Friday, May 31, 2013

We Review: Annaliza's Pilot Week.



Nag-umpisa na last Monday, May 27, 2013, ang pilot episode ng isa sa mga inaabangang bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Annaliza, starring Denise Laurel, Patrick Garcia, Carlo Aquino, Kaye Abad and Zanjoe Marudo and sa kanyang biggest role to date, ang dating si Blythe Gorostiza to Blythe Brillantes and now, siya na si Andrea Brillantes.

Ang Annaliza ay remake ng isa sa mga unang soap opera na umere noong 1979 (no teleserye word that time yet) na iprinoduce sa Pilipinas. Ito ay pinagbidahan ng late actress na si Julie Vega kasama sina Daria Ramirez, Albert Martinez and Renato del Prado to name a few. And guess what? Sa GMA Network ito unang ipinalabas! But based from what I've read, hindi yata sila ang producer and blocktimer lang kaya nabili ng ABS-CBN ang rights nito. Unfortunately, ang original Annaliza ay natapos with an incomplete storyline because of Julie Vega's untimely death noong 1985.

Pero eto ang konti lang ang nakakaalam! Annaliza was originally intended for a 2007 airing with Ella Cruz portraying the young Annaliza and Maja Salvador as the grown-up Annaliza. Kasama din dito sina Jason Abalos as her leading man and take note, Barbie Forteza as Annaliza's young kontrabida! Si Direk Jerry Lopez Sineneng ang director nito noon at ang writers (yata) ng Maria Flordeluna ang creative team, and under the unit of Star Creatives (Star Cinema on TV - Malou N. Santos). Ngayong 2013, Direk Theodore Boborol and Direk Cathy Camarillo collaborates in creating this soap while Miss Mel Abaygar (TGiS, Angelito) headwrites, with Sir Jurey Mirafuentes (Paraiso - Hi Sir Jurey!), Miss Margarette Labrador (Angelito), and Miss Pamela Miras (Sa Ngalan Ng Ina) join the creative team.

Anyway, sa unang linggo ng Annaliza, ipinakita kung paano nanakaw si Annaliza sa tunay niyang mga magulang. Stella (Abad) and Lazaro (Garcia) are couples pero may naghahadlang sa love nila, ang kanilang status in life. Mahirap lang si Stella kaya napagdesisyunan niyang makipaghiwalay kay Lazaro. Meanwhile, Lazaro reunites with his bestfriend Isabel (Laurel) na may gusto sa kanya, pero pinush ni Isabel si Lazaro na ipaglaban niya ang pagmamahal niya kay Stella. Unfortunately, when Lazaro tries to fight for Stella, nakita niya na may kasamang ibang lalaki si Stella. She needs to sleep with the guy dahil kailangan niya ng pera para sa kapatid niyang may sakit. Ayaw ding panagutan ni Lazaro ang baby dahil sa kaniyang nakita. Stella tries to kill herself but Guido (Marudo) sees her and saves her. Makikita naman si Stella ni Makoy (Aquino) who will instantly fall in love with her. And when Lazaro and Isabelle decides to get married, and Isabelle later on gets pregnant and give birth at nalaman ito ni Stella, inutusan niya si Makoy na nakawin ang baby. Makoy succeeds in snatching the baby, Isabelle and Lazaro were dumbfounded. Makoy then gives the baby to Guido...and decided to name her as Annaliza.




7 years later (ang alam ko 7 kasi nagbirthday si Annaliza ng 1 year old, then pinakita 6 years after ilang inserts pa...gets? Haha.), Annaliza grows up to be a jolly and kind kid na mahal na mahal ang tatay niya. Unfortunately, Guido tries his luck sa Saudi para mabigyan ng maayos na buhay si Annaliza...






And this week...aabangan natin ang pagpapakasal ni Stella at Guido at ang pag-uumpisa ng pang-aapi ni Stella kay Annaliza. At mas exciting dahil papasok na ang love story ni Sue Ramirez, at ang aking mga crush na sina Kiko Estrada at Khalil Ramos!

Anyway, pilot week pa lang ay intensified na ang mga eksena at nai-explain na ng mabuti kung bakit ganoon ang mga characters nila. Maganda ang naging presentation ng back story. Nakakatouch din ang mga eksena dahil makikita natin dito ang pagmamahal na dapat na ibigay ng isang magulang sa kanilang mga anak. And I won't forget Guido's statement na hindi welcome sa buhay nila ang mga taong mararamot sa  pagmamahal - this was when Neri Naig's character didn't say yes to Guido's marriage proposal dahil ayaw niyang kasama sa pagsisimula nila si Annaliza. And the most heartrending was Guido and Annaliza's scene kung saan nagpapaalamanan sila dahil si Guido ay pupunta ng Saudi.

This will be the first time na makikita kong hindi kontrabida or hindi support si Patrick Garcia, at parang naiba pa nga ang boses niya, mas lumiit at bumait. Bagong Kaye Abad naman ang nakita natin dito dahil ngayon lang siya magiging kontrabidang ganito, malayong malayo sa Jenny role niya sa Angelito. Carlo Aquino's portrayal kay Makoy is okay, di pa masyado nag-shine but when he was given his moment during his tensed moments na hinahanap siya ng pulis, mararamdaman mo ang tension. Zanjoe Marudo as Annaliza's dad is a great choice. Totoong siya nga ang pinakagwapong tatay ever. Haha. And his portrayal is good, makikita mo that Zanjoe is really a good actor. But for me, the grandslam winner among these stars is Denise Laurel. Sa kanilang lahat, siya lang ang gumawa ng sunod-sunod na serye that required her to do different portrayals far from each character [She played Lysa in Pintada - a teacher na humihingi ng justice dahil sa pagbintang sa kanya. The soap wrapped up in November. Pumasok siya sa Paraiso noong December as Cassandra Romano - an obsessed bitchy lawyer na gagawin ang lahat mapunta lang sa kanya ang lalaking mahal, and that ended last April 5.] Her portrayal as a mom who lost her child was really effective, naapektuhan ako, at higit sa lahat, walang bakas ni Nadja, ni Wendy, ni Emerald, ni Cassandra, or ni Lysa kay Isabelle!

But the soap opera's star, Andrea Brillantes, is the show's flag carrier. Napanindigan niya ang title role na ibinigay sa kanya. Pero si Andrea naman, magaling na talaga siya, since Kahit Puso'y Masugatan (young Veronica) and Ina Kapatid Anak (young Celyn) days pa naman. Pero eto, masasabing kanyang kanya na talaga ang show, and she deserves it.

I can feel the Angelito vibes in Annaliza, pero siguro dahil lang iisa ang musical scorer nila. Haha. :) But all I can say is Annaliza is worth more than the 5:45 timeslot (you know what I am talking about, read between the lines hahaha). Kung sa Kapamilya Gold inilagay ito, magwawala talaga ako! :) Congratulations to Direk Ted, Direk Cathy for putting up a great pilot week. Based from their track record, most especially Direk Ted's (Angelito!), magaganda ang pagkakagawa nila sa mga soap nila kaya (una silang nagkasama, I believe, sa Hiyas) I'm sure na mas matindi at mas titindi ang Annaliza!

Lagi niyo pa ring tutunghayan ang Annaliza, weekdays, 5:45 PM bago ang TV Patrol!


NEXT WEEK sa WE REVIEW: Abangan naman ang review ng pilot week ng Anna Karenina sa GMA! Usong uso ang remakes ngayon. Hahaha! :)

[Images Courtesy of: Annaliza Facebook Fanpage]

No comments:

Post a Comment