Showing posts with label ABS-CBN 60 Years. Show all posts
Showing posts with label ABS-CBN 60 Years. Show all posts

Monday, November 4, 2013

We Review: Honesto


Last week, nag-umpisa na ang isa sa mga biglaan pero inaabangang teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Television (DTE/JRB Drama Unit) na Honesto. Ito ay pinangungunahan nina Paulo Avelino, Joel Torre, Janice de Belen, Nonie Buencamino, Angel Aquino, Maricar Reyes, Spanky Manikan, Melissa Ricks, Joseph Marco at Eddie Garcia. Ipinakikilala rin si Raikko Mateo bilang si Honesto. Ito ay sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor.


Monday, October 21, 2013

We Review: Galema: Anak Ni Zuma


Naipalabas na rin sa wakas ang much-awaited teleserye na Galema: Anak Ni Zuma sa Kapamilya Gold noong September 30. Noong 2010 pa kasi rumored na next project ito ni Andi Eigenmann after Agua Bendita pero hindi natuloy-tuloy. :) And finally, ito na siya. :) Kasama rin ni Andi ang kabalik-tamabalan niyang si Matteo Guidicelli, nagbabalik-kapamilyang Miss Sheryl Cruz, Carlos Morales, Lito Legaspi, Meg Imperial, Divina Valencia, Joey Paras and fresh from the success of Dugong Buhay, Sunshine Cruz. Ipinakilala rin sa teleseryeng ito si Derrick Hubalde na gumaganap bilang Zuma. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni master storyteller Direk Wenn V. Deramas.


Ang kuwento ng Galema ay tungkol sa isang babaeng ipinanganak na may nakadikit na magkakambal na ahas sa kanyang leeg. Ito ay dahil siya ang anak ni Zuma (Derrick Hubalde), isang isinumpang imortal na meron ding kambal na ahas sa kanyang leeg. Nabuo si Galema matapos gahasain ni Zuma si Galela (Sheryl Cruz), ang kapatid ni Isabel (Sunshine Cruz) na bumuhay kay Zuma dahil sa dugo nito. Mawawala sa katinuan si Galela at mamumuo sa kanya ang malaking galit kay Galema.

We Review: Maria Mercedes


Noong nakaraang October 7, nagsimula nang umere ang isa sa mga inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes. Ito ay pinagbibidahan ni Jessy Mendiola (in the title role as Maria Mercedes) kasama ang kanyang dalawang leading man na sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Kasama rin rito sina Nikki Gil, Ariel Rivera, Vina Morales and her comeback sa ABS-CBN, Miss Vivian Velez.Ito ay sa direksiyon nina Rechie del Carmen, Ricky Rivero and master director Chito S. Rono.

Maria Mercedes Title Card
Nagsimula ang kuwento ng Maria Mercedes nang ipakita ang mahirap pero mapagmahal na pamilya ni Mercedes. Meron siyang 3 kapatid - si Guillermo (Marx Topacio), si Rosario (Devon Seron) at si Andres (Yogo Singh), at ang kanyang mga magulang na sina Magnolia (Vina Morales) at Manuel (Dominic Ochoa). Subalit isang trahedya ang magaganap, masasagasaan si Andres at kakailanganin nila ng malaking pera. Kaya naman magpapakagat si Magnolia sa isang mayamang lalaki. Mauulit ito, at mahuhuli siya ni Mercedes at ni Manuel. Kaya iniwanan ni Magnolia ang pamilya. Makukulong naman si Guillermo dahil may mapapatay siya ng hindi sinasadya.

Sunday, September 8, 2013

We Review: Pilot Week of Bukas Na Lang Kita Mamahalin


Nagsimula na noong Lunes, September 2, 2013, ang isa sa pinakaabangang teleserye ng ABS-CBN na handled and produced by Prime Teleserye Unit "Dreamscape Entertainment" na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ito ay pinangungunahan nina Miss Dawn Zulueta at Gerald Anderson, kasama sina Cristine Reyes, Ton-ton Gutierrez, Miss Dina Bonnevie, Rayver Cruz and Diana Zubiri. Under the direction of Direk Jerome Pobocan (Mara Clara, Lorenzo's Time) and Direk Trina Dayrit (Guns and Roses, Walang Hanggan). Ito ay parte ng pagpapatuloy ng ika-60th anniversary ng ABS-CBN

Halos isang taon din ang hinintay para ma-ere ang proyektong ito. Matatandaang ang Diamond Star na si Miss Maricel Soriano talaga dapat ang gaganap sa role ng ina ni Gerald Anderson (that will serve as her comeback) but due to unfortunate circumstances, kailangan niyang iwanan ang project at si Miss Dawn Zulueta ang napiling magtake over sa role na naiwan.

Ang kuwento ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay umiikot sa mag-inang Zenaida (Dawn Zulueta) at Miguel (Gerald Anderson). Ipapakita nila dito ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak matapos maakusahan sa isang kasalanang hindi naman ang anak niya ang gumawa. Sa kuwento kasi, nakulong si Miguel after mapagbintangang nang-rape kay Carla (Diana Zubiri).

Sunday, August 11, 2013

Something New: ABS-CBN 60 Years of Philippine TV Station ID

Ngayong 2013, ating ipinagdiriwang ang 60th year ng ABS-CBN with their tagline na "60 Years of Philippine TV: Kwento Natin Ito". At last week nga sa ASAP 18, ni-launch ang bagong Station ID ng network. Pinakita ang mga naging remarkable na palabas ng ABS-CBN over the 60 Years it existed on TV. The song is entitled "Kwento Natin Ito" sung by mother-daughter tandem Zsa-Zsa Padilla and Zia Quizon with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Napakaganda ng pagkaka-kanta nila. In fact, naiyak ako while watching the Station ID kasi feeling ko, naging malaki akong part ng 60 Years of Philippine TV, kahit yung last 18 years man lang. (Obvious kaya sa blog ko.)

Anyway, nagiging wordy na masyado ang entry na ito. Heto na't panuorin natin ang Station ID. Pakinggan niyo rin ang kanta. Napakaganda. :)


Sunday, June 30, 2013

Something New: Ang bagong idolo niyo sa Primetime Bida!

Sa pagtatapos ng Apoy sa Dagat at Missing You this week, and in celebration of ABS-CBN's 60 Years, dalawang bigating teleserye ang handog sa inyo ngayong Hulyo na siguradong bago niyong iidolohin sa Primetime Bida along with Coco Martin and Judy Ann Santos! Sila ay sina Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga sari-sariling seryeng Muling Buksan ang Puso at Got to Believe!