Showing posts with label Etheria. Show all posts
Showing posts with label Etheria. Show all posts

Sunday, August 25, 2013

Jimpy Loves TV Specials: Ivo Live Encantadia

At dahil nga Teleserye-filled week ang week ng Jimpy Loves TV, siyempre papayag ba naman tayo na hindi ma-feature ang isa sa mga fantaserye, or should I say telefantasyang nagmarka sa atin at gumawa ng history on Philippine TV? At sigurado naman akong alam na alam niyo na kung ano ito... :)

Matatandaang noong May 2, 2005, gumawa ng history ang GMA simula nang umere ang pinakamalaki at pinakamatagumpay nilang Telefantasya, ang ENCANTADIA. Ito ay hinango sa kaharian na naging parte ng Mulawin, ang unang telefantasya ng GMA noong 2004. Dahil sa tagumpay nito, nasundan ito ng 2 pang chapters, ang "prequel" nito na Etheria, at ang sequel na "Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas".