Sunday, August 25, 2013

Teleserye Throwback: Pangarap na Bituin



After the success of the first musical serye Bituin, and the TV adaptation of Bituing Walang Ningning, muling naghandog noong 2007 ang ABS-CBN ng isang musically-inspired showbiz-themed Teleserye, ang Pangarap na Bituin. Pinagbidahan ito nina Rica Peralejo, Maja Salvador, Jericho Rosales at ang nagbabalik-primetime after Bituing Walang Ningning na si Sarah Geronimo. Kasama din nila dito sina Nikki Gil, Rio Locsin, Joel Torre, Cherry Pie Picache, John Arcilla, Pooh, Jay-R Siaboc, Alex Gonzaga, William Lorenzo, Heart Evangelista, Nikki Bacolod, Jaime Fabregas at Sandy Andolong. Ito ay sa panulat nila Philip King at Reggie Amigo at sa direksiyon nina Erick Salud at Trina Dayrit.


Ang kuwento ng Pangarap na Bituin ay tungkol sa singing trio na The Jewel Sisters na binubuo nina Sapphire (Peralejo), Emerald (Geronimo) at Ruby (Salvador). Bago sila nabuo ay nagkahiwa hiwalay muna sila dahil sa unos na nangyari sa kanila. Napunta si Emerald sa isang NGO Worker na si Cocoy Mendoza (Torre) at si Ruby ay kinupkop ni Berns Garcia (Pooh), isang showbiz reporter. Si Sapphire naman ay kumakanta kanta sa mga department store. Magkikita kita silang muli at bubuuin ang kanilang mga pangarap sa mundo ng showbiz. Pero iba ang plano ni Sapphire. Gusto niyang mas sumikat sa mga kapatid niya, at maagaw kay Emerald ang pinakamamahal niyang si Terrence Rodriguez (Rosales).

Sa dulo, mapapag-alamang hindi pala si Sapphire ang tunay nilang kapatid at siya talaga si Bridgette Ramirez, na binayaran ni Alberta Tuazon (Picache), adoptive mother ni Terrence, para magpanggap kasama ni Lena Ramirez (Locsin), na magpapanggap naman bilang ina ng Jewel Sisters. Ang tunay na Sapphire pala ay buhay (Gil) at sa bandang huli ay nag-reunite din sila.

Favorite ko to noon kahit saglit lang siya umere. Naglabas pa nga sila ng Original Soundtrack ng show. Ang ayoko lang, wala ang pinaka paborito kong kanta ng Pangarap na Bituin - ang The Jewel Song. Para mapakinggan natin, heto ang video!


The Jewel Song:

Lagi mong pakatatandaan 
Lagi tayong magakasama magpakailanman 

Ikaw Ruby ang pag-ibig saking puso 
Oh Emerald ika'y wagas na pagsuyo 
Ang ngiti mo Sapphire ligaya ang taglay 

Laging nasa puso at saking isipan 
Kahit magkalayo paman sa isa't isa 

Di magbabago ang pag-ibig magpakailanman
Sa awit na ito 
Lagi tayong magkasama

Finale na yung video niyan, and for me that's one of the best finale scenes na napanuod ko. Winner talaga. :)

Sana nga, gumawa uli ang ABS-CBN ng showbiz-themed show na kagaya nito para masaya. AY! They just did pala sa May Isang Pangarap. Ang ganda din nun e. :) Isa to sa mga bonggang shows ng ABS-CBN. And it's not a remake pala ha. Original story ang Pangarap na Bituin. :) Pero winner talaga ang finale. Haha. :)

Images Courtesy of Wikipedia and PEP.PH
Video Courtesy of sydneysharmaine of Youtube

No comments:

Post a Comment