Sunday, July 21, 2013

Jimpy Loves TV Specials: My Love For Teleseryes

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang entry na ito.

Unang una, nagugutom na ako.

Pangalawa, hindi ako ready na ito ang ibo-blog ko. Haha.

Pero marami nang nagtatanong sakin, bakit nga daw ba sobrang adik ko sa TV? Paano nangyari, nagsimula, eklabers cheverlu...

Kahit ang headwriter ng Apoy sa Dagat na si Sir Arden Rod Condez, naitanong na yan. Haha. :)

So paano nga ba?

Sige na nga. Sasabihin ko na. Hinahabaan ko lang talaga e. :)

Pero I swear, this entry is like a 60 Year of Philippine TV entry. Hehe. :)

My Collection and I. :)
 OKAY. Pinanganak kasi ako, 1995. Noong 1996, or one year old pa lang ako, tandang tanda ko na pinapanuod dito sa bahay, MariMar. Ang eksena pa noon, nasusunog ang bahay ng Lolo't Lola ni MariMar. Yun na lang naaalala ko, pero vivid pa sakin kung ano ang nangyayari. :) Meron ding one time na Mara Clara ang palabas, pero ang naaalala ko na lang, logo. Then dumating ang Esperanza. Ang pinaka-vivid pa sa akin na memory diyan, yung namatay ang character ni Angelika dela Cruz. Binaril siya ni Carmina Villaroel, or nabangga ata yung kotse nila. :) 1999 naman nung natapos ang Mula sa Puso, at naaalala ko pa kung paano sumabog ang kotse ni Selina. Tapos ang super nasubaybayan ko talagang tanda tanda ko, Saan Ka Man Naroroon. Nilalaro ko pa ito sa Barbie, yung mga nahuhulog sila sa bangin! Haha! Sa Labs Ko Si Babe kasi, si Carmi Martin na lang naaalala ko na umaakyat ng hagdan na may benda sa ulo. Tapos si Edu Manzano naman, sinave si Zsa-Zsa Padilla dahil masasagasaan siya. (Speaking of, biglang tumugtog ang theme song ng Villa Quintana habang tina-type ko to, sayang di ko napanood yan!) Isama pala natin ang Anna Karenina na ang naalala ko, medyo madami, pero the best yung tumalon si Ruth (Maritoni Fernandez) sa building, nagpakamatay siya, tas labas yung brains niya, KALOKA! :) I can also remember the logo of TGiS flashing on my screen. Haha. Click na kasi at G-Mik ang nasubaybayan ko. Pero I used to watch Gimik and Coney Reyes on Camera back to back noon. Tapos nasundan pa ng Ang Munting Paraiso - inaabangan ko yan every Saturday!


Dumating ang Pangako Sa'Yo, tandang tanda ko pa yung mga promo nito wherein pinuplug siya as "The first Teleserye" dahil kasama ang Star Cinema sa pag produce. Sumunod din ang Kay Tagal Kang Hinintay, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Sa Puso Ko Iingatan Ka. Magkakasabay ito sa Primetime Bida...tapos may text promo pa noon ang ABS, yung kukumpletuhin mo kung sino yung mga huling ipapakita sa bawat teleserye, kasi diba uso noon yung bago matapos, hihinto sa mukha nung huling ipapakita, cliffhanger ba. Haha. Sa Sa Dulo noon, ang madalas pa, si Pilar Pilapil. :) And the rest followed: It Might Be You (tagal nilang naging bata dito, jusko mahigit 4 weeks, isang season ata kanila!), Basta't Kasama Kita (nagkahorror episode pa ito, tas ang cool kasi live ang ending nito sa Roxas Blvd.), Sana'y Wala Nang Wakas (dalawa ang ending nito tapos live pa. Eto ang comeback ni Angelika dela Cruz sa Kapamilya Network, sobrang love ko yung character niya dito!), Twin Hearts (kaya siguro di ko nasubaybayan yung Darating Ang Umaga dahil dito, I love Tanya and Dingdong e. Haha.), and Bituin (this still counts as my most favorite serye, kaya hanggang ngayon pangarap ko gumawa ng showbiz-serye e.). Isama din natin ang Youth Shows na G-Mik at Berks, and Kahit Kailan. (pero maka-Click talaga ako.)

2004 naman ng dumating ang fantaseryeng Marina. Naging super favorite namin yan dito. Tapos nagka-time na lumipat kami sa Channel 7 for Darna and Encantadia, while also loving Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Maka-Claudine kasi kami dito. :)

2006 naman, nagbukas ang QTV Channel, inulit nila yung Ikaw Lang Ang Mamahalin and mga GMA Telesine! Di ko pinapalagpas yan pag hapon!

Fast forward natin sa 2007. Favorite year ko to e. Kasi sumosyal yung cellphone ko. E diba uso niyan, Sana Maulit Muli and Maria Flordeluna. Gagawin ko noon, maghahanap ako ng MMS Wallpaper niyan tas isa-save ko sa cellphone ko. Hehe. Tapos umere noon, mga Sine Novela. Una dun yung Sinasamba Kita! Ginagawa ko noon sa mga ate ko and nanay ko, "Ate Divina? Ako si Nora, isa akong Ferrer!" Hahaha! :D

Early 2008 naman, bigla akong nahilig sa Internet at Wikipedia (bilang na-install uli ang net namin), nakakita ako ng listahan ng mga lumang teleserye ng GMA, kasama Ikaw Lang Ang Mamahalin. E walang naka-article. Ginawa ko, gumawa ako ng account sa Wikipedia, in-edit ko, and until now, alive pa siya. :) Eto siya: http://en.wikipedia.org/wiki/Ikaw_Lang_Ang_Mamahalin. Pero marami na din kasi nag-edit niyan. Kaya yung iba (most especially pag mali grammar. Haha. OC kasi ako sa ganon. Haha.), di na akin. :) April 2008 pala, biglang nagkaroon ng GMA Life TV samin (nakakshock kasi sa ibang bansa kaya to! Hahaha!) kaya nakanood ako ng old GMA shows na aware na din naman ako na nag-exist (bilang solid Kapamilya ako from 1995-2005 except AKN and Twin Hearts) na Sana Ay Ikaw Na Nga at Hanggang Kailan. :) Late 2008 naman, nagpapaprint na ako ng mga information galing sa wikipedia about Teleseryes. Hehehe. :)


2009 ang matindi. Eto na yung talagang nag-search ako. Haha. Height din kasi ito nung TV Memories na thread sa Pinoy Exchange kaya mas napabongga ang mga pag-search ko. Isabay mo din yung mga nag-ulit ng Viva Seryes sa Viva Cinema: Tierra Sangre, Mukha ng Buhay, H2K: Hati-Hating Kapatid and my most favorite na napanuod ko pa noon sa RPN and IBC 13 year 2000 - May Bukas Pa. Lahat yan nagawan ko rin ng Wiki article, binura lang yung sa H2K.
http://en.wikipedia.org/wiki/May_Bukas_Pa_(1999_TV_series) (May Bukas Pa)
http://en.wikipedia.org/wiki/Tierra_Sangre (Tierra Sangre)
http://en.wikipedia.org/wiki/Mukha_ng_Buhay (Mukha ng Buhay)
Dito din ako nagsimula magpaprint ng pictures ng mga title card ng Teleserye. Haha. :)

2010 ang pinakamagastos na year dahil dito ako nagsimulang mangolekta ng mga Teleserye memorabilia. Ang first ko ay 60 Taon ng Musika at Soap Opera. Laking tuwa ko kasi favorite ko rin noon ang Rosalka at Impostor, tapos mga theme song nila, kasama na sa album! Favorite year ko rin to kasi dito inere ang Magkaribal at Tanging Yaman, 2 of my most favorite shows. :) Haha. Plus super mega celebration ito dahil cinecelebrate nito ang 60th year of Pinoy Teleseryes! And the rest is history. :)
Sana i-celebrate din ang 70th year, hopefully creator na rin ako ng Teleserye noon.
One of my most favorite seryes. :)

Ang una sa aking koleksyon!

Ang tunay talagang nagpakita ng ka-adikan ko sa mga Teleserye, palagay ko, is PHR: Paraiso kasi napuntahan ko ang press conference (courtesy of Miss Bing :D), mall show, unang Teleserye poster ko, at nabuo ko ang 22-week run. :)

Ang masasabi ko rin na naka-influence sa akin is my Ate Shelley kasi siya yung addict din noon e. Lahat kami talaga, super nood ng Teleserye. Nilalaro pa naman yan sa Barbie. :)

And dito ko rin unang i-re-reveal na pag nanunuod ako ng Teleserye noong bata ako, ginagaya ko sila at ginagawa ko rin lahat. Pagdating naman ng 2005, gumagawa na ako ng mga sariling teleserye and inaarte ko rin sila, up until now actually. Haha. Diyan nabuhay yung pangarap kong maging writer ng Teleserye. :)

Actually, feeling ko kulang pa itong kuwento ko dahil ang dami na ding nangyari sakin sa pagmamahal ko sa mga Teleserye. Basta sana tuloy tuloy lang ang production ng mga ganito. Pero sigurado naman ako na ang kukumpleto talaga sa pagmamahal ko ng Teleserye eh yung pag kasama na ako sa mga gumagawa ng mga ito. :)


No comments:

Post a Comment