Sunday, September 15, 2013

We Review: Pilot Week of Akin Pa Rin Ang Bukas


Noong Lunes, September 9, nag-umpisa nang umere ang much-awaited teleserye ng nag-iisang Primera Aktresa ng GMA, si Lovi Poe. Ito ang AKIN PA RIN ANG BUKAS. Ito rin ang comeback serye niya matapos ang recent contract signing niya sa GMA at after ng huli niyang soap sa Afternoon Prime na Yesterday's Bride. 
Primera Aktresa Lovi Poe in
Akin Pa Rin Ang Bukas
Maraming firsts ang teleseryeng ito. Ito rin kasi ang unang directorial job ng critically-acclaimed actress and director na si Direk Laurice Guillen. First project rin ni Charee Pineda after years sa GMA after her Angelito stint. [Di ko lang malaman bakit first kontrabida role ni Charee ang sinasabi dito, eh she played kontrabida kay Nadine Samonte sa afternoon soap na Ikaw Sa Puso Ko na produced ng TAPE.] First project rin sana ito ni Miss Helen Gamboa for GMA, but she has to back out due to sickness. And this is also the first solo project of Lovi Poe in Primetime na siya lang talaga at wala siyang ka-share sa billing.

Direk Laurice Guillen on her first teleserye as a director.
Kung maraming firsts ang show, marami rin itong comeback. Una na nga ang comeback ni Lovi Poe, sumunod si Cesar Montano, then si Charee Pineda. And this is also the comeback of Lovi and Rocco Nacino's love team after the afternoon soap Yesterday's Bride.

Cesar Montano as Atty. Conrad Alperos
Charee Pineda on her first GMA show after 5 years.


Anyway, ang mga kasama sa cast ng Akin Pa Rin Ay Bukas ay sina Rocco Nacino, Charee Pineda, Solenn Heusaff,  Ina Feleo, Gary Estrada, Tiya Pusit, Glenda Garcia, Steven Silva, Ruru Madrid, Kier Legaspi and Cesar Montano. Veteran actors Miss Liza Lorena, Mr. Freddie Webb and Miss Gloria Romero also play vital roles in the soap.

Ang kuwento ng Akin Pa Rin Ang Bukas ay tungkol kay Lovelia Villacorta (Poe), na handang gawin ang lahat para mapatunayan sa kanyang lola (Lorena) at ama (Estrada) na may ibubuga rin siya despite being an illegitimate child. Later in the story, siya rin ay maghihiganti sa lahat ng taong nagtraydor at nanakit sa kanya.

Lovi Poe reunites with loveteam Rocco Nacino who plays Jerry.
On its first week, umikot ang kuwento sa pagkakabuntis ni Roel (Estrada) kay Emma (Feleo). Napalayas si Emma kaya itinaguyod niya ng mag-isa si Lovelia. Tutulungan naman siya ni Brando (Legaspi) upang makaraos. Magsasama sila subalit hindi niya alam na mas magiging impiyerno pa ang buhay niya dahil sa violent ways ni Brando, at ng kanyang bratinellang anak na si Agatha (to be played by Pineda). Magkakaroon ng sakit sa puso si Lovelia kaya naman mapipilitan siyang ipamigay ito kay Roel para mapagamot.

Ina Feleo plays Emma Ignacio, Lovelia's mother
Hindi pa man lumalabas sina Lovi, Rocco at Charee, kaabang abang na talaga ang naging unang linggo nito. Napakagaling talagang aktres ni Miss Ina Feleo (ABS-CBN days pa lang, love ko na siya.) at talagang ang pilot week eh siya ang bida. Sobrang ramdam mo yung pain niya. Basta, wala akong masabi sa galing niya. Naiiyak ako pag napapanuod ko siya. Miss Liza Lorena also scared me dahil sa mga kagagahan niya. Pero nakakaaliw ang love niya for jewels ha. Kahit ang child actors who portrayed Agatha and Lovelia were good. Parang pag hindi mo napanuod ang pilot week ng show, maraming mawawala sa'yo at hindi mo masusundan ang kuwento. Si Cesar Montano at Gary Estrada naman, okay na okay rin. Naninibago ako sa role ni Cesar, akala ko kasi hindi siya mabait dito. Haha. I hope that Miss Gloria Romero will be given more intensifying scenes dahil sayang naman kung parang extra extra lang siya. Pero pilot week pa lang naman. I know marami pa yan. Haha.

Miss Liza Lorena replaces Miss Helen Gamboa
 in her role as Beatrice Villacorta, Lovelia's grandmother.
I am so excited sa paglabas nina Lovi, Rocco at Charee. Feeling ko nga, gagawan ko pa rin ng blog entry ang show next week. Haha. :) Pero isa lang masasabi ko, that Akin Pa Rin Ang Bukas had a good start, sana mapanatili hanggang dulo. Sobrang excited ako sa kuwento! Gusto ko nang makita ang mangyayari sa buhay ni Lovelia, plus kung paano siya maghihiganti. Excited din ako kay Charee dahil sa Ikaw sa Puso Ko way back 2004, nakakapikon siya dun, sobra. Ayun, nahulog tuloy sa hagdan at nasaksak ng gunting. Haha. How can I forget that! Well knowing Miss Denoy, she is really a good writer. Legacy - Mundo Mo'y Akin ba naman e. ;) Plus I also have to commend pala the theme song, ang ganda. Nakaka-LSS. Sana maglabas sila ng soundtrack kahit yun lang ang laman. :)

Goodluck sa succeeding weeks ng Akin Pa Rin Ang Bukas. At least, eto ang next GMA show na susubaybayan ko dahil patapos na ang Anna Karenina. Haha. :)

Tutukan ang Akin Pa Rin Ang Bukas Lunes-Biyernes pagkatapos ng Anna Karenina sa GMA Telebabad. :D

Images Courtesy of GMA Network

No comments:

Post a Comment