Kaya napagdesisyunan kong hindi muna mag Teleserye Throwback ay parang ito na rin ang magiging TTB natin this week. Pero anong kinalaman nito sa Birthday ko? Haha!
Well, tuwing magbibirthday ako, napapansin ko lang na ang ABS-CBN ang laging nagreregalo sakin every year by new shows and teleseryes. As in seryoso, natataon na magbibirthday ako or kakabirthday ko lang. Tara, sampolan natin.
July 14, 2008 - or 6 days after my birthday.
Iisa Pa Lamang starring Claudine Barretto - nafeature na ito sa Teleserye Throwback sa Week 2. This would be one of my favorite teleseryes.
July 5, 2009 - or 3 days before my birthday.
Gaano Kita Kamahal starring Maricar Reyes - isa rin ito sa magiging favorite kong Your Song episode that time, dahil super nakakaantig ang kwento.