At dahil nasa Something New na last week ang cast at premise ng soap na ito, ikekwento ko na lang sa inyo ang mga naganap sa unang linggo nito.
Nagbukas ang serye sa pag-alis ni Anessa Panaligan sa asinan para mag-OFW. Pero, naloko sila ng nagrecruit sa kanila. Kaya kinakailangang magtrabaho ni Anessa para matubos ang lupang isinanla nila. Dumating naman sa buhay niya si Eros Diomedes, isang lalaking gustong bilhin ang lupa nila. Ayaw sana ni Anessa na ipagbili ang kanilang lupa pero nagkasakit ang ina niya at kinailangan ng pera. Kaya napagdesisyunan niyang ibenta na ito kay Eros. Pero pagkatapos noon, umusbong ang pag-iibigan sa pagitan ni Eros at Anessa. Unfortunately, hindi naging pabor ang mga magulang ni Eros kay Anessa, at kinailangan ring magtago ni Eros para maprotektahan si Anessa. Kaya sa una sana nilang date, nagsinungaling si Eros at hindi niya sinipot si Anessa. Nakatunog naman si Anessa at Nancy kaya pinuntahan nila si Eros sa Manila. But unfortunately, ang tatay ni Eros na si Romulos ang nakasalubong ni Anessa. Ininsulto ni Romulos si Anessa so she decided to leave the place pero hinabol siya ni Eros at sinabi niya kung gano niya kamahal si Anessa, to the point na inaya niya itong magpakasal. Alexis, Eros' bestfriend sees this, na matagal nang may gusto sa kanya. Hindi pa rin pumayag si Anessa.
Lumuwas uli pa-Maynila si Anessa at Nancy para mag-apply uli bilang OFW sa POEA pero hinarang ni Eros ang bus na sinasakyan nila. Inaya ni Eros si Anessa na magpakasal, at napakabilis ng pangyayari, ikinasal sila. Hindi ito nagustuhan ni Romulos kaya pinalayas niya si Eros, kaya umuwi sila ni Anessa sa asinan. Hindi sanay si Eros sa buhay mahirap kaya lahat ng ginagawa niya palpak, so he started breaking down at inaaway niya na ang lahat, pati si Anessa, which made him come back sa Manila. Nung bumalik na sa Manila si Eros, nalaman ni Anessa na buntis siya, kaya pumunta rin siya sa Manila para ibalita kay Eros ang nangyari. Pinayagan na rin siya na magstay with Eros sa bahay ng mga Diomedes. Dito pinuntahan siya ni Alexis, at inayang magbonding. Napabilis ang takbo ng sasakyan ni Alexis kaya bumangga sila sa puno. And the last sequence shows na dinugo si Anessa.
Sorry ulit sa shortcut na kwento. Pero ang masasabi ko lang, pilot week pa lang, napakaintense at napakarich na ng ipinakita sa atin. At mabilis rin ang pacing ng kwento.
Of course, no doubt, lutang na lutang ang galing ni Miss Judy Ann Santos sa bawat eksena. While watching her, talagang hindi mo mapigilang maapektuhan sa nangyayari sa kanya, whether it be masaya, nakakaiyak or nakakagalit. Sam Milby's star is shining also, dahil malayo ito sa mga roles na pinortray niya. Talagang maiinis ka sakanya at the same time kikiligin. Coney Reyes, Susan Africa and Tirso Cruz III are undoubtedly great performers. Joseph Marco as the newest in the bunch, ay hindi halatang baguhan. Kaya niyang makipagsabayan sa mga kasama niya. Pero ang pinaka nagningning dito ay walang iba kung hindi ang mega daughter na si KC CONCEPCION. Sobrang puring-puri ako sakanya. Una sa lahat, she's playing a role far from all the roles she portrayed, and she handled it well, akala mo tagal na niyang nagkokontrabida. Second, I love her register sa camera, ang ganda ganda niya most especially when she did her Panther Walk sa una niyang labas, and even sa breakdown scenes. And ito ang the best, her breakdown scenes. Noong sa eksenang nagboblog siya, ramdam mo ang sakit sa kanya, even dun sa car scene nila ni Sam Milby. And I must say na talagang ang laki ng inimprove niya, 'coz I will never forget her scene sa Lovers in Paris wherein iniinsulto siya ng character ni Rachel Anne Wolfe, pilit ang iyak niya. Pero dito sa HKLM, very natural siya, and she is really good! :)
On the technical side naman, napakaganda ng musical scoring ng show na ito. Ang sosyal ng dating (well lagi naman yan sinasabe ko pag Jesse Lucas hahaha), ang ganda rin ng bawat sequence dahil hindi lang ang artista ang ineemphasize kundi pati ang mga lugar. Maganda rin ang editing...well except dun sa nabanggang kotse dahil obvious ang animation. Haha. But nevertheless, napakaganda ng show na ito, at kung totoo man ang tsikang ilalagay ito sa later timeslot, nakakainis. Ayoko. Haha! And sana din, mas magshine pa ang Empress of Drama na si Empress in the future episodes. :)
Nawala man ang IKA, ito na ang bago kong guilty pleasure! :)
Panalo itong teleserye na to at paganda ng paganda ang kwento araw araw.
ReplyDelete