Showing posts with label Maria Mercedes. Show all posts
Showing posts with label Maria Mercedes. Show all posts

Monday, February 17, 2014

Finale Tribute: Maria Mercedes

Noong January 24, nagtapos na ang isa sa mga inabangang at kahuli-hulihang remake ng Thalia Mexican-seryes, ang Maria Mercedes. It had a 16-week run na nagsimula noong October 7, 2013 sa third slot ng Primetime Bida. Ito ang unang solo ni Jessy Mendiola sa primetime after ng success ng afternoon solo soap niyang Sabel na sinundan ng primetime advocacy-serye na Budoy at steamy romantic soap na Paraiso.


Balikan lang natin na ang kuwento ng Maria Mercedes ay tungkol sa isang magandang babaeng si Mercedes na gagawin ang lahat maitaguyod lang ang kanyang pamilya matapos iwanan ng kanyang ina at mamatayan ng ama. She will be torn between three men - si Clavio - ang kanyang kababata, si Santiago - ang tutulong sa kanyang maka-ahon sa buhay, at si Luis - ang kanyang tunay na minamahal. Isama pa rito ang conflicts between Luis' mother Malvina, Luis' ex-girflriend - Misty, her sister Rosario and the comeback of her mother - Magnolia.

Tuesday, December 31, 2013

Teleserye Throwback: 13 Drama Shows that Made my 2013

So siyempre bilang medyo entertainment blog tayo, wag nating kakalimutan ang mga show na tumatak sa atin ngayong 2013. And this is my own only ha. Kasi baka magreklamo kayo bat wala yung gusto niyong show. Hahaha. Own opinion ito. And galing ito sa 4 networks: ABS-CBN, GMA, TV5 and Fox Filipino.

Anyway, kahit tumatak ang PHR: Paraiso, Ina Kapatid Anak, Kahit Puso'y Masugatan at Be Careful With My Heart sa akin ay hindi ko sila isinali sa listahan dahil nagpremiere sila ng 2012. :D

Tara, simulan na natin ito. :)) Simulan natin sa 13 para may bitin. Hahaha. :D

13. Bakekang (Fox Filipino) - ineere uli ang Bakekang sa Fox at 8PM. Sayang at di ko napanuod ang original run nito pero bongga pala talaga ito. Ang saya saya ng tarayang Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, ang baguhan then na si Lovi Poe, si Yasmien Kurdi and Nadine Samonte at ang showbiz millieu. Binuhay nito ang dugo ko weeknights kaya di ko pa rin masyado masubaybayan si Honesto at nalelate ako sa gaps ng Got to Believe. Haha.


12. Forever (GMA) - ang story ng walang hanggang pag-ibig with magic. Super na-inlove ako sa story nito at kinilabutan ako sa ending. Ang galing ni Heart Evangelista dito. Sayang lang fat si Geoff Eigenmann dito pero ang saya makita uli ang love team nila kasi favorite ko talaga ang tambalan nila e. Hehe. :) And exciting rin ang story, moving siya. One of the bests sa hapon. :)



Monday, December 23, 2013

Dream Ko: Jimpy Anarcon meets Miss Vivian Velez

ERMEHGEEEEEEEERD.

As in Ermehgeeeeeeeeeerd.

Hahahaha. Mapang-asar.

Pero seriously, OMG. Natupad ang marami sa mga wish ko last month, November 11, 2013 to be exact. :)

First wish, naka-attend ako ng premiere night for the first time ng isang movie.
Second, first time ko ring nakanuod ng indie film, as far as I remember. Hihi.
Third, nakarating ako ng Makati mag-isa. Pero hindi sa mismong mall ha! Haha. Thanks to my friend, Mart, di ako naligaw ligaw at nakauwi ako ng buhay. Haha. TEKA BAKIT PAG-UWI NA AGAD WALA PANG CLIMAX! Hahaha! :)
And Fourth...

Na-meet ko ang isa sa mga pinakamagagaling at pinaka respetadong actress on Philippine TV and Movies, and isa sa mga magagaling na kontrabida ngayon, si Miss Vivian Velez. :) Yes, siya na nga. Si Malvina Sancuevas ng Maria Mercedes. :)

Miss Vivian Velez was an actress wayback mga 80s or 90s ata, haha. Not sure. Pero ang alam ko, she was the original lead star of Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (na niremake sa 7 noong 2009 starring Marian Rivera and Dingdong Dantes), then she starred noong 1996 (yata) in a soap opera on GMA entitled Rio Del Mar produced by TAPE Inc. I actually wished I was able to watch that show kasi based sa nabasa ko, ang ganda ng premise niya. And I think that was the last appearance of Miss VV before she left showbiz.

Monday, October 21, 2013

We Review: Maria Mercedes


Noong nakaraang October 7, nagsimula nang umere ang isa sa mga inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes. Ito ay pinagbibidahan ni Jessy Mendiola (in the title role as Maria Mercedes) kasama ang kanyang dalawang leading man na sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Kasama rin rito sina Nikki Gil, Ariel Rivera, Vina Morales and her comeback sa ABS-CBN, Miss Vivian Velez.Ito ay sa direksiyon nina Rechie del Carmen, Ricky Rivero and master director Chito S. Rono.

Maria Mercedes Title Card
Nagsimula ang kuwento ng Maria Mercedes nang ipakita ang mahirap pero mapagmahal na pamilya ni Mercedes. Meron siyang 3 kapatid - si Guillermo (Marx Topacio), si Rosario (Devon Seron) at si Andres (Yogo Singh), at ang kanyang mga magulang na sina Magnolia (Vina Morales) at Manuel (Dominic Ochoa). Subalit isang trahedya ang magaganap, masasagasaan si Andres at kakailanganin nila ng malaking pera. Kaya naman magpapakagat si Magnolia sa isang mayamang lalaki. Mauulit ito, at mahuhuli siya ni Mercedes at ni Manuel. Kaya iniwanan ni Magnolia ang pamilya. Makukulong naman si Guillermo dahil may mapapatay siya ng hindi sinasadya.