Last July 8 (noong birthday ko, taray), umere na ang inaabangang "Most Dramatic Teleserye of 2013", ang Muling Buksan Ang Puso. Pinangungunahan ito nina Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee. Kasama ang mga nagbabalik kapamilyang sina Agot Isidro, Jestoni Alarcon at Cherie Gil, and of course Miss Susan Roces, Mr. Dante Rivero and Miss Pilar Pilapil. The soap also stars Daniel Fernando, Dominic Ochoa, Malou Crisologo, Matt Evans, Pooh and introducing Jane Oineza. The first two weeks was written by ABS-CBN EIC of Creative Rondel P. Lindayag and directed by Nuel C. Naval, Manny Q. Palo and Jojo A. Saguin.
Ang kuwento ng Muling Buksan Ang Puso ay umiikot sa iba't ibang aspects of love. First is the friendship of two women, being threatened by a man that will suddenly come to their lives. Next is about a woman na hiniwalayan ng asawa, kaya naman mas magiging strong siya, making her not to trust anyone that easily. And of course, about 3 people na pinagtagpo tagpo ang mga buhay dahil sa isang secret, at the same time dahil sa love.
At dahil review ito, rereviewhin natin siya. Honestly, bihira kong mapanuod ang show dahil ginagabi na ako umuwi. BUT! Para saan pa ang iwantv, diba?! :) Nakakatuwa kasi noong una, akala ko Wuma-Walang Hanggan ang teleseryeng ito dahil, siyempre, again, 3 generations of love! May Julia at Susan ka pa. Pero, nagkamali ako. Some plot points may be cliche, pero ang ganda ng pagkakasulat ng story, hindi siya yung typical na may kontrabidang walang hiya, may love triangle na sobrang OA. Plus the quality of the photography. Ang ganda ganda ng register ng bawat isa sa camera. Bagay na bagay si Enchong, Enrique at Julia sa mga roles nila. Ang guwapo guwapo ni Enrique! Hahaha! Pero siyempre love ko pa rin si Enchong dahil hot din sya sa role nya! :) Very good din na bumalik na si Agot at Cherie sa ABS-CBN. Sobrang naiiba ang roles nila dito sa nagawa nila sa kabilang channel. And we are used to see bitches na mayayaman, this time, ang mga gaga-gagang characters ay mahihirap! Susan Roces and Pilar Pilapil are so good. Malayo din ang roles nila sa WH at IKA. Napakagaling. :) Pero best actress sakin dito si Miss Cherie Gil talaga. :)
Nae-excite ako sa show na ito, napakabilis ng pacing pero exciting pa rin. :) Sana mapanatili ang smoothness. Walang simpleng eksena, at the same time hindi sobrang bigat sa damdamin na tipong mamamatay ka na. Tamang tipla lang. Nafe-feel ko na papasukan ito ng patayan pero sana wag naman matulad sa Walang Hanggan na naging superman na si Daniel at naging super patayan at horrific na. Masaya lang na tungkol sa love ang topic, wag nang lumayo. Kinakabahan ako sa mangyayari sa role ni Enrique Gil dito as Francis pero feeling ko, gandang ending nun kung ang naiisip ko eh tama. Haha. ;) Congratulations sa bumubuo ng teleseryeng ito dahil I'm sure, mas titindi pa ang mga ganap dito! :)
Laging pakatutukan ang MULING BUKSAN ANG PUSO, after Juan Dela Cruz sa ABS-CBN Primetime Bida! :)
P.S.: Happy Birthday po sa AdProm ng show and Dreamscape (Prod Unit ng Show) na si Sir Eric John Salut!
Images Courtesy of: ABS-CBN
Nakakatuwa ang samahan ng 2 magkapatid sa teleserye na to at paganda ng paganda ang kwento araw araw.
ReplyDelete