Sunday, August 25, 2013

Finale Tribute: Huwag Ka Lang Mawawala

Eto na ang pangatlong post ko about this show sa blog na ito. Haha. Una sa Something New, sumunod ang pilot week review, at ngayon, Finale Tribute na. Ermehgerd.

Nagwakas na last Friday ang 10-week old teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala, ang comeback teleserye ng nag-iisang reyna ng Pinoy Soap Opera Miss Judy Ann Santos. Nag-umpisa ito noong June 17 at nagwakas nitong Friday, August 23.

Bilang 3rd entry ko na ito re the show, pwedeng wag ko na masyado ikwento? Hahaha. Joke! Pero ang show ay tungkol sa women empowerment. Ang HKLM ay tungkol kay Anessa Panaligan, na handang ipaglaban ang karapatan niya bilang babae at bilang ina laban sa ama ng kanyang anak na si Eros.


The Cast of Huwag Ka Lang Mawawala

  • Judy Ann Santos as Anessa Panaligan
  • Sam Milby as Eros Diomedes
  • KC Concepcion as Alexis Ganzon
  • John Estrada as Alejo Apostol
  • Mylene Dizon as Athena Apostol
  • Empress as Iris Diomedes
  • Joseph Marco as Leandros Panaligan
  • Coney Reyes as Helena Diomedes
  • Susan Africa as Demetria Panaligan
  • Tirso Cruz III as Romulus Diomedes
  • Gretchen Barretto as Atty. Eva Custodio
  • Ogie Diaz as Roger
  • Bryan Termulo as Victor
  • Matet de Leon as Nancy
  • AJ Dee as Edgar
  • Miguel Vergara as Emman/JR
  • Miss Amalia Fuentes as Dra. Maria Balaguer
Actually, di ko na din masyadong nasubaybayan ang show dahil naging busy na simula noong magpasukan. Pero nasubaybayan ko ang pilot week, ang ilang episodes at ang finale week ng show. Nakita ko rin ang hindi natuloy na kasal ni Alexis at Eros, ang sampalan nina Alexis at Anessa. Pero actually, ang gusto ko talagang i-discuss (para maging distinct sa ibang tribute), ang naging finale week ng show dahil hindi ako makamove on. :)

Isa sa mga eksena sa huling gabi.
Unang una, napakaganda ng ending. Isa ito sa best endings na napanuod ko, most especially that Juday came from a not-so-magandang ending sa huli niyang naging Teleserye. Sorry! :) Kahit medyo matagal yung fight scene at nabuhay lahat ng nabaril. Haha. Naawa tuloy ako kay Eva, siya ang lone fatality sa show. Haha! Marami ring naging twists and turns ang story, like Romulus being gay, si Helena ang tumulong kay Anessa, Eva is one vengeful lady, and everything. But the ending was so strong na na-intensify niya talaga ang buong 10-week run. Walang part ng cast na hindi nabigyan ng pagkakataong mag-shine sa huling linggo ng airing.

Sa teleseryeng ito, grabe lahat ng actors, kasi as usual, yung lagi kong sinasabi, walang patapon ang acting. Sam Milby as the psycho Eros was really scary. Grabe. Di ko siya kinaya. :) Of course, Tirso Cruz III (na ang gandang bading), Coney Reyes and Susan Africa are already veterans kaya wala nakong masasabing di maganda. Haha! Gretchen Barretto is also a grandslam winner, dahil alam niyo naman na marami siyang critiques, pero dito napakagaling niyang umarte, grabe. Sobrang hasang-hasa. Dapat laging may acting project si Greta para magtuloy-tuloy na ang galing niya. :) Empress and Joseph Marco naman, I had a doubt, kase diba ang original plan, Jessy and Joseph. E na-prove na nila ang chemistry via Sabel and Wansapanataym so okay. Pero nung sila na, di ko man lang naisip na si Jessy nga pala ang original ka-loveteam ni Joseph. Bagay sila. At si Empress kahit support lang siya, napatunayan niya pa ring siya ang Empress of Drama sa mga eksena niya noong finale week. And Joseph Marco's good too, pwedeng pwede nang leading man. Gwapo pa! :)


But the best actress of the team (bukod sa mismong bida) goes to KC CONCEPCION. Alam ko, ipapabasa ko to kay Miss KC dahil idol ko siya. Kahit idol ko siya noon, nainis ako sa isang eksena niya sa Lovers in Paris kung saan parang pilit yung iyak niya. Pero noong napanuod ko tong teleserye na ito? Mygash. Jusko. Siya ang pinakabongga! Bagay sa kanya ang kontrabida! Kahit ako eh, nagulat nung nalaman kong magkokontrabida siya, pero trailer pa lang, nadala niya na. Sobrang bilib na bilib ako sa kanya. Sana mabigyan na siya agad ng next show kung saan bida kontrabida siya. Jusko, paano kaya kung natuloy yung Alta? Ano kayang role niya? Paano kaya kung ginawa niya pa rin yung A Secret Affair? Sobrang naging zooooper fan ako ulit ni Ate Kace (feeling close) dahil dito (fan nya pa rin ako pero medyo nabawasan dahil naprioritize yung iba). Winner na winner. KC CONCEPCION IS NOW A CERTIFIED ACTRESS. SOBRA SOBRA SOBRA.

Pero siyempre, wag nating kakalimutan ang Reyna ng Soap Opera na si Miss Judy Ann Santos. Once again, napatunayan ni Miss Judy Ann (kahit di niya na kailangang patunayan) na talagang siya ang nag-iisang reyna ng teleserye. Bukod sa ipinakita niyang performance sa show, inamin niya na siya ang nagsabing putulin na ang serye. Wag niyong sasabihin na kaya matatapos ang HKLM ay dahil talo sila sa ratings. Nothing against MHL, pero winner ang show sa ratings noh. Hindi man sobrang naduplicate yung ratings ng IKA pero wagi pa din sila. :) Anyway, napakaganda ni Juday. Lalo na nung short hair na. At nakakaloka ang iyak niya, parang gripo. Wala pa siyang ginagawa umiiyak na. Bongga!

Napakaganda ng storytelling. Fast-paced ang storytelling. Hindi binababad ang eksena. At ang mga confrontation scenes, well-handled. Ang ganda ganda panuorin. Wish ko talaga, ilabas to sa DVD. Parang awa niyo na. DREAMSCAPE AND STAR HOME VIDEO, PENGENG DVDs NITO. Kasi di ko nasubaybayan e. :( Pero ang cool kasi FIRST EVER in HISTORY na magkaroon ng Finale Week Marathon kaya tuwang tuwa ako! Haha!

To the writers, most especially to Miss Danica and Sir David na galing din sa IKA, ang galing walang bahid ng IKA ang HKLM kahit halos magkasunod niyo lang ginawa. :) Congratulations po, pati kay Miss Arlene, Miss Rhoda and Miss Dang. :) Napakagaling! And of course to Direk Jerry Lopez Sineneng and Direk Tots Mariscal! Bongga. AY! Diba sa Esperanza kayo din po ang magkawork with Direk Tots as PD ata? Bongga! :)

Mamimiss ko to kahit di ako sobrang na-attach. Kaya ABS-CBN. Sige na, 10 weeks na nga lang yung show, kayang kaya na niyang i-DVD oh kahit compiled volumes like Walang Hanggan/MLKI lang. Please? :)

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Huwag Ka Lang Mawawala!



Images Courtesy of: Huwag Ka Lang Mawawala FB page, ABS-CBN

No comments:

Post a Comment