Ang kuwento ng Kakambal ni Eliana ay tungkol sa isang babaeng nawalay sa mga magulang niya ng ipanganak siyang may kakambal na ahas. Lumaki siya ng nakakulong sa basement ng shoe store na pag-aari ng kanyang pamilya. Pero ang nakilala lang niya ay ang lolo't lola niya. Inilihim sa inay niya na buhay siya. Isang araw, nagkaroon ng gulo sa store kaya nakalabas siya, at napadpad siya sa pamilya ng kanyang ama (na hindi niya alam, of course.).
Ang cast ng Kakambal ni Eliana:
- Kim Rodriguez bilang Eliana
- Jean Garcia bilang Isabel
- Jomari Yllana bilang Emman
- Chynna Ortaleza bilang Minerva
- Sherilyn Reyes bilang Nora
- Antonio Aquitania bilang Basti
- Lexi Fernandez bilang Marga
- Enzo Pineda bilang Julian
- Kristoffer Martin bilang Gabo
- Eva Darren bilang Aurora
- Leo Martinez bilang Eddie
- Carlene Aguilar bilang Angie
- Ernie Garcia bilang Samuel
At bilang finale tribute ang entry na ito, sariwain din natin ang ilan sa mga hindi malilimutang moments sa Kakambal ni Eliana. Sorry kung may mga hindi ako mababanggit kasi di ako masyado nakasubaybay simula nung nagpasukan. :)
- Ang mga eksena sa Isla Serpente: ang pagiibigan ni Emman at Isabel, ang paghadlang ni Aurora, Nora at Minerva sa pagmamahalan nila. Ang pagpapakagat ni Nora kay Isabel sa ahas.
- Ang panganganak ni Isabel sa sanggol na may kakambal na ahas. Ang dapat na pagtapon ni Aurora sa sanggol pero binalikan niya rin dahil sa hulang ito ang magdadala sa kanila ng swerte.
- Ang paglaki ni Eliana sa stock room ng shoe store ng mga Cascavel. Ang pagmamahal ni Lolo Eddie kay Eliana.
- Ang pagkikita ni Eliana at Julian nung mga bata pa sila, tapos biglang lumabas si Naja. Ayun naduwag si Julian.
- Ang pagkakaroon ng gulo sa shoe store ng mga Cascavel, ang paglabas ni Eliana at pagligtas nila ni Naja kay Isabel.
- Ang pagkikita ni Eliana at Gabo, ang pagligtas ni Gabo at ang pagbugbog sa kanya. Lumabas si Naja at na-video-han.
- Ang muling pagkikita ni Eliana at Julian ng malalaki na sila.
- Nakulong sa isang perya si Eliana. Ang pagkagat ni Naja sa may ari ng perya.
- Napadpad si Eliana kela Emman.
- Ang pagiging modelo ni Eliana ng Serpentina shoe line. Ang fashion show, ang inggit ni Marga.
- Ang photoshoot ni Eliana, na may masama pang plano si Marga at Minerva.
- Nalaman ni Isabel na buhay ang kanilang anak, ang paghahanap niya. At nakakuha pa sila Basti ng isang bata para magpanggap.
- Naging si Julian at Eliana. Selos na selos si Marga.
- Idiretso ko na sa may ending kasi di ko na nasubaybayan masyado. :( Anyway, ang pagrereunite ni Eliana sa kanyang mga magulang at ang pagtira nila sa isang bahay.
- Ang pagkakasunog ni Nora.
- Ang pagpapalit ng anyo ni Minerva bilang babaeng ahas.
- Ang paghihiganti ni Minerva, ang pagkidnap niya kay Emman at Marga.
- Ang pagligtas ni Basti kay Eliana.
- Ang pagkamatay ni Naja.
- Ang pagsagot ni Eliana kay Gabo. Kinikilig ako sa kanila I swear.
- Ang paglipat nila Eliana sa Isla Serpente.
![]() |
Minerva is now a snake. |
Sorry kung ang konti ng memories pero I swear, isa ang Kakambal ni Eliana sa mga magagandang na-produce ng GMA for their Afternoon Prime block. Noong una, hindi ko pa type ito dahil matatapos na yung Forever tapos puro ahas pa. E takot ako sa ahas, pero si Naja, minahal ko talaga, naiyak pa nga ako nung namatay siya e! Haha!
And I love Kim Rodriguez. Akala ko dati, chever chever lang siya aacting sa umpisa, basically kasi diba pag first time magbibida, parang di maayos or whatever, pero ang galing niya. Gustong gusto ko siya at kinikilig ako sa kanila ni Kristoffer Martin. At infairness to Kristoffer Martin, super gwapo niya sa palabas na to. Pinangarap kong maging si Eliana! Hahaha lol. :) I love din Lexi Fernandez! She's forever my favorite. Sana mabait naman siya sa next show niya, napapansin ko kasi ganun. Mabait, hindi, mabait. Favorite ko talaga siya. Enzo Pineda has also the leading man factor, kailangan pa lang i-improve sa next show pero ang gwapo niya! And to Miss Sherilyn Reyes and most especially Miss Chynna Ortaleza, kung wala kayo or kung hindi kayo ang kontrabida sa show na ito, palagay ko hindi ito masyadong magiging matagumpay dahil nadala niyo ang palabas ng bonggang bongga! And infairness to Chynna ha, nakakaloka ang ahas-ahasan! Haha!
To Direk Dick Lindayag, super galing niya. He directed 4 Afternoon Prime teleseryes and I think, this is the best! :) And starting Monday pala, 5 na ang soaps niya, kaya naeexcite din ako sa Pyra. :) To the writers din na sila Miss Onay Sales, Sir John Kenneth De Leon and of course, Miss Des Garbes-Severino. Most of the shows ni Miss Des love ko e. :)
Congratulations GMA Afternoon Prime! After the success of Koreana, Nita Negrita, My Lover My Wife, Sinner or Saint, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Ikaw Lang Ang Mamahalin, The Good Daughter, Broken Vow, Hiram na Puso, Sana Ay Ikaw Na Nga, Yesterday's Bride, Forever and Bukod Kang Pinagpala, KAKAMBAL NI ELIANA has been added to the list. :)
![]() |
Kim Rodriguez as Eliana with Naja |
Images Courtesy of GMA Network and Kakambal ni Eliana FB Page
No comments:
Post a Comment