Sunday, September 15, 2013

Teleserye Throwback: Impostor


May 2010 nang ipagdiwang ng Precious Hearts Romances ang una nilang anibersaryo bilang isang full-fledged afternoon soap. If you will remember, PHRs are stories from novels serialized for Television. Kaya naman ang handog nila ay ang isa sa best-selling PHR Novels written by Martha Cecilia, ang IMPOSTOR. Ito rin ay naging parte ng selebrasyon ng ikaw-60 Taon ng Pinoy Soap Opera. Nagpremiere ito ng May 17, 2010 at natapos ng September 17, 2010.

Ang Impostor ay pinagbidahan nina Maja Salvador bilang Devin at Mariz, Sam Milby bilang Anthony, Precious Lara Quigaman bilang Monique at ipinakilala sina PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros as Devin and PBB Alum Jason Francisco bilang Popoy. Ito ay sa direksiyon ni Direk Jerome Chavez Pobocan (May Bukas Pa, Mara Clara, Nasaan Ka Elisa) and Direk Neal Felix Del Rosario (Alyna, Angelito, Oka2Kat). Ang creative team naman ay composed of Mr. Willy Laconsay (headwriter; creative manager of Angelito, Annaliza), Ms. Tanya Winona Bautista (A Beautiful Affair, Mana Po), Ms. Bing Castro (Alyna; headwriter Hiyas and Paraiso), Mr. Ruel Montanez (headwriter Lumayo Ka Man Sa Akin; writer Angelito 2), and Mr. Mark Anthony Bunda (contributing writer - Tayong Dalawa, Kung Tayo'y Magkakalayo)



Ang kuwento ng Impostor ay tungkol kay Devin na napilitang magpanggap bilang ang modelong si Mariz matapos ang isang aksidente. Sa tulong ng kapatid ni Mariz na si Monique, ooperahan ang mukha ni Devin at magiging kamukha na niya si Mariz. Babalik siya sa pamilya ni Mariz kaya mai-inlove siya sa asawa nitong si Anthony. Kaya naman ngayon, hindi niya alam ang gagawin if  aamin na ba siya kay Anthony o magpapatuloy sa pagpapanggap niya.

Isa ang Impostor sa pinakasuccessful na installments ng PHR TV Series, most especially na ito rin ang kauna-unahang PHR na may target airing of 13 weeks pero naextend pa ito ng hanggang  18 weeks despite the constant timeslot changes dahil sa pababago-bagong oras ng Showtime at Pilipinas Win na Win. Nabasa ko rin ang book ng Impostor and I can say na  kahit may mga naging changes sa story, ang ganda pa rin ng kinalabasan. I also love the musical scoring lalo na yung tinutugtog sa umpisa. Nakaka-LSS. Plus we have to congratulate the soap for bagging a nomination from the 2011 International Emmy Awards! Ang galing galing diba!

And to fully reminisce Impostor, here is the show's Full Trailer:

At dahil sa entry na to, mas namiss ko tuloy ang PHR. Ibalik na nga to sa TV! :D



Images Courtesy of ABS-CBN and Starmometer

No comments:

Post a Comment