E yung muntik ka nang matamaan ng kidlat?
How about ma hold-up or muntik muntikanang mahold-up?
E yung may magsave sa'yo sa bawat pangyayaring to?
Well, that happened to me, and my friends, in just One Rainy Night.
It was already 8 PM that Tuesday Night nung kumain kami ng mga usually kasabay ko umuwi and mga superfriends ko rin na sina Eunick, Jemimah, YM, Chee and Mart. We ate sa lagi naming kinakainang CO2. Umuulan na rin kasi nun, so thinking na titila siya maya-maya, kumain muna nga kami and waited until tumila. Unfortunately, hindi iyon ang nangyari.
Paglabas namin ng CO2, malakas na yung ulan and medyo baha na sa Pedro Gil so we decided na dumaan sa Malvar. Habang naglalakad, kumikidlat na, tapos medyo um-o-OA na. Nung nakarating na kami near Malvar, kumidlat ng sobrang lakas na muntik-muntikanan na kaming matamaan, buti na lang daw (sabi ni Jem), may punong mataas.
So we went back sa school, lalong lumalakas ang ulan. Nakakaloka talaga siya. Tensed na kaming lahat, scared because paulit-ulit na yung thunder, sobrang lakas pa. We are actually thinking kung may possibility na sa dorm na kami matulog since super hindi tumitila ang ulan. Chee was really scared of the thunder, cino-comfort siya ni Jem, Mart and Eunick were charging their phones, while kami ni Ate Yarrah, nagpunta kami ng CR, tapos sumaglit kami sa Prayer Room. Tapos, pumunta din kami ni Mart sa may dorm to ask for Reg and Maisa's help - para makahiram ng tsinelas.
So we stayed muna sa may Canteen area ng school. Kahit papano, humina hina na rin ang ulan so we decided na lumabas na. Lucky for Ate Yarrah and Chee, nakakita sila ng bus pa-Dasma. So kami na lang nila Eunick, Jem and Mart ang naiwan. And the bad news is, walang masakyan na pa-SM Southmall (dun kasi yung way namin). So tuloy tuloy sa paglalakad sa bahang daan, tumawid pa kami dun sa bridge na kailangan maglaglag ka ng barya para maka-pass. Jusko swerte ko nakatawid ako dahil sa taba kong to, OH-MY-GAHD. Haha. Then, i-cut na natin ang story, nagPedicab kami patawid para mag round trip, nag-antay ng Las Pinas na bus, may lumipad pang ipis from a poste (yuuuck di ko kinakaya hahaha), then may dumating nang bus (will not mention the name anymore). Sumakay na kami dun, and thinking, "finally".
So umupo kami sa usual na pwesto namin sa likod (bilang 4 nga kami). Then si Mart, may binulong samin, that there were 2 guys there na parang may tinatago na something, if I am not mistaken, under their shirt. Akala ko naman, they were just doing something inappropriate...so siyempre kinabahan naman kami, kaya baba kami agad (sa may bandang UN ito) kahit baha na. Jusko, nakakaloka. Pag baba ko medyo ineexpect ko malalim yung baha, pagtapak ko masakit sa paa. Haha.
Tumawid na kami pabalik sa supposedly lane namin and there, nakasakay na kami sa wakas sa Bensan Trans na bus. Jusko. Grabe. Yung feeling na finally nakasakay ka na. Hahaha. Picture picture pa kami, then Mart shared with us his Krispy Kreme donuts...then bumaba na siya sa may Buendia. After that, lumipat kami nila Jem and Nobe sa may harap and there we talked about what happened, how nakakatense and how fun at the same time ang mga ganap. Kwinento nila sakin yung sa kidlat dahil ang slow slow ko. Sinabi na yung puno nga ang naka-save samin kasi dapat may mas mataas samin if we are in an open ground, kundi siguro natamaan na kami ng kidlat. Then na-analyze ko ang mga ganap...that GREEN is our lucky color.
Why GREEN? Kasi First, yung sa Kidlat. We were saved by a tree (malamang green yon. Haha!). Tapos yung sa muntik-muntikanang may mangyari samin sa kabilang bus, Mart was able to notice it and he instantly told us about it. And he was wearing Green at that time (tignan niyo pa yung picture sa taas!). Tapos Bensan Trans pa nasakyan namin (Green) and kumain pa kami ng Krispy Kreme (may green din yun. Haha.) :) Naiyak pa si Ate Jem nung sinabi ko yun. Haha.
So fastforward, nakauwi naman kami lahat ng maayos. Ang bad news lang the following day, kami ni Mart at Chee, may pasok. Sila Nobe, Yarrah and Jem, wala. Hahaha.
Lesson! Maging keen observer sa paligid, at wag na magpatagal sa labas nang hindi napapahamak, lalo na kung ang panahon eh medyo hindi marunong makisama at nagbibipolar! Haha. :) And most of all, walang magiiwanan sa mga ganitong moments! And treasure the moment kahit madaming unfortunate events ang naganap, kasi at the end of the day, nag-enjoy ka din, ligtas ka pa diba! :>
Sa susunod na rainy days and nights...ay nako, sana suspended ang classes! Haha! :D
Image Courtesy of: Eunick Nobe
No comments:
Post a Comment