Saturday, June 15, 2013

Teleserye Throwback: Kaputol ng Isang Awit

Image Courtesy of: www.wikipedia.org
Taong 2007 noong magsimula ang umbrella series ng GMA na "Sine Novela", which serializes classical Viva Movies in television. Karamihan sa naipalabas na Sine Novela ay humataw sa ratings pero may mga mas nagstandout talaga. Isa na rito ang 2008 remake ng pelikula noon na pinagbidahan ni Gary Valenciano, Amy Perez, Eddie Mesa, Ton-ton Gutierrez at Sharon Cuneta, ang Kaputol ng Isang Awit.

Image Courtesy of www.pep.ph
Sa 2008 version, ang mga nagsipaganap ay sina Lovi Poe (Joanna Ambrosio), Marky Cielo (Eric Valderama), Jolo Revilla (Marco Salcedo) at Glaiza de Castro (Sarah Monteza). Kasama rin sina Gary Estrada (Julio Ambrosio), Isabel Granada (Boss Elena), Tuesday Vargas (Mimay), Jade Lopez (Daniella), Leo Martinez (Lolo Ige Monteza), Mr. Tirso Cruz III (Arsenio Rivera/Mang Kidlat) and Miss Snooky Serna (Vina Monteza), with a special participation of the then pregnant Jennylyn Mercado (Charmaine Ambrosio). Ang direktor nito ay si Mike Tuviera (Ngayon at Kailanman, Faithfully, Kidlat) and headwriter is Des Garbes-Severino (Coffee Prince)







Ang kuwento ng 2008 version ay tungkol kay Sarah na ang pangarap lang ay gumaling ang catatonic niyang inang si Vina. Pero isa na rin sa mga secret dreams niya ang maging isang singer, pero pinagbabawalan siyang kumanta ng kanyang lolong si Ige. She works as a production assistant to Awit Records, na pinamamahalaan ni Boss Elena, na talent naman sina Charmaine Ambrosio, isang sikat na singer na idol rin ni Sarah, at Joanna Ambrosio, isang malditang upcoming singer na kapatid ni Charmaine. Joanna has a boyfriend in the name of Eric Valderama, isa rin sa mga boss sa Awit Records, pero ayaw ilantad ni Joanna ang relasyon nila dahil mabibitin ang pagsikat ni Joanna pag nalaman ng publiko na may boyfriend siya. We also have Marco Salcedo, may lihim siyang pagtingin kay Joanna kaya gagawin niya ang lahat para mapabagsak ang mga kalaban ni Joanna. Ang ama naman ni Joanna at Charmaine ay si Julio, isang dating miyembro ng banda who has a secret.

One day, makakahanap si Eric at Sarah ng isang unfinished musical sheet entitled, "Kaputol ng Isang Awit", na sinulat ng isang Arsenio Rivera. Sarah sees na may pangalan ng kanyang ina...mapapaisip siya na baka ang kanyang ama ay ang Arsenio Rivera na ito...plus pag nagwawala ang kanyang ina, sinisigaw nito ang pangalang "Carissa", na iniisip rin niyang kapatid niya. As she finds her lost father and sister, she continues to be more popular, beating Joanna kaya mas tititindi ang labanan nila.

Image Courtesy of www.pep.ph
Ang 2008 version ay medyo iba sa original version nito dahil unang una, ang character na Joanna Ambrosio ay isang lalaki, in the name of Johnny Abrigo. And so as Marco Sison, na Margaux sa original version. But basically the other elements were retained, mas modern lang siyempre ang 2008 version. :)

One advantage ng palabas na ito is its theme song entitled "Nais Ko" na ang kumanta ay si Lovi Poe at Glaiza de Castro and was composed by Ogie Alcasid. Bukod sa magandang melody at pagkakakanta ng dalawang aktres, maganda rin ang lyrics nito at talagang nakakatouch. Isa rin yan sa factors bakit naging paborito ko ang show na ito. Another is that bago ito sa pang-hapong mga drama dahil glossy ang naging treatment sa show at mukhang hindi tinipid.

Isa ito sa mga nagawang maganda ng GMA and I am hoping na makapag-produce sila uli ng ganito. Infairness naman na kahit 15 weeks lang umere ang Kaputol  ng Isang Awit (usually Sine Novelas finish around 13-16 weeks), hindi naman nabitin at sakto lang ang flow ng story. :)

And to end this, relive again the moments of this show by watching its Music Video. :)


No comments:

Post a Comment