayang at di ko napanuod ang original run nito pero bongga pala talaga ito. Ang saya saya ng tarayang Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, ang baguhan then na si Lovi Poe, si Yasmien Kurdi and Nadine Samonte at ang showbiz millieu. Binuhay nito ang dugo ko weeknights kaya di ko pa rin masyado masubaybayan si Honesto at nalelate ako sa gaps ng Got to Believe. Haha.


12. Forever (GMA) - ang story ng walang hanggang pag-ibig with magic. Super na-inlove ako sa story nito at kinilabutan ako sa ending. Ang galing ni Heart Evangelista dito. Sayang lang fat si Geoff Eigenmann dito pero ang saya makita uli ang love team nila kasi favorite ko talaga ang tambalan nila e. Hehe. :) And exciting rin ang story, moving siya. One of the bests sa hapon. :)



Sunday, July 21, 2013

Jimpy Loves TV Specials: My Love For Teleseryes

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang entry na ito.

Unang una, nagugutom na ako.

Pangalawa, hindi ako ready na ito ang ibo-blog ko. Haha.

Pero marami nang nagtatanong sakin, bakit nga daw ba sobrang adik ko sa TV? Paano nangyari, nagsimula, eklabers cheverlu...

Kahit ang headwriter ng Apoy sa Dagat na si Sir Arden Rod Condez, naitanong na yan. Haha. :)

So paano nga ba?

Sige na nga. Sasabihin ko na. Hinahabaan ko lang talaga e. :)

Pero I swear, this entry is like a 60 Year of Philippine TV entry. Hehe. :)

My Collection and I. :)
 OKAY. Pinanganak kasi ako, 1995. Noong 1996, or one year old pa lang ako, tandang tanda ko na pinapanuod dito sa bahay, MariMar. Ang eksena pa noon, nasusunog ang bahay ng Lolo't Lola ni MariMar. Yun na lang naaalala ko, pero vivid pa sakin kung ano ang nangyayari. :) Meron ding one time na Mara Clara ang palabas, pero ang naaalala ko na lang, logo. Then dumating ang Esperanza. Ang pinaka-vivid pa sa akin na memory diyan, yung namatay ang character ni Angelika dela Cruz. Binaril siya ni Carmina Villaroel, or nabangga ata yung kotse nila. :) 1999 naman nung natapos ang Mula sa Puso, at naaalala ko pa kung paano sumabog ang kotse ni Selina. Tapos ang super nasubaybayan ko talagang tanda tanda ko, Saan Ka Man Naroroon. Nilalaro ko pa ito sa Barbie, yung mga nahuhulog sila sa bangin! Haha! Sa Labs Ko Si Babe kasi, si Carmi Martin na lang naaalala ko na umaakyat ng hagdan na may benda sa ulo. Tapos si Edu Manzano naman, sinave si Zsa-Zsa Padilla dahil masasagasaan siya. (Speaking of, biglang tumugtog ang theme song ng Villa Quintana habang tina-type ko to, sayang di ko napanood yan!) Isama pala natin ang Anna Karenina na ang naalala ko, medyo madami, pero the best yung tumalon si Ruth (Maritoni Fernandez) sa building, nagpakamatay siya, tas labas yung brains niya, KALOKA! :) I can also remember the logo of TGiS flashing on my screen. Haha. Click na kasi at G-Mik ang nasubaybayan ko. Pero I used to watch Gimik and Coney Reyes on Camera back to back noon. Tapos nasundan pa ng Ang Munting Paraiso - inaabangan ko yan every Saturday!

Saturday, June 15, 2013

We Review: Anna KareNina's First 2 Weeks


This 2013, GMA decided to remake one of its longest running soap operas na ipinalabas mula noong 1996-2002, ang Anna Karenina.


Sa original nito, ang gumanap na Anna ay si Antoinette Taus, Karen ay si Sunshine Dizon, at Nina ay si Kim delos Santos. If we can remember, they were 3 of the hottest teen stars of their generation. Sa remake, 3 sa pinakamainit na tween stars ng GMA ang gaganap sa mga roles nina Anna, Karen at Nina. Ang gumaganap ngayon na Anna ay ang isa sa mga unang child stars ng GMA na si Krystal Reyes habang ang Karen naman ay ang tween queen na si Barbie Forteza at ang Nina ay ang primera kontrabidang tween na si Joyce Ching. Habang si Yasmien Kurdi naman ang gumanap na Maggie na unang ginampanan ni Pinky Amador, at si Valerie Concepcion sa role ni Maritoni Fernandez na si Ruth.

Ang 1996 version ay idinerehe ng magaling na direktor na si Direk Gil Tejada, Jr. habang ang bagong version ay si Direk Gina Alajar, as her first primetime project as a director. Ang headwriter naman nito ay si RJ Nuevas na siyang headwriter rin ng 1996 version (kaya ang nasa title ay RJ Nuevas' Anna KareNina dahil siya ang gumawa talaga nito.)

So sabi ko nga, review ang gagawin natin for the first 2 weeks (bilang late ang review ko kaya sinagad ko na) kaya ito ang synopsis pero sho-shortcutin ko na lang. Hehe. :)