Showing posts with label Fangirl Stories. Show all posts
Showing posts with label Fangirl Stories. Show all posts

Monday, January 20, 2014

Fangirl Stories: Remembering AJ Perez

Hindi ko alam kung anong pumasok actually sa isip ko kahapon pero bigla ko lang na-feel na magbasa uli ng Candy magazine na featured ang unang-unang celebrity crush ko talaga at naging dahilan kung bakit ako sobrang na-addict sa Candy magazines noon, si AJ Perez.



It was in 2008 nung makita kong siya ang cover ng Candy Mag. Well, Abt Ur Luv pa lang talaga, crush ko na siya. He's so baby-faced, napaka-angelic ng face niya talaga. And he's really gwapo. Wala nga atang TV Show niya ang hindi ko nasubaybayan - Abt Ur Luv (well except yung umpisa), Astigs, Lobo, Your Song presents Imposible, Your Song presents Boystown, and Sabel - his first lead in a show. 5 na Candy Magazines ang meron ako sa kanya - yung ang cover si Cheska Ortega tapos pinakita don yung bedroom niya and how he wakes up in the morning, yung si Sam Concepcion din ang cover tapos guest editor siya. Doon nag-suggest siya ng mga gifts na pwedeng ibigay for guys (yun talaga yung official na crush ko talaga siya!). Then yung cover siya tas tinanong ang A-Z ng buhay niya. Ang naaalala ko dun, mahilig siya sa hoodies, he wears invisalign (tama ba?) braces, tapos favorite niyang joke yung "Bababa ba?" "Oo, bababa".
Ang tanga tanga ko nga kasi nawala ko siya! Tapos, next month nun nasa magazine uli siya, and there he wrote a letter for his future girlfriend which was so sweeeet talaga!!! And yung huli was 2009 na ang cover ay si Taylor Swift, and he talked about being single. After non, hinanap ko rin account nya sa Facebook, sa Multiply - na mukhang mga legit naman kaya gogogo! :)

Thursday, January 9, 2014

Fangirl Stories: Digsters' Christmas Get-Together

Last January 3 (a great way to start the year with this event diba? Hahaha!), nag get-together na ang Diego Loyzaga fansclub na Digsters, which I am of course, part of. Haha. Finally, natuloy na rin ang get-together na inaasam-asam kasi ages ago pa ang last GT (December 2011, I think. Di ako nakasama kasi I had other plans that time. Haha. :D)

Monday, November 4, 2013

Fangirl Stories: Jimpy Anarcon meets Diego Loyzaga Part 2


Last Saturday, nagkaroon na naman ako ng chance para makabond ang celebrity na pinagfafangirlan ko talaga ng matindi, e sino pa nga ba, si Diego Loyzaga. :) Hihi. Thanks to the fansclub that I belong, Digsters. Sobrang love ko sila. Hahaha. :)

Actually, medyo biglaan ito (though matagal nang pinaplano) kasi di pa namin alam kung matutuloy pa dahil yung ibang members ay nasa bakasyon rin. Pero fortunately and hopefully, nangyari naman siya. :) At siyempre nanghila rin ako ng friend - si Eva. Haha.

So bago ko ikwento, ito ang summary ng mga naganap sa araw na yun through pictures. Hahaha. :)


Monday, October 21, 2013

Fangirl Stories: Jimpy Anarcon meets Diego Loyzaga


It was in October 17, 2011 noong magka-crush ako ng matindi sa isang celebrity. Huli ko tong na-feel, 2008 pa, kay AJ Perez (sumalangit nawa po.). Pero ito mas matindi. Haha. :) Kasi talagang nagsulat pa ako ng letters sa blog ko, at first time kong sumali sa fans club talaga. :)

March 18, 2012 naman yung first time na nagreply siya saken, ang tanong ko pa yata nun, si Angel Locsin or si Toni Gonzaga, kasi sila yung nasa The Buzz nun. Haha. :) Ang sinagot niya Angel. Tapos, after nun, napadalas na yung pagrereply niya sa tweets ko. Wait nga, hahalughugin ko yung files ko. Haha. Lahat kasi nun, may screenshots. Jusko. :) Pero ang the best, yung nagkaroon siya ng follow spree and on the night of March 22, 2012, saktong saktong 10:30 PM pa, nagflash yung username niya and nakalagay "@__________ followed @iloveJimpyA". O diba? :)


Yung finollow niya ako sa Twitter. Nagchacharge pa e oh. Hahaha!

Sunday, September 8, 2013

Fangirl Stories: Judy Abad and Her K-Pop Experience

For the past two entries ng Fangirl Stories, kwento ko lang ang shinare ko about Diego and Khalil, and Kiko. Pero ngayon, iba naman ang nag-share ng story, at eto, legit na fangirl talaga! At baket? Abangan. Hahaha. Well actually, if you will remember, sa Jimpy TV, may nag-share na rin ng kanyang collection ng K-Pop. Kaya parte ito ng celebration ng first year anniversary ng Jimpy TV! :) Anyway, eto na ang K-Pop fan na si Judyanne Abad!

Naging familiar daw si Judy sa K-Pop since 2007, at nag-umpisa siyang maging fan ng Super Junior noong 2008 dahil sa kanta nilang "It's You". Noong 2009 naman, SNSD or Girls Generation naman ang naging favorite group niya dahil sa mga kanta nilang Genie at Run Devil Run (which happens to be my favorite, too!).

2010 naman, huminto muna siya sa pagiging fan dahil graduating year na at kailangang mag-seryoso. At nakita niya na yung iba, nag-uumpisa pa lang maging fan samantalang siya, medyo patapos na. PERO! Noong nalaman ng friends niya na medyo nag-stop siya, kwinentuhan siya uli tungkol sa K-Pop lalo na sa group na U-Kiss. Na-curious siya most especially with Shin Soohyun dahil yun daw ang bukambibig nila. Kaya napa-research siya, at hanggang ngayon "...loyal fan na nila ako kahit ngayon."

 UP: Judy in DKFC concert then
First Kpop festival last december 2010
DOWN: Collection then with a Soohyun Standee
Sa mga nagawa naman daw niyang kagagahan, nakakarating siya sa mga mall tour nila sa Pilipinas kahit napipipi na siya sa dami ng tao. "I've been to BGC because of 2AM (K-Pop Boy Group). Tapos sa album launch nabili ako, as in nangungutang ako sa sampung tao ng tig fi-fifty pesos." Pero nung pagdating niya sa College, medyo nagstop siya sa pagbili.

Nakartating na rin siya sa conventions/events and sa fan battles. Nakakabili rin siya ng madaming merchandise like photo cards, posters, bag tags with an affordable price. Minsan pa, 50% off ang korean version ng albums kaya hindi niya ito pinapalagpas!

Last January, she also watched the Dream K-Pop Fantasy Concert kahit General Admission lang dahil... "Kasi one time bigtime siya, 5 groups in one concert (U-Kiss, Infinite, Exo (OT12), SNSD, Tahiti and Tasty)." Pero ito ang the best! "A day before ng concert, sumama ako sa mga kaibigan ko mag-stalk kahit in uniform ako nun. As in grabe! Yung hirap ng diskarte para makapasok sa Manila Hotel for the presscon. Kaloka yon. Akala ko hihimatayin ako sa sobrang dami ng tao tapos isa ako sa mga fans na nakakita sa kanila ng malapitan sa presscon. Kahit walang pass, nakapasok!" Imagine, she walked all the way from Pedro Gil to Manila Hotel in heels! Naka 2-hours sila sa pag aantay at 5 attempts bago makapasok. "Nakipagtulakan ako para makapunta sa unahan. Then napaiyak ako sa tuwa nung nakita ko ang U-Kiss!" Noong concert naman, naka-bonus siya ng face to face with Sungha Jung.

At sa mga willing pa siyang gawin? "I want to go to Korea to watch music shows kung saan sila nagpeperform - Music Bank, Music Core, Inkigayo) and gusto ko rin mag-apply sa mga entertainment nila." Worth it naman daw ang pagiging fangirl dahil dumami ang friends niya and stress reliever niya ito. And napasayaw siya ng K-Pop since she used to perform the dances in her previous school.
Judy performing K-Pop Dance in her school.
She is the girl in Yellow.
Ang masasabi ko lang, nakakarelate ako sa kanya dahil para sa Teleserye at sa mga crush kong artista, ganyan din ako! :) Haha! Go lang ng go Judy! Masaya yan! :D At sa lahat ng K-Pop fangirls, love ko kayo! :)

Friday, June 7, 2013

Fangirl Stories: Kiko Estrada

Last week sa Fangirl Stories segment, ikwinento ko ang pagkaka-fangirl ko kay Diego Loyzaga at Khalil Ramos na nagsama sa MMK last week. Sabi ko pa dun na sila talaga ang top crushes ko sa Philippine Showbiz...

Pero nagkamali pala ako...akala ko silang dalawa na lang...

I forgot na meron pa pala. :) And ngayon, hindi ko sure kung sila pa rin ang top two. Hahaha! :)

ANYWAY.

Nanuod ba kayo noon ng Tween Hearts? Naalala niyo si Kevin? Yung naging friend ni Bambi (Barbie Forteza) na nagkagusto sa kanya, kaso unfortunately namatay siya...

Eh siguro naman hindi niyo napalampas yung Angelito 2? Diba love triangle sa Book 1 si Tere (Devon Seron), Migoy (Sam Concepcion) at Rona (Sue Anna Ramirez)? Pero pagdating ng Book 2, nagkaloveteam si Rona in the name of Leo. Diba?

Eh eto, don't tell me ito ang nakalimutan niyo? Yung recent episode ni Julia Montes sa MMK where she played a 15-year old prostitute tapos eventually, nagkaroon siya ng manliligaw na tinanggap siya kaso di rin sila nagkatuluyan...diba yung guy na nagportray dun, halos magtrend na sa Twitter dahil ang daming gustong malaman kung sino siya!

Tapos ngayon, may bagong show na nireview natin last week, ANNA LIZA! Diba? Remember the episode yesterday, yung may nakaaway si Luisa (Sue) sa jeep kasi nakipagsingitan sa pila? Tapos ang name noon e si Bart diba?

Okay fine. Ngayon hindi ako sigurado kung tama ang filmography na nailagay ko jan na in question form pa. Hahaha. Pero one thing's for sure, FAN ako nung taong tinutukoy ko. As in grabe! First sight pa lang sa Tween Hearts noon, sabi ko, sino to ang gwapo? Hahaha! Sana lumipat siya sa ABS! Aba achieve na achieve naman na nangyari nga ano? Hahaha!

Okay so siya talaga yun e. Si KIKO ESTRADA. :)


Diba? Ang gwapo niya. Hahaha! Pero hindi pa yan yon. Mas marami pang pictures na gwapo siya! Haha. Pero mamaya na yon. Kilalanin muna natin siya. :) And I swear, alam ko lang to, nababasa ko lang, di ako nag thorough research. Promise!

Kiko Estrada is the son of actor Gary Estrada (GMA's Blusang Itim, Kokak, Kapitan Inggo, and the infamous Julio Ambrosio in the 2008 version of Kaputol ng isang Awit) and former actress Chesca Diaz (who appeared in some Viva movies and in the Viva TV produced soap na Tierra Sangre, alam nyo ba yang show na yan! Haha! Next time na history niyan.). Kaya naman dito pa lang we can already see where he got his looks plus why is he a promising actor.

His first TV Appearance in a Drama Show, I believe, was in Tween Hearts nga. Then he transferred sa ABS-CBN and now he is in a love square with Khalil Ramos, Sue Ramirez and Shy Carlos in Annaliza (Weeknights, 5:45PM).

Kaya may plus points pa sa kahit kaninong fangirl itong si Kiko dahil lagi din siyang nakiki-interact with his fans sa Twitter! Diba bongga! Wait, hahalukay ako sa baul ng mga na-save kong replies niya. Pero madaming beses niya na akong nareplyan siguro nakukulitan na din siya saken. Hahaha!


Proud na proud pa ako na lagi niya kong nirereplyan eh isa lang pala tong na-save ko. hahaha! Eh well sorry kayo guys, may consent kaya tong paggawa ko ng blog post for him!


Bongga diba! Hahaha. And as of yesterday, feeling ko official na akong kasama sa Fans Club niyang Team Keezy kasi jumoin ako sa FB Group at cinonfirm na rin nung admin nila! Kaya I am so happy talaga!! :))

Anyway, eto some of my favorite pics ni Kiko. Haha. :)





Obvious na nakaw pa sa Instagram yung iba. Hahaha! :) Pero I got that from his FB Account. Kaya thank you in advance Kiko and I'm sorry for getting these without permission. :)

Anyway, siyempre may message ako for Kiko! :) I hope that he stays the same na laging nagrereply sa Twitter and I do hope that maging super bongga pa ang acting career niya kasi I swear, fan or not, magaling siya and he can be really honed as one of ABS-CBN's next top leading man. I swear. No joke. No sugar-coating and all.

Anyway, sana mabasa to ni Kiko. I really really wish. Haha! And P.S. Always remember that I will always be a fan, always always always! :) Sana dumating din time na pag writer nako sa ABS-CBN, makapagsulat ako sa soap na kasama siya. :))

Anyway, here is Kiko din with some of his TV Appearances:

Angelito 2. With Sam Concepcion, Bret Jackson and Devon Seron. Sino pinakagwapo dun sa 3... :)

Eto yung dying scene ni Kevin sa Tween Hearts, nakakaiyak siya. :')

KiSue sa Angelito 2! :)

Kiko and Sue now with new ka-love triangle Khalil in Anna Liza.

His appearance in MMK with Julia Montes. Mataas ang ratings nito.
So ayun. :) I'm sure Kiko will be one of ABS-CBN's best if given the right project and right break. And as I see it (as if critic ako haha), tama ang career track niya! Hello Kiko! Take Care Always!

JimpyAWithAHeart.

Friday, May 31, 2013

Fangirl Stories: Diego Loyzaga + Khalil Ramos = HAPPY ME.

Ngayong Sabado sa MMK, balikan ang feeling ng may 'Crush'! Starring Ella Cruz, Liza Soberano, Khalil Ramos and Diego Loyzaga. :)

EXCITED AKO SA MMK EPISODE NA ITO.

Know why?

Way back 2011, alam yan ng lahat ng followers ko, na ang crush ko talaga sa showbiz ay si Diego Loyzaga. At since his Mara Clara days e talagang patay na patay nako sa kanya. Haha. Ang gwapo gwapo niya. Haha. Lalo na noong Growing Up days! OMG. Talagang isa sa mga naging pangarap ko na maging si Julia Montes dito kahit for a day lang. Haha. :) March 2012 noong una siyang nagreply saken at finollow niya rin ako sa Twitter. Kaso nga lang in-unfollow niya ako noong November, kasi laging bumabagal ang Twitter niya. Haha. Pero the feeling na finollow niya ako? Bwahahaha! Ang saya saya! :)




2011 din nang makita ko ang isa ko pang  magiging showbiz crush via Pilipinas Got Talent, at siya ay walang iba kung hindi si Khalil Ramos. :) Nagreply na din siya saken sa Twitter a number of times. Tuwing kumakanta siya noon sa PGT, kinikilig ako. Haha. Lalo na when I learned that he is included sa cast ng Princess and I? OHMYGOD. Grabe. Nood ako agad. Ang gwapo niya dun sobra!!! Kaya ako talaga nanuod ng P&I noon dahil sa kanya [bukod kay Gretchen Barretto]. :)



Sa kanilang dalawa ko masasabing fan girl talaga ako. Kase jusko dati si Diego halos araw araw ko sinastalk sa Twitter yan, and if you remember, meron pa akong Letter to Diego series na hindi pa niya ata nabasa. Haha. At sa kauna-unahang pagkakataon, karakara noong October din na yon, sumali ako sa Digsters! At nakameet pko ng bagong friends. :) Nagdodownload pko ng videos niya. Grabe. :) And Digsters, sayang di natuloy yung GT natin last year, pero alam ko mamemeet ko rin si Diego soon, and kayo rin! :)


While kay Khalil naman, feeling ko napaka wala kong kwenta dahil album lang niya di ko pa nabibili. :( pero sobrang gusto kong sumali sa Khalilnatics, kaso walang sumasagot. Nakakasad. Haha. Pero gagawin ko pa rin ang lahat para makasali ako sa fans club niya! :) pero pero pero, nakita ko na siya in person noong makanuod ako ng taping ng Princess and I sa lumang school ko, yun nga lang di ako nakapag-papicture. Sayang! Haha. :) Kaya nananawagan ako sa Khalilnatics na makakabasa nito, utang na loob, pasalihin niyo na po ako sa fans club niyo. As in sobra sobrang I want to join po talaga!! :))






Anyway, abangan natin ang MMK nilang dalawa bukas. Comeback ni Diego to sa TV ha! And si Khalil naman, lumabas na siya kanina sa Anna Liza kaya everybody happy!! :)


Here is the teaser of the MMK episode for tomorrow. :)



FOREVER FAN GIRL OF DIEGO AND KHALIL!!!!!!!!! :))))) Gwapo. Haha. Shet. :)


Images Courtesy of their Facebook Fanpages & Websites. :)