Matatandaang noong May 2, 2005, gumawa ng history ang GMA simula nang umere ang pinakamalaki at pinakamatagumpay nilang Telefantasya, ang ENCANTADIA. Ito ay hinango sa kaharian na naging parte ng Mulawin, ang unang telefantasya ng GMA noong 2004. Dahil sa tagumpay nito, nasundan ito ng 2 pang chapters, ang "prequel" nito na Etheria, at ang sequel na "Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas".
![]() |
Reyna Mine-a at ang Apat na Sanggre |
- Sunshine Dizon as Pirena
- Iza Calzado as Amihan
- Karylle as Alena
- Diana Zubiri as Danaya
- Dingdong Dantes as Ybarro/Ybrahim
- Jennylyn Mercado as Lira/Milagros
- Yasmien Kurdi as Mira
- Mark Herras as Anthony
- Dawn Zulueta as Reyna Mine-a
- Pen Medina as Hagorn
- Alfred Vargas as Aquil
- Cindy Kurleto as Cassiopea
- Polo Ravales as Hitano
- Leila Kuzma as Agane
- Jake Cuenca as Kahlil
- Bobby Andrews as Asval
- Nancy Castiliogne as Muyak
- Girlie Sevilla as Gurna
- Benjie Paras as Wahid
- Michael Roy Jornales as Apek
- Marky Lopez as Wantuk
- Arthur Solinap as Muros
Umikot ang kuwento ng Encantadia Book 1 sa apat na kaharian nitong Hathoria, Lireo, Adamya at Sapiro at sa apat na Sanggre - sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya. Isa sa kanila ang papalit na reyna sa kanilang inang si Reyna Mine-a. Mag-uumpisa dito ang inggitan sa kanila lalo na sa pagitan ni Pirena at Amihan. Umikot din ito sa kagustuhan ng mga Hathor ng Hathoria na makuha ang apat na brilyante sa mga sang'gre: ang brilyante ng apoy, hangin, tubig at lupa.
Nang magwakas naman ang Book 1, nagkaroon ito ng prequel, ang Etheria: Ikalimang Kaharian ng Encantadia. Napag-alamang may isa pa palang kaharian ang Encantadia noong unang panahon at muli itong nabubuo ngayon sa Encantadia. Ito ang Etheria, ang pinakamakapangyarihang kaharian noon. Sa prequel na ito ipinakita ang mga pangyayari bago ang book 1 ng Encantadia.
Narito naman ang mga dumagdag na cast.
![]() |
Heran Odessa ng Hera Aega |
- Francine Prieto as Reyna Avria
- Alessandra de Rossi as Andora
- Jopay Paguia as Juvila
- Pauleen Luna as Odessa
- Dennis Trillo as Young Raquim
- Nadine Samonte as Young Minea
- Ping Medina as Young Hagorn
- Sid Lucero as young Asval
- Aiza Marquez as young Gurna
- Mike "Pekto" Nacua as Banak
- Rainier Castillo as Nakba
- Ella Guevara as Cassandra
- BJ Forbes as young Aquil
- Paolo Paraiso as Animus
- Tirso Cruz III as Barkus
- Daniel Fernando as Cilatus
- Gary Estrada as Meno
- Justin Cuyugan as Arkrey
- Noni Buencamino as Bartimus
- Michael Flores as Arvak
- Tonton Gutierrez as Memen
- Glydel Mercado as Ornia
- Alfred Vargas as Amarro
- Raymond Bagatsing as Emre
- Angel Aquino as Ether
Ang Etheria ay binubuo ng apat na Tribo: Ang Hera Andal, Hera Sensa, Hera Volo at Hera Aega.
Matapos ang 50 episodes ng Etheria, binuksan muli ang Encantadia sa ikatlo nitong yugto, ang Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas.
Additional Cast:
- Jay-R as Azulan
- Jackie Rice as Armea
- Marky Cielo as Arman
- Cheska Inigo as Galatea
- Marnie Lapus as Rosas
- JaBoom Twins as Violeta at Luntian
Umikot naman ang kwento nito sa pagbabalik ng apat na Heran at ni Ether upang maghiganti at mabawi ang kahariang naging kanila. Dumating rin ang mga anak ni Alena at Ybarro, at Odessa at Ybarro na sina Armea at Arman.
ANYWAY. Ang entry na ito ay parang pagbibigay pugay na rin sa tagumpay at saya na binigay ng palabas sa maraming manunuod. Tara at magtala tayo ng ilan sa mga memories ng Encantadia. Ito ang aking share. :)
![]() |
Mira, Amihan, Lira, Pirena |
- Ang umpisang labanan nila Raquim, Hagorn at Armeo, ang pagdating ni Amihan sa Encantadia
- Ang mga Sang'gre na naglalaro at dahan-dahang lumaki.
- Ang paglalaban sa pagiging reyna, kung saan nagwagi si Amihan.
- Ang labanan ni Mine-a at Pirena.
- Ang pagkakabuo kay Lira sa panaginip ni Amihan at Ybarro.
- Ang binhi na nagsasabing buntis na si Amihan sa kanyang anak na si Lira.
- Teka, masyado nang ma-events, napipiga na utak ko. Kaya ang Enchanta muna: Sang'gre, Aznamon Voyanazar, Ivo Live Encantadia, Sheddah, at ang pinakafavorite ng lahat, PASHNEA!
- Ang transformation ng apat na sanggre pag makikipaglaban na sila.
- Ang lumulutang na mga brilyante sa kamay nila.
- Ang paghiwa ni Cassiopea sa isang malaking puting diyamante, dahilan para maging apat na brilyante ito. Gaga siya. Hahaha.
- Ang ginintuang orasan ng mga Etherian.
- Ang pagpatay ni Arkrey kay Cassiopea at Evades sa Book 3.
- Ang apat na malaking kaguluhan sa Book 3.
- Ang pag-iiba iba ng history na ginawa ng mga Sang'gre sa Etheria. Nakakaloka. Haha.
- Ang panggagaya ng anyo ni Pirena.
- Ang pagkamatay ni Pirena sa Book 1, na dahilan kung bakit hindi sumisikat ang araw at walang apoy sa Encantadia.
- Ang mga nakakaaliw na kanta! Tadhana sa Book 1, Hade sa Book 2. Plus Asshenti, Ivo, Isang Bagong Mundo!
- Ang huling labanan sa Book 3 kung saan suot ni Armea ang damit ni Alena.
- Ang mga nakakatuwang nilalang ng Adamya. Sila Imaw, Banak, Nakba, Awoo at Aegen.
- Ang pinakafavorite na character ko kahit bihirang maramdaman ang presence niya - Si AGANE. :)
Reyna Avria - Ang pagpapanggap ni Ether bilang si Reyna Minea sa Book 3. Isama pa ang pagbasag ni Cassandra sa kristal kung saan nandun ang mga kaluluwa ng apat na heran ng Etheria.
- Ang pagpapalit ni Danaya at Avria ng katauhan. At nang makabalik na, kawawa si Danaya dahil siya ang pinagbintangan ng mga taga Encantadia sa kaguluhang naganap.
- Ang pagnipis ng mga head dress ng mga sanggre sa Book 2.
- Ang pagkamatay ni Lira dahil mas pinili na lang niyang sumama kay Anthony na namatay na sa katandaan, dahil hindi tumatanda si Lira.
- Ang pagsundo ng mga paru-paro sa katawan ng mga namamatay na taga Encantadia.
- Ang pakikipaglaban ni Lira sa mga chorba sa Devas. Haha.
- Ang nakakatuwang ahas costume ni Bathalumang Ether.
- Ang paglaki ni Cassandra sa ending ng Book 3 na ginampanan ni Precious Lara Quigaman.
- Ang paglaho ng apat na Sanggre sa ending ng Book 3 at ang pagpapakita sa kanila na masayang naglalaro sa ere. Naiiyak ako pag naalala ko. Haha.
- Ang napakabonggang korona ng reyna ng Encantadia.
- Sina Memen at Ornia at ang pagpatay sa kanila. I love the name Ornia talaga.
- Ang pagkamatay ni Ybrahim at ni Alena. Sayang di ko to napanuod. Haha.
- Ang pagpapagaling ni Danaya.
- Ang pagpasok ni Bagwis sa book 1, at ang paghulog niya sa brilyante ng lupa sa dagat. Nag-iisang Mulawin na nga lang na umentra na tanga pa. Hahaha joke!
- Ang kambal diwa ng mga Sang'gre. Favorite ko si Aera, pero laughtrip talaga lagi si Sari-a at Danaya! Hahaha!
- Ang medallion na nakakapagbukas ng lagusan. Aznamon Voyanazar!
Anyway, gusto kong magpasalamat sa mga lumikha ng Encantadia. Kasi napakagaling talaga. Alam niyo yung halos 1 year akong hindi na-bore sa TV at nakakita ng bago. At ang galing niyo, kasi solid ABS-CBN Primetime Bida ako talaga, pero nung nagka Encantadia at Darna ni Angel, ay lipat sa 7 talaga. (Kaya di ko nasubaybayan yung Ikaw Ang Lahat Sa Akin e. Haha!)
To Miss Suzette Doctolero, ang dakilang lumikha ng telefantasyang ito, napakagaling niyo po. Ako pangarap ko maging writer pero never ko na-imagine na makakapagsulat ako ng ganitong klaseng teleserye. Napakagaling talaga at napakaganda. And of course, to Direk Gil Tejada Jr and Direk Mark Reyes talaga na dalawa sa paborito kong directors ng Channel 7! (Mejo ang mga original na Anna Karenina at TGIS lang naman ang hinawakan. Direk Gil for AKN and Direk Mark for TGiS! O ano ka pa?). Napakaganda. :)
Noong 2010, napabalitang magkakaroon ng Encantadia: Second Saga. Kaso pano na ngayon, wala na si Amihan, Alena at Danaya? Feeling ko wag na lang unless di na sila kailangan, kaso pag wala sila hindi na Encantadia yun e. :( Haha. Pero marami pa namang bagong dadating! :) At exciting! :D
So, ang masasabi ko lang? IVO LIVE ENCANTADIA. Pag trinanslate, Long Live Encantadia yan! :))
Images Courtesy of GMA Network and Google.
No comments:
Post a Comment