Showing posts with label tropa. Show all posts
Showing posts with label tropa. Show all posts

Sunday, July 14, 2013

Birthday Chronicles 2013 3-part Finale Special: Jimpy's Birthday Special Part 2

This time, wala nang video video kundi puro pictures na lang. Hahaha. :)



And we are here sa ikalawang part ng 3-part finale ng Birthday Chronicles 2013!

Siyempre, hindi kumpleto ang 18th Birthday Celebration ko kung wala akong celebration! Alam niyo naman ako, party animal! (minus the drinks! Hahaha! I swear, yung hubby ng ate ko, what if daw T-Ice ang isagot sa party ko, I said NO! As in NO Talaga. Coke nga muntik na akong di pumayag e. Haha!) And it turned out to be fun! 2 times ko siyang cinelebrate, 1 dito sa bahay at 1 naman sa isang lugar na talagang pinapangarap ko, nagkataon na may mapupuntahan ako doon kaya bongga talaga! Maybe you're getting clues na. And I'm sure naman nakita niyo nang lahat ng ito sa aking Instagram account? Haha! :)

Dito sa Part 2 ng finale ng Birthday Chronicles, unahin muna natin ang July 7 birthday celebration ko, a day before my birthday. Nagpuntahan dito sa bahay ang aking mga cousins na medyo long time no see, at mga High School and some College best friends ko. :) Sila rin ang unang nakapanuod ng video na ginawa ko. :)

Before the mismong party, nagkaroon pa ng maraming maraming problema ang party ko. Una, sinong magluluto and saan kukuha ng pang gastos! Pangalawa, kami ng nanay ko, nag-aaway talaga kami dahil dito kasi daw ang dami dami kong ini-invite, e jusko kakapiranggot nga lang yon?! Hahaha. Pangatlo, ang mga guests! Ayaw sumagot kung confirmed ba na pupunta or hindi! Pang-apat, yung video na ginawa ko, super last minute ko kasing naisipan na mas maganda kung gumawa ako ng AVP para sa video ko dahil wala naman akong maasahang gumawa pa noon, bilang lahat kami busy. Hahaha. Nagmukha man akong pathetic, at least napasaya ko sarili ko. Hehehe. :)

Then minutes before the party, nagpaphotoshoot muna ako sa kaibigan kong si Cher. Here are some of the pics. Maganda ako diyan! :>