Sunday, September 8, 2013

Teleserye Throwback: Maging Sino Ka Man



October 2006 nang magsimula ang isang kwento na magpapakita ng iba't ibang klase ng pag-ibig, ang teleseryeng binansagan rin bilang susunod na "Pangako Sa'Yo", ang MAGING SINO KA MAN. Ito ay pinagbidahan nina Bea Alonzo as Jackie, Anne Curtis as Celine, Sam Milby (in his first teleserye) as JB and John Lloyd Cruz as Eli. Kasama rin dito sina Chin-Chin Gutierrez, Glenda Garcia, Bing Pimentel, Irma Adlawan, Dick Israel, Smokey Manaloto and in his first project that time as a Kapamilya, Mr. Christopher De Leon. Ito ay sa panulat nina Shaira Mella, Generiza Reyes and Jay Fernando, with Ricky Lee as Creative Manager. And ito ay idinirehe nina Direk FM Reyes and Direk Mae Czarina Cruz.




Ang kuwento ng Maging Sino Ka Man ay umiikot sa apat na characters who are in search for happiness, freedom and love. Jackie (Alonzo), a daughter of a rich business tycoon (De Leon), is set to marry a shipping magnate's son JB (Milby). Unfortunately, she meets an accident. Eli (Cruz), who witnessed the accident (dahil ang grupo ng kuya (Manaloto) niya ang nagplano ng kidnapping kay Jackie), took care of Jackie and renamed her as Princess after Jackie loses her memory, at ngayon, napaniwala ni Eli na asawa niya si Princess. Meanwhile, Don Fidel Madrigal (De Leon) was believed na namatay na nga ang anak niyang si Jackie. Everyone's grieving already, including Jackie's cousin, Celine (Curtis). However, Celine got the chance to get closer again with JB, whom she had a past with.




Months had gone by, Jackie remembers and resurfaces but forgets Eli. Hanggang sa magkakasalubong uli ang landas nila, and magbabalik ang feelings nila, pero naging problema ang status nila dahil ayaw ni Don Fidel kay Eli, at mas manunumbalik pa ang ala-ala ni Jackie at matutuklasan niyang kasama pala ang kuya  ni Eli sa nagpakidnap kay Jackie.

Of course, each love story has a happy ending. Jackie weds Eli, JB plans to marry Celine. Doon natapos ang Maging Sino Ka Man... pero hindi doon nagwakas ang lahat. Dahil may ipinakitang teaser sa dulo.


AT ETO NGA ANG MAGING SINO KA MAN, BOOK 2.


December 10, 2007 or 6 months after MSKM has ended, nagbukas muli ang kuwento nila for Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik or ang Book 2 nito. Marami ring mga characters ang dumagdag katulad nina Angelica Panganiban at Philip Salvador (na lumabas na sa book 1), Rosanna Roces (na nag-cameo sa finale ng Book 1), Toni Gonzaga at Derek Ramsay. However, Direk FM Reyes left para sa Lobo and Direk Rory Quintos took over with Direk Mae Cruz pa rin.

Dito ipinakita naman ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig by: Desire, Betrayal, Compassion, Despair, Obsession, Vengeance, Greed, Faith, Hope and Power.



Dadating sa buhay ng mga Madrigal ang anak sa labas ni Fidel na si Lena (Panganiban) at ang ina nitong si Veron (Roces) para paghigantihan ang mga Madrigal. Magkakagusto naman si Lena kay Eli na ikakagalit ni Jackie. But actually, Lena has a boyfriend in the name of Joaquin (Ramsay). Isa siyang bulag. One day, bigla siyang nawala para hanapin si Lena and there nasagasaan siya and soon dies.

Meanwhile, Celine and JB plan to get married pero hindi pa rin siyempre pabor ang mommy ni JB na si Corazon. Later, they will discover that Celine has pancreatic cancer. Makikilala naman nila si Onay (Gonzaga) na magiging nurse ni Celine, who will also harbor feelings for JB and soon, malalaman na kapatid pala siya sa labas ni Eli.

In the end, after na muntik nang maghiwalay, nagkabalikan sina Jackie at Eli at nagka-baby. Celine and Lena died dahil nagkasakit rin si Lena. Don Fidel loses his sanity after an incident. Onay and JB remain friends.

Isa talaga ang Maging Sino Ka Man sa mga teleseryeng talagang tumatak sa publiko despite its late timeslot noong panahon nito. Napakagaling ng writers and directors at talagang naglalabanan ang mga artista sa acting. :) Actually, may DVD ako ng Book 1 nito (except for Volume 13) and hindi siya nakakasawang panoorin dahil talagang may character na makakarelate ka. Ako for instance,  nakarelate ako kay Celine sa umpisang story niya with JB. And by the way, dito rin pala sumikat ang mga lines na "I never said that I love you!" and "Yes I am a slut, but I'm the best slut in town!" :)

Marami na ring sumubok na gumawa ng mga teleseryeng katulad nito, pero sino lang ang nagka-Book 2? :) Haha! Maging Sino Ka Man will always be a crowd favorite kahit ilang taon na ang nakakalipas. :)


Images Courtesy of: Google, ABS-CBN
Videos Courtesy of: Youtube Uploaders

No comments:

Post a Comment