Showing posts with label Vivian Velez. Show all posts
Showing posts with label Vivian Velez. Show all posts

Tuesday, December 31, 2013

I Share: 13 Highlights of 2013

Ayan, eto ang lagi kong ginagawa every year sa aking blog, ang aking year-ender post. Pero ang kaibahan nito sa mga ibang blog, I just choose kung ano ang mga tumatak talaga sa taon. And kung last year, 12 Best Memories of 2012 ang title, ngayon naman ay 13 HIGHLIGHTS OF 2013.

Ang difference nito sa ibang year-ender post ko, collective yung ibang memories ko the past two years pero eto talaga, events or series of events sa buhay ko dahil masyado talagang maraming nangyari sa taon ko, kaya naman huwag na nating pahabain ang mga ganap at simulan na natin ang run-down. from 13 to 1 eto ha. Para mas may excitement!

13. ISANG LINGGONG PILIPINAS - Ang isa sa nagpastress sa umpisa ng taon! Enero palang binubuo na ang show...ehem final exam na yan. At stressful siya at the same time masaya. Anyway, ILP is actually a news program parody or whatever that is called for our final examination in our Introduction to Broadcast Journalism class. We actually taped an almost-real news program kaya medyo hassle pero masaya siya kasi ang dami naming natutunan. Plus we were able to garner awards sa Awarding. Kaya masaya. Anyway, here is the fruit of our labor (that is, together with my Team Quarter 8). Go watch this video. :))

Unfortunately when I checked it sa Youtube, na-block na ang aming news program. Ewan ko kung bakit. Chenelyn Eklat sila! Hahaha. :)) So pictures na lang. :D Anyway, I was the headwriter and the entertainment news anchor. And dito ko lang masasabi na Thank you sa groupmates ko dahil napakatiyaga nila at the same time, mga happy moments namin, lalo na yung "Since 1994..." ni Krissa pag nagdadasal kami na talagang lahat napahinto at natawa. Haha. :))





Monday, December 23, 2013

Dream Ko: Jimpy Anarcon meets Miss Vivian Velez

ERMEHGEEEEEEEERD.

As in Ermehgeeeeeeeeeerd.

Hahahaha. Mapang-asar.

Pero seriously, OMG. Natupad ang marami sa mga wish ko last month, November 11, 2013 to be exact. :)

First wish, naka-attend ako ng premiere night for the first time ng isang movie.
Second, first time ko ring nakanuod ng indie film, as far as I remember. Hihi.
Third, nakarating ako ng Makati mag-isa. Pero hindi sa mismong mall ha! Haha. Thanks to my friend, Mart, di ako naligaw ligaw at nakauwi ako ng buhay. Haha. TEKA BAKIT PAG-UWI NA AGAD WALA PANG CLIMAX! Hahaha! :)
And Fourth...

Na-meet ko ang isa sa mga pinakamagagaling at pinaka respetadong actress on Philippine TV and Movies, and isa sa mga magagaling na kontrabida ngayon, si Miss Vivian Velez. :) Yes, siya na nga. Si Malvina Sancuevas ng Maria Mercedes. :)

Miss Vivian Velez was an actress wayback mga 80s or 90s ata, haha. Not sure. Pero ang alam ko, she was the original lead star of Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (na niremake sa 7 noong 2009 starring Marian Rivera and Dingdong Dantes), then she starred noong 1996 (yata) in a soap opera on GMA entitled Rio Del Mar produced by TAPE Inc. I actually wished I was able to watch that show kasi based sa nabasa ko, ang ganda ng premise niya. And I think that was the last appearance of Miss VV before she left showbiz.

Monday, October 21, 2013

We Review: Maria Mercedes


Noong nakaraang October 7, nagsimula nang umere ang isa sa mga inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes. Ito ay pinagbibidahan ni Jessy Mendiola (in the title role as Maria Mercedes) kasama ang kanyang dalawang leading man na sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Kasama rin rito sina Nikki Gil, Ariel Rivera, Vina Morales and her comeback sa ABS-CBN, Miss Vivian Velez.Ito ay sa direksiyon nina Rechie del Carmen, Ricky Rivero and master director Chito S. Rono.

Maria Mercedes Title Card
Nagsimula ang kuwento ng Maria Mercedes nang ipakita ang mahirap pero mapagmahal na pamilya ni Mercedes. Meron siyang 3 kapatid - si Guillermo (Marx Topacio), si Rosario (Devon Seron) at si Andres (Yogo Singh), at ang kanyang mga magulang na sina Magnolia (Vina Morales) at Manuel (Dominic Ochoa). Subalit isang trahedya ang magaganap, masasagasaan si Andres at kakailanganin nila ng malaking pera. Kaya naman magpapakagat si Magnolia sa isang mayamang lalaki. Mauulit ito, at mahuhuli siya ni Mercedes at ni Manuel. Kaya iniwanan ni Magnolia ang pamilya. Makukulong naman si Guillermo dahil may mapapatay siya ng hindi sinasadya.