Sa original nito, ang gumanap na Anna ay si Antoinette Taus, Karen ay si Sunshine Dizon, at Nina ay si Kim delos Santos. If we can remember, they were 3 of the hottest teen stars of their generation. Sa remake, 3 sa pinakamainit na tween stars ng GMA ang gaganap sa mga roles nina Anna, Karen at Nina. Ang gumaganap ngayon na Anna ay ang isa sa mga unang child stars ng GMA na si Krystal Reyes habang ang Karen naman ay ang tween queen na si Barbie Forteza at ang Nina ay ang primera kontrabidang tween na si Joyce Ching. Habang si Yasmien Kurdi naman ang gumanap na Maggie na unang ginampanan ni Pinky Amador, at si Valerie Concepcion sa role ni Maritoni Fernandez na si Ruth.
Ang 1996 version ay idinerehe ng magaling na direktor na si Direk Gil Tejada, Jr. habang ang bagong version ay si Direk Gina Alajar, as her first primetime project as a director. Ang headwriter naman nito ay si RJ Nuevas na siyang headwriter rin ng 1996 version (kaya ang nasa title ay RJ Nuevas' Anna KareNina dahil siya ang gumawa talaga nito.)
So sabi ko nga, review ang gagawin natin for the first 2 weeks (bilang late ang review ko kaya sinagad ko na) kaya ito ang synopsis pero sho-shortcutin ko na lang. Hehe. :)
The story opened with the 18th birthday celebration of Margarita "Maggie" Monteclaro. She is enjoying the party ng bigla siyang nagdu-du-duwal. Nakita siya ni Ruth sa CR and here inamin ni Maggie na may nangyari sa kanila ng boyfriend niyang si Brent. Cinomfort ni Ruth si Maggie. Nagsasayaw na ng cotillion si Maggie when she fainted and there nalaman na buntis siya. Pinalayas siya ng kanyang ama-amahan na si Don Xernan kaya mapupunta siya sa Safe Haven. Mabubuntis, manganganak at papangalanan niya itong Anna Karenina. Unfortunately biglang mawawala si Maggie.
Muli namang magbabalik si Don Xernan at Donya Carmela Monteclaro sa Pilipinas at mapapagdesisyunan nilang hanapin ang nawawalang si Maggie at Anna Karenina. Malalaman nila na patay na si Maggie. Kaya patuloy nilang hahanapin si Anna Karenina. Magpo-pose sila ng reward na 10 Million Pesos. Maraming dadating, manloloko, pero may tatlong magsa-standout na magpapakita ng mga authentic na birth certificate. Sila si Anna Karenina "Anna" Caluya, Anna Karenina "Karen" Villarama, at Anna Karenina "Nina" Fuentebella. Isa-isa ring i-e-explain ang mga nangyari sa kanila bago makita ang diyaryo.
Si Anna ay mahirap lang na magdadaing. Ang ina niyang si Nayda ay biglang nagkatumor sa atay kaya ang kapatid niyang si Becky ang nagtulak sa kanya na pumunta sa mga Monteclaro at kunin ang reward.
Si Karen naman ay hirap sa buhay na lumaki sa pangangalaga ni Suzie, isang dating dancer sa club. Magkakainteres siya sa yaman ng mga Monteclaro dahil gusto niyang mabago na ang kanilang buhay.
Si Nina naman ay ang ampon ni Bridgette at Lucas Fuentebella. Ayaw na niya sa kanyang pamilya dahil wala itong panahon sa kanya at tinangka pa siyang rapin ng ama-amahan niya. Kaya siya pumunta sa mga Monteclaro dahil sa malaki niyang galit kay Maggie.
Tatanggapin silang tatlo ng mga Monteclaro at magsasama-sama sa iisang bahay. Sa ngayon, ang nangyayari na ay ang paghahanap ng balat sa paa kanila Anna, Karen at Nina dahil sinabi ng nakasabay ni Maggie daw na nanganak sa Safe Haven na may balat ang naipanganak na Anna KareNina.
As for my review, masaya ako sa remake na ito dahil napanatili nito ang mga tumatak na elements from the original - like, noong dinuran ni Nina ang picture ni Maggie sa galit nito (sinasabi ko nang may pakinabang talaga yung malaking picture ni Maggie e. Hahaha! At nahulaan ko na rin na hindi to aalisin, buti na lang!) at ang laging pagkahimatay ni Karen pag nakikita niya si Aldrin. Sa katunayan, sa 2-week duration nito ay konti pa lang ang nagiging changes from the original (except for the characters' names na sobrang nabago talaga yung iba.).
Sa ngayon din, kay Joyce Ching ako pinakamasaya sa pag-arte. Pero natutuwa ako sa itsura ni Krystal. As for Barbie, okay naman dahil baklang-bakla siya, yun nga lang di ako masyado nababagayan but she is doing her job real good, konting push lang para mas mukhang natural. :)
\
Patuloy na subaybayan ang Anna Karenina after 24 Oras!
Images Courtesy of Anna Karenina's Facebook Fanpage.
No comments:
Post a Comment