Showing posts with label Enzo Pineda. Show all posts
Showing posts with label Enzo Pineda. Show all posts

Sunday, August 25, 2013

Finale Tribute: Kakambal Ni Eliana

Nagwakas na noong nakaraang Biyernes ang top-rating GMA Afternoon Prime serye na "Kakambal Ni Eliana". Ito ang naging launching teleserye ng 29th PMPC Star Awards for Movies New Movie Actress of the Year Kim Rodriguez. Nag-umpisa ang show noong August 15, 2013 at nagtapos nga nitong nakaraang Biyernes.

Ang kuwento ng Kakambal ni Eliana ay tungkol sa isang babaeng nawalay sa mga magulang niya ng ipanganak siyang may kakambal na ahas. Lumaki siya ng nakakulong sa basement ng shoe store na pag-aari ng kanyang pamilya. Pero ang nakilala lang niya ay ang lolo't lola niya. Inilihim sa inay niya na buhay siya. Isang araw, nagkaroon ng gulo sa store kaya nakalabas siya, at napadpad siya sa pamilya ng kanyang ama (na hindi niya alam, of course.).