Saturday, June 15, 2013

Birthday Chronicles 2013: 18 Wishes.

In less than a month, mage-eighteen na ako. As in oo, 18. Legal age daw sabi ng iba.

Kaya naman binabalik ko sa aking blog ang Birthday Chronicles na segment. Hahaha. :)

Sa totoo lang, excited ako maging 18. Sabi ng iba, wala daw pagbabago na mangyayari kapag 18 ka na. Pero ako, hindi ako naniniwala. Siguro hindi lang ramdam, pero every year you age, may nababago sa sarili mo, pwedeng sa looks, pwedeng sa attitude, pwedeng sa maturity level and thinking, madami. At kung wala talagang kusang magbabago, gagawa ako ng paraan para may mabago dahil gagawa uli ako ng Jimpy's 18 rules to live by at 18. Haha.

Pero hindi talaga yan ang topic ko. Kasi sa 18th ko, madaming madami akong wish. Haha. Sa totoo lang, madami talaga. Pwedeng hindi siya matupad sa mismong birthday ko, pwede ring sakto. May material things, merong intangible, merong friends or family ang dapat mag fulfill, meron din namang ako lang ang pwedeng makasatisfy sa sarili. :) Pero isha-share ko na sa inyo para alam niyo na kung anong gusto ko. Hahaha. Ang kapal talaga ng mukha ko noh. Though I appreciate everything naman, madalas diba tinatanong, ano bang gusto mo sa birthday mo chenes chenes and eklaber. O eto na sagot. :) Haha!


1. DVDs ng Be Careful With My Heart. So far, ang target kong bilhin, Volume 6, Yung Volume 7 onwards, regaluhan niyo ko. Haha! Perooooo, mag-usap usap kayo friends, baka dumoble doble, mahirap na. Hehe. :)
2. Makanuod ng taping ng Teleserye. Haha. Once pa lang ako nakakakita (as of this writing) at accidentally pa.
3. Makita ang kahit isa sa ultimate showbiz crushes ko at mabati ako ng Happy Birthday - Khalil Ramos, Diego Loyzaga, Mikoy Morales, Joseph Marco or Kiko Estrada. :)
4. PHR Book: Love Is Not Blind. Gusto ko lang. Haha. :)
5. Apron ni Maya of Be Careful With My Heart.
6. Kung may nabebenta, Juan Dela Cruz na figurine.
7. Isang bonggang-bongga 18th birthday pictorial.
8. Mga taong willing akong makatrabaho for a special something sa Jimpy Loves TV...or kung yun pa name ng blog ko. Haha. Basta kailangan ko ng Videographer, Photographer at Director. Hihi. :)
9. DVD ng Maging Sino Ka Man Volume 13. Ang makahanap talaga nito, may regalo din saken pabalik!
10. Isang guy na magbibigay saken ng bulaklak sa birthday ko.  Kahit isang stem lang. Haha. Bigla ko lang naisip talaga. He doesn't have to be someone super special ha. Hahaha! Kahit pang etching lang basta meron. :))) Hahaha! Ambisyosa.
11. Kahit anong cheesecake. Hahaha! Basta for my birthday cake, cheesecake talaga.
12. Gusto ko ng video greetings. Hahaha! Kfine!
13. Isang party na merge ang Girlfriends (HS Friends) at Tropa (College friends) para naman magmeet na rin sila! Sa party, kasama rin mga pinsan ko nang magkaharapan na talaga. Haha! Tapos sana pati friends kong taga-industry. :)
14. Maka-attend uli sana sa isang showbiz/media function.
15. Kumain sa isang buffet. Kailangan kasama ko isa lang. :) At kung libre ko? Abangan!
16. Kumain or pumunta lang sa ABS-CBN area sa birthday week/before birthday ko. :)
17. Makapasok sa listahan ng honors. WOOOOW. :> [Abangan! Shucks!]
18. Patuloy na mahalin ng friends and family ko...at higit sa lahat ng sarili ko. Haha!

Anyway, wish lang naman yan lahat. Di naman kailangang matupad, or agad agad matupad. Pero sana hangga't  kaya, matupad, para masaya ako. Haha! :) Too bad Lunes birthday ko, di masyado pwede matupad yung iba, pero yung iba kayang kaya! :D Haha!

Advance Happy 18th Birthday to me at sa lahat ng magbibirthday! Lovelovelove!

No comments:

Post a Comment