Nagsimula na noong Lunes, September 2, 2013, ang isa sa pinakaabangang teleserye ng ABS-CBN na handled and produced by Prime Teleserye Unit "Dreamscape Entertainment" na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ito ay pinangungunahan nina Miss Dawn Zulueta at Gerald Anderson, kasama sina Cristine Reyes, Ton-ton Gutierrez, Miss Dina Bonnevie, Rayver Cruz and Diana Zubiri. Under the direction of Direk Jerome Pobocan (Mara Clara, Lorenzo's Time) and Direk Trina Dayrit (Guns and Roses, Walang Hanggan). Ito ay parte ng pagpapatuloy ng ika-60th anniversary ng ABS-CBN
Halos isang taon din ang hinintay para ma-ere ang proyektong ito. Matatandaang ang Diamond Star na si Miss Maricel Soriano talaga dapat ang gaganap sa role ng ina ni Gerald Anderson (that will serve as her comeback) but due to unfortunate circumstances, kailangan niyang iwanan ang project at si Miss Dawn Zulueta ang napiling magtake over sa role na naiwan.
Ang kuwento ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay umiikot sa mag-inang Zenaida (Dawn Zulueta) at Miguel (Gerald Anderson). Ipapakita nila dito ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak matapos maakusahan sa isang kasalanang hindi naman ang anak niya ang gumawa. Sa kuwento kasi, nakulong si Miguel after mapagbintangang nang-rape kay Carla (Diana Zubiri).
Parang history repeats itself dahil years ago, napagbintangan naman ang ama ni Miguel na si Martin (Gabby Concepcion) na mastermind sa pagpatay sa isang senador (played by Noel Trinidad).
Kasabay naman ng pagkakakulong ni Miguel, Zenaida finds another conflict with Victoria, a politician na dating asawa ng partner niya ngayong si Richard (Ton-ton Gutierrez) while Miguel also has a conflict with Victoria and Richard's son Marcus (Rayver Cruz). Pero makakahanap naman ng kakampi si Zenaida kay Amanda (Cristine Reyes), ang girlfriend ni Miguel na tutulungan siyang makalaya sa kulungan.
The first week was really filled with events, mabilis ang pacing ng story. I actually did not expect that the rape scene will come sa first week. Siksik kaya sulit na sulit naman ang pagpupuyat sa late timeslot nito. Nakakatuwa rin ang musical scoring and mga transition, though medyo naguguluhan ako dun sa biglang bumibilis na editing, yung pag mag co-close up ng location. Nagugulat ako e. Haha. However, that gives the impression na isang action-serye nga ang sinusubaybayan natin.
With regards to the cast, as usual, magagaling talaga ang mga artista. Most of the actors here came from remarkable roles and teleseryes. Miss Dawn Zulueta as Emily from Walang Hanggan, Gerald Anderson from Budoy, Cristine Reyes from Dahil sa Pag-ibig and Ton-ton Gutierrez from Aryana. But thanks to the writers and their brilliant acting, walang bakas ng mga nasabi kong mga characters ang mga roles nila dito. Most especially Diana Zubiri who can also be seen in another teleserye primetime teleserye na Juan Dela Cruz. At siyempre, after a long rest, Dina Bonnevie's still the best! I really love her. Bitch kung bitch! :)
I hope na magtuloy tuloy ang ganda ng show na ito at sana medyo agahan nila ang timeslot kasi ang compelling talaga ng story. Kasi talagang nararamdaman kong may malaking malaking twist ang kwentong ito. Lalo na sa rape angle. :) So Goodluck and Congratulations in advance team Bukas Na Lang Kita Mamahalin!
Bukas Na Lang Kita Mamahalin, weeknights 9:45 PM after Muling Buksan Ang Puso!
Images Courtesy of ABS-CBN
No comments:
Post a Comment