Sunday, June 23, 2013

We Review: The First Two Weeks of My Husband's Lover

Last June 10, 2013, nagsimulang umere ang isa sa inaabangang teleserye ng GMA Network na nakatakdang magbago sa mukha ng Philippine TV - ang My Husband's Lover. Nakaset itong magbago sa Philippine TV dahil sa mapangahas nitong tema na hindi pa nagagawa ever on Philippine TV.


Ang My Husband's Lover ay pinangungunahan nina Carla Abellana (Lally), ang bagong Kapusong si Tom Rodriguez (Vincent) and Dennis Trillo (Eric). Kasama rin nila sina Roi Vinzon, Kuh Ledesma, Karel Marquez, Bettina Carlos, Victor Basa, Kevin Santos and Miss Glydel Mercado. The show's headwriter is the brilliant GMA writer Miss Suzette Doctolero (Encantadia, Amaya, One True Love) and director is Dominic Zapata (TGIS 2nd Gen, Mulawin, Diva, Luna Blanca, Temptation of Wife).

Ang kuwento ng My Husband's Lover ay umiikot sa mag-asawang si Lally at Vincent. Napaaga ang pagpapakasal nila dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Lally na ikinagalit ng ina nito. Naging okay ang pagsasama nilang mag-asawa despite sa laging pangingialam ng mother-in-law ni Lally sa kanila. But unknown to Lally, may hindi pa pala siya nalalaman sa kanyang asawa, that her husband is a closet gay. And that Vincent had a past relationship with his High School Bestfriend, si Eric. It was shown in the flashbacks that Eric and Vincent had a colorful and a happy relationship, until Eric needs to go out of the country dahil na-comatose ang daddy niya. At doon nakilala ni Vincent si Lally. And now, Eric is back at nagulat siya na may asawa na si Vincent.


As years go by, dumating na ang point na bubukod na si Lally at Vincent sa bahay ng parents ni Vincent. And they need an architect para sa pagbuo ng bago nilang bahay...and that happens to be Eric...kaya mas kaabang-abang ang story!

Sorry naman sa napakashortcut kong storytelling at ewan ko kung maayos ba. Hahaha. After all, review ito at hindi storytelling. Lol. :) Anyway, let's proceed to the review part.

Alam mong magiging successful itong palabas na ito mainly because of its risky and rich plot. Maraming pwedeng mangyari pero hindi predictable ang kwento.

And siyempre, we must give credit sa napakagaling na portrayal ng bawat actors. I really love the pilot episode kasi super intense ng acting ni Glydel and Karel sa confrontation scenes nila. Carla Abellana's star will really shine in this show dahil sakto lang ang acting niya for her role, hindi over-the-top, hindi rin naman mahinhin. Pero siyempre, walang tatalo kay Tom Rodriguez - who really made a good decision to choose this soap over BCWMH (favorite ko si Papa Pards at ang BCWMH, pero yes. Haha!) because talagang napansin ang acting niya. As in talagang napakalaki ng inimprove ni Tom from PHR: My Cheating Heart hanggang sa show na ito. But the grand slam award goes to Dennis Trillo. Kahit hindi na bago sa kanya ang pag-acting ng gay, talagang commendable ang acting niya here. The gestures, the manners, kuhang kuha niya.  Sana manalo siya ng award for this show.

And when it comes sa technical, pinakabongga ang opening scene kung saan ikakasal na si Lally...the effects, yung pagtalsik ng water when Lally stepped out of the car, ang ganda. :) Nakaka-amaze rin ang paggamit ng symbols - just like nung nahulog ang picture frame. May picture yun ni Lally and Vincent, then nung nahulog siya, nahulog din ang picture ni Eric. And siyempre, we must also commend its fast paced storytelling and sakto sa timeline ng story, one proof of that is yung bumalik si Eric at ang gamit niyang phone ay 6600. One more thing that I admire is the musical scoring, ewan ko pero ang classic pakinggan ng scoring at angkop na angkop sa bawat eksena.

Ang hindi ko lang type sa show - which is very mababaw - ay ang very short airtime nito! As in sobrang nakakabitin! I admit, mas pinapanood ko pa din ang Apoy Sa Dagat pero mas nauuna yun magstart, so ang ineexpect ko, mauuna din matapos. Kaso halos sabay lang sila natatapos, minutes lang ang interval! Tapos ang haba pa ng bumper [yung pag nagco-commercial gap tas pinapakita yung title card], so kumakain din siya sa airtime. Haha. Pero infairness to the title card, ang ganda ha!

Anyway, nararamdaman ko naman na makee-keep ng My Husband's Lover ang napakagaling na storytelling. Sana lang talaga walang kidnapan, walang patayan [yung violent part lang] and all. But knowing Miss Suzette Doctolero, bongga siya gumawa e. Kaya super excited pa ako sa twists nito. Yun nga lang sorry po talaga kung sa online lang ako watch kasi super love ko po ang Apoy sa Dagat. Hehe. Pero since 2 weeks na lang sila, baka lumipat na ako dito. Hehe. :)

Congratulations sa bumubuo ng My Husband's Lover and Goodluck! :))


No comments:

Post a Comment