Sunday, June 23, 2013

Birthday Chronicles 2013: Salamat sa regalo, ABS-CBN.

Kaya napagdesisyunan kong hindi muna mag Teleserye Throwback ay parang ito na rin ang magiging TTB natin this week. Pero anong kinalaman nito sa Birthday ko? Haha!

Well, tuwing magbibirthday ako, napapansin ko lang na ang ABS-CBN ang laging nagreregalo sakin every year by new shows and teleseryes. As in seryoso, natataon na magbibirthday ako or kakabirthday ko lang. Tara, sampolan natin.

July 14, 2008 - or 6 days after my birthday.


Iisa Pa Lamang starring Claudine Barretto - nafeature na ito sa Teleserye Throwback sa Week 2. This would be one of my favorite teleseryes.

July 5, 2009 - or 3 days before my birthday.


Gaano Kita Kamahal starring Maricar Reyes - isa rin ito sa magiging favorite kong Your Song episode that time, dahil super nakakaantig ang kwento.


July 12, 2010 - or 4 days after my birthday.


PHR presents Midnight Phantom starring Denise Laurel and Rafael Rosell - naging favorite ko rin ito lalo na ang theme song at ang book.


Noah starring Zaijian Jaranilla and Piolo Pascual - unfortunately hindi ko siya masyado sinubaybayan. Di ako mahilig sa pambatang show. Hehe.

July 11, 2011 - or 3 days after my birthday.


Reputasyon starring Cristine Reyes - next target ko sa Teleserye Throwback, talagang naging paborito ko tong show na to! Super! :))

July 9, 2012 - or a day after my birthday.



Be Careful With My Heart starring Jodi Sta. Maria and Richard Yap - eto na siguro ang pinakasuccessful sa lahat ng shows na nilaunch sa birthday period ko.


Kahit Puso'y Masugatan starring Andi Eigenmann, Jake Cuenca, Gabby Concepcion and Iza Calzado - favorite ko si Andi Eigenmann, favorite ko rin ang show na ito na tumagal ng 7 months. :)

Ang galing din kase halos lahat ng shows na ineere on my birthday period, nagiging successful at nagiging paborito ko pa. And mas exciting this year dahil Monday ang birthday ko, tapos 2 weeks na lang ang Apoy sa Dagat, so siguradong may eereng bago sa birthday ko. :) ABANGAN NA LANG NATIN! :)

Super coincidental noh. Pero thankyou ABS-CBN for giving me lagi mga bonggang regalo. Haha! :) Sana yung first soap ko pag writer na ako, July din ang airing at birthday period ko. HAHA! :)

No comments:

Post a Comment