Sunday, September 8, 2013

Fangirl Stories: Judy Abad and Her K-Pop Experience

For the past two entries ng Fangirl Stories, kwento ko lang ang shinare ko about Diego and Khalil, and Kiko. Pero ngayon, iba naman ang nag-share ng story, at eto, legit na fangirl talaga! At baket? Abangan. Hahaha. Well actually, if you will remember, sa Jimpy TV, may nag-share na rin ng kanyang collection ng K-Pop. Kaya parte ito ng celebration ng first year anniversary ng Jimpy TV! :) Anyway, eto na ang K-Pop fan na si Judyanne Abad!

Naging familiar daw si Judy sa K-Pop since 2007, at nag-umpisa siyang maging fan ng Super Junior noong 2008 dahil sa kanta nilang "It's You". Noong 2009 naman, SNSD or Girls Generation naman ang naging favorite group niya dahil sa mga kanta nilang Genie at Run Devil Run (which happens to be my favorite, too!).

2010 naman, huminto muna siya sa pagiging fan dahil graduating year na at kailangang mag-seryoso. At nakita niya na yung iba, nag-uumpisa pa lang maging fan samantalang siya, medyo patapos na. PERO! Noong nalaman ng friends niya na medyo nag-stop siya, kwinentuhan siya uli tungkol sa K-Pop lalo na sa group na U-Kiss. Na-curious siya most especially with Shin Soohyun dahil yun daw ang bukambibig nila. Kaya napa-research siya, at hanggang ngayon "...loyal fan na nila ako kahit ngayon."

 UP: Judy in DKFC concert then
First Kpop festival last december 2010
DOWN: Collection then with a Soohyun Standee
Sa mga nagawa naman daw niyang kagagahan, nakakarating siya sa mga mall tour nila sa Pilipinas kahit napipipi na siya sa dami ng tao. "I've been to BGC because of 2AM (K-Pop Boy Group). Tapos sa album launch nabili ako, as in nangungutang ako sa sampung tao ng tig fi-fifty pesos." Pero nung pagdating niya sa College, medyo nagstop siya sa pagbili.

Nakartating na rin siya sa conventions/events and sa fan battles. Nakakabili rin siya ng madaming merchandise like photo cards, posters, bag tags with an affordable price. Minsan pa, 50% off ang korean version ng albums kaya hindi niya ito pinapalagpas!

Last January, she also watched the Dream K-Pop Fantasy Concert kahit General Admission lang dahil... "Kasi one time bigtime siya, 5 groups in one concert (U-Kiss, Infinite, Exo (OT12), SNSD, Tahiti and Tasty)." Pero ito ang the best! "A day before ng concert, sumama ako sa mga kaibigan ko mag-stalk kahit in uniform ako nun. As in grabe! Yung hirap ng diskarte para makapasok sa Manila Hotel for the presscon. Kaloka yon. Akala ko hihimatayin ako sa sobrang dami ng tao tapos isa ako sa mga fans na nakakita sa kanila ng malapitan sa presscon. Kahit walang pass, nakapasok!" Imagine, she walked all the way from Pedro Gil to Manila Hotel in heels! Naka 2-hours sila sa pag aantay at 5 attempts bago makapasok. "Nakipagtulakan ako para makapunta sa unahan. Then napaiyak ako sa tuwa nung nakita ko ang U-Kiss!" Noong concert naman, naka-bonus siya ng face to face with Sungha Jung.

At sa mga willing pa siyang gawin? "I want to go to Korea to watch music shows kung saan sila nagpeperform - Music Bank, Music Core, Inkigayo) and gusto ko rin mag-apply sa mga entertainment nila." Worth it naman daw ang pagiging fangirl dahil dumami ang friends niya and stress reliever niya ito. And napasayaw siya ng K-Pop since she used to perform the dances in her previous school.
Judy performing K-Pop Dance in her school.
She is the girl in Yellow.
Ang masasabi ko lang, nakakarelate ako sa kanya dahil para sa Teleserye at sa mga crush kong artista, ganyan din ako! :) Haha! Go lang ng go Judy! Masaya yan! :D At sa lahat ng K-Pop fangirls, love ko kayo! :)

No comments:

Post a Comment