Sunday, August 25, 2013

I Share: My Top Ten Favorite Scenes from Iisa Pa Lamang

Noong nakaraang Bagyong Maring at walang pasok, nadiscover ko ang account ni Mr. June Pascual (I don't know him personally, hehe.) sa Youtube at meron ditong mga bonggang-bonggang moments ng Iisa Pa Lamang na teleserye nina Claudine Barretto, Angelica Panganiba, Cherry Pie Picache, Melissa Ricks, Diether Ocampo at Gabby Concepcion.


Matatandaang sa Week 2 natin ay fineature ko sa Teleserye Throwback ang show na ito na may kasama pang mga lines. Ngayon naman sa Week 10, ipapakita natin mismo ang mga eksenang talagang masarap ulit-ulitin at nakakatuwang panuorin na meron pang mga matitindi at nakakatuwang lines! Tara't simulan na natin ang countdown. :)


10. Isadora VS. Lola Aura dahil sa pamimigay ng lupa ng Amadesto.
Naiinis si Isadora dahil gusto ni Lola Aurang ipamigay ang lupa ng Amadesto sa mga trabahador, kaya ikukumpara ni Isadora si Lola Aura kay Rosa Rosal!
ISADORA: Aura, tandaan mo, ang hacienda Amadesto, isang negosyo. Hindi naman ito kawang gawa eh. Ano ba talagang balak mo, palitan si Rosa Rosal?!
[If you don't know, Miss Rosa Rosal is known for her work sa Philippine Red Cross]


9. Isadora VS. Lola Aura dahil sa papeles ng Amadesto.
Maririnig niyo rito ang mga lines na: "I'm sorry. Perfect ako pero nagkakamali rin." from Isadora, and ang confrontation scene na ito:
ISADORA: Dumi ka lang sa paningin ko.
AURA: Tandaan mo. Ang duming ito, balang araw, ang makakapuwing sa'yo.
ISADORA: Eh di magshe-shades ako!


8. Catherine nagsi-swimming ng naka Diamonds.
Makikita ni Scarlet si Catherine at Miguel na nagsiswimming at mapapansin ni Scarlet na nakaDiamond necklace at earrings pa si Catherine.
SCARLET: Magsiswimming ka lang, naka diamonds ka pa?
CATHERINE: Siyempre, diamonds are forever, like me. Dive in, anak!


7. Sophia vs. Catherine
Ipinagtanggol ni Sophia ang kanyang mommy laban kay Catherine. Pero ang matindi dito, yung sampal e.
SOPHIA: Don't you dare say bad things about my mother, kumpara sa'yo, anghel ang ina ko!
CATHERINE: Anghel na may sungay!
SOPHIA: Oo, may sungay. Para suwagin ka, para mauna ka na sa impiyerno!
CATHERINE: Matagal tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si Satanas pa raw mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina.


6. Isadora, bininyagan ng bagong pangalan si Catherine!
Di ko na iprepreempt dahil Top 5 lines na ito pero swear, ang dami kong tawa dito!


5. Isadora, may isa pang pangalan para kay Catherine!
Ano nga ba ang tingin ni Isadora sa pagpapakasal ni Catherine kay Rafael?


4. Scarlet, may bansag para kay Isadora!
Ano ang natanggap na bungad ni Isadora kay Scarlet after her excitement?


3. Catherine VS. Scarlet VS. Miguel!
Isa to sa mga pinaka intense at pinakamatinding eksena sa Iisa Pa Lamang ever!


2. Catherine, napagkamalang si Isadora.
Ano ang sagot ni Catherine nang mapagkamalan siyang si Isadora?


1. Catherine VS. Scarlet sa pagkapresidente ng Dela Rhea foods.
Paano nga ba nila cinonvince ang board para iboto sila? And ang goodluck messages ni Catherine at Scarlet sa isa't isa!


Sana, nag-enjoy kayo sa mga videos! Dahil ako mga 10 times pinapaulit-ulit, tawa ko talaga ng tawa! Winner! :)))))

Videos Courtesy of June Pascual of Youtube

No comments:

Post a Comment